JZ's POV💗💗
Sunday........
Haishh ngayon na ang dinner....Mami meet ko na yung magiging asawa ko.Huhuhu.Ano ba kasing pumasok sa mga utak ng magagaling kong magulang at ia arrange nila ako...Pwede namang si kuya Jas na lang ehhhh.Bakit ako pa?
Habang nagmumuni muni ako dito sa kwarto ko ay biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako para tignan kung sino yun pero inalis ko din ang tingin ko nang makita ko kung sino ang pumasok.
"Ready ka na ba???"tanong ni kuya..Umupo sya sa tabi ko.
"Ano sa tingin mo kuya???"walang ganang tanong ko.
"Haishh wag ka nang magdrama dyan ang ganda ganda pa naman ng suot at make up mo ohh.."Tch yun pa talaga ang inalala ehh.Bading.
"Kuya bakit ba kasi ako ang ia arrange ehh pwede namang ikaw na lang???"sabay lingon ko sa kanya.
"Hindi naman kasi ako babae para magpakasal sa kanya,"biro nya pero di ako natuwa.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin!!"naaasar na sabi ko sa kanya.
"Hahaha biro lang.Wag ka masyadong magalit at baka pag nakita ng fiance mo yang mukha mo baka umurong yun at di na matuloy ang kasal hahahaha,"sinamaan ko naman sya ng tingin pero nag peace sign lang sya.Tch bading talaga.Natatawa ako sa ginagawa nya.Sayang ang gwapo kuya kung bading ka hahahaha.
Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan hanggang sa may kumatok sa pinto ng kwarto ko.Tumayo naman si kuya para pagbuksan iyon.
"Baby,are you ready?,"nakangiting tanong ni mommy.Napasimangot naman ako.Nagpaalam naman si kuya na lalabas na.
"Baby 'wag ka ng malungkot,"lumapit sa akin si mommy at tumabi sa akin."Para din naman ito sa ikabubuti mo at nang company natin ehhh,"pagpapatuloy nya.
"I understand mommy,"sinserong sabi ko.Ngumiti naman si mommy.
"Thank you baby,"sabi nya at yumakap sa akin.Natawa naman ako.
"Mommy andrama mo naman.Hahahahaha,"natawa kami pareho.
"Let's go?,"tanong ni mommy.
Nginitian ko sya at sabay na tumayo at bumaba sa kwarto.Nakita ko agad si Stacey na nagde dede sa bote nya.Tch five years old na nagde dede pa rin.
Pagbaba namin ni mommy ay sinalubong ako ni daddy ng yakap at hinalikan sa pisngi.
"You look beautitiful tonight,anak,"sabi ni daddy sumimangot naman ako.
"Bakit tonight lang daddy?Hindi ba ako maganda everyday?"biro ko.Natawa naman kami pareho.
"Let's go?"aya ni daddy.Tumango naman ako.Hinatid kami ni kuya sa gate ng bahay kasama si Stacey na nagde dede pa rin.
"Bye Jas take care.'Wag mong pababayaan si Stacey ha?"habilin ni mommy.
"Of course mom,"nakangiting tugon ni kuya.
Humalik muna si mommy kay kuya at Stacey sa pisngi bago sumakay ng kotse.Pagkasakay namin ng kotse ay agad na pinaandar ni daddy ang makina hanggang sa tuluyan na kaming makaalis sa bahay.
~FAST_FORWARD~
Kararating lang namin dito sa restaurant.Dito daw namin imi meet ang family Lee.Whooo.This is it.Kinakabahan ako.Parang gusto kong maihi sa kaba na ewan.Anubayan.Nagpaalam muna ako kay mommy na pupunta sa comfort room dahil sobrang kaba ko talaga.
Pumasok ako sa sang cubicle at di ako mapakali.
"Whoo kaya mo yan JZ.'Wag kang kabahan,"pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyonan ko ng lumabas sa cubicle at nag retouch bago tuluyang lumabas ng C.R..Syempre ayoko rin namang magmukha akong losyang sa harap ng.......Basta kng ano man ang dapat kong itawag sa kanya.
Pagkalapit ko sa table namin ay may napansin na akong kausap si mommy at daddy na parang ka age lang nila at meron din akong napansing nakatalikod sa akin na lalaki.Whooo this is it JZ.Huhuhu ikakasal na ako sa isang swa-------.
Natigilan ako ng biglang lumingon sa akin yung lalaking nakatalikod sa akin.Nagkatitigan kam Omo.Anggwapo!Kailan ang kas-----.
"Oh baby andyan ka na pala.Antagal mo naman atang nag C.R.?"Nag iwas agad ako ng tingin nang marinig ko si mommy.Mommy naman ehh.Sinira mo yung moment.
"Hehehe,"pekeng tawa ko sabay lapit dun sa table at umupo."I'm sorry mommy kung pinaghintay ko kayo,"paghingi ko ng sorry sa kanya.
"It's okay iha kararating pa lang naman namin,"sagot nung babaeng parang ka age ni mommy.
Nag smile na lang ako sa kanya.Naiilang ako sa kinauupuan ko.Pa'no ba naman kasi,kaharap ko si Mr. Handsome.
"By the way,this is my son.Jay Hunter Lee,"wow ang cool ng name nya ha.
"Tch,"bigla may sumabad.Oh no.Mukahang masungit to ahhh.My god!
"Jay umayos ka.Nasa harap mo ang fiance mo,medyo naiinis na sabi ng mommy nya dahil sa inasal nya.
"And so??,"malamig na tanong nya.Anubayan,may mens ba 'to?
Bumaling sa akin ang mommy nya."I'm so sorry sa ugali ng anak ko iha,"pagpapaumanhin nya.
Ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis sa kanya."Okay lang po yun Mrs. Lee,"nakangiti kong sabi.
"Iha 'wag mo na akong tawaging Mrs. Lee,mommy na lang,"nakangiti nyang sabi.
"Ahhh sige po m-mommy,"nahihiya kong sabi.
"Oh ayan mas magandang pakinggan,"todo ngiting sabi ni Mrs. Lee.
"Tss,"napatingin naman ako sa harap ko.Nang nakita nya na tumingin ako sa kanya ay.....Aba't inirapan ako ng loko!Kahit gwapo ka hindi ako papa effect sayo!Bading ata 'to ehh.
Natigil na sa pag uusap sina mommy at tita nang mai serve na ang mga in order namin kaninang makarating kami.Tahimik kaming lahat na kumain.
Nang matapos kaming kumain ay nag usap usap ulit ang mga parents namin nitong si Mr. Sungit.Ano ba naman 'to,daig pa ako kung may menstration ehh.
Nag usap usap sila tungkol sa wedding.Sumasagot lang ako pag tinatanong ako.Ito namang kaharap ko,puro tss,tch,whatever lang naman ang sinasabi.
Mag te-10:00 o'clock na ng gabi nang mapagdesisyunan na nilang umuwi dahi maaga pa daw bukas.Naunang umalis ang family Lee.Pagkaalis nila ay napagdesisyunan na rin naming umuwi.
Pagkauwi sa bahay ay deretso na akong umakyat papunta sa kwarto ko.Feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman kaming ginawa kundi ang mag usap at kumain.
Nag shower agad ako at dumiretso sa paghiga pagkatapos.'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako........
Zzzzzzzzzzzzzzz
'Thanks po sa mga nagbabasa.And sana po pagtiisan nyo pa po itong basahin dahil first time ko pong magpublish ng story.Kaya thanks po talaga dahil binabasa nyo ito.Don't forget to vote po.'😊😊😊
YOU ARE READING
My Husband Is A Cold Hearted Guy(ON HOLD)
RomanceJulianne Zachariez Scarlet.JZ for short.Isang NBSB na maia arrange sa isang cold-hearted na lalaki na nagngangalang Jay Hunter Lee.Lumipas ang panahon at nahulog sila sa isa't isa.Ngunit sa di inaasahan ay biglang umeksena ang ex ni Jay na si Katrin...