"Hayyyy.. *sighs*"
3:00PM na. Kakauwi ko lang galing school at pagkadating ko sa bahay, diretso agad ako sa computer at nagonline sa Facebook. Baka kasi online yung long time crush ko.
Oh? Mega kwento na agad ako eh di ko pa pala naipapakilala ang sarili ko. Ako na pala si Aliceson Brean Crus Dimalibot, Alice for short. Haha!! ABCD pa? Kaya yan, minsan "Alphabet" tawag nila sakin eh. 2nd year college taking up AB Communication Arts. Isa akong jazz dancer at hindi naman sa pagmamayabang pero I really have great grades. Lastly, SINGLE ako. ^_^"
Oo nga pala, yung iniintay ko na mag-online? Si Elsonn Francis Gutchengco Hernandez and Frans tawag sa kanya ng karamihan. EFGH diba? Haha! Kaya minsan talaga nagiging asyumera na ako na meant to be kami. ^__^ Well, 3rd year college na siya taking up AB Multimedia Arts. Yes, magkapareho kami ng department kaya nga pag may General Assembly ang department namin, lagi ko siyang nakikita. Dancer din siya pero madalas nakikita ko siyang sumayaw ng Hiphop or Lyrical. Grabe nakakainlove siyang sumayaw. Crush ng bayan din siya sa school. Hindi ko na nga pinahahalata na may gusto ako sa kanya eh. Ayoko na magpaka-fan girl kasi baka naman isipin niya obsessed ako sa kanya. Ayon sa aking mga sources, he gets good grades and maganda ang records niya sa school. Mabait din siya, sobra! Gentleman pa. Oh, bihira ang ganyang mga tipo ng lalaki ah?
So.....
Eto parin ako, dalawang oras na ang nakakalipas pero iniintay ko na magonline. Teka, diba 3:00PM din labas nila? Laging pag online ko eh online din siya eh. Ako lang talaga ay hiyang hiya na kausapin siya.
5 minutes...
10 minutes...
15 minutes...
20 minutes...
Sige lang Alice, hintayin mo lang siya. Konting patience pa.
5 minutes...
10 minutes...
15 minutes...
20 minutes...
"WAAAAAAAA!! I must be crazy!! Ayoko na!!" Sabi ko habang nagwawala while sitting sa upuan ko.
Hindi ba talaga siya magoonline?! Grabe it is almost 6:00PM at mega hintay parin ako sa kanya. Pasalamat ko na talaga at wala kaming assignments ngayon!
I was about to log out ng biglang notification na nagpop-up.
Francis Hernandez posted on your wall.
EHH?! Baliw na ba talaga ako oh nagpost talaga si Frans sa wall ko? Dali dali kong binuksan yung notification na yun at..
O.O
EHH x2?!Whattda?!
Francis Hernandez: Ihi ka ba?
Ano to? Boy pick-up? Bakit ganto ang pinost niya?
Naman Alice! Makisakay ka na lang!!
Nagcomment ako sa post niya.
Alice Dimalibot: Hindi, bakit?
Opps! Notif ulit?
Francis Hernandez commented on your wall post.
Oh? Anong bilis magreply nun ah?
Francis Hernandez: Hindi kasi kita matiis. :)
Kyaaaa~~ Wala namang ganyanan! Hindi ba lingid sa kanyang kaalaman na pinapakilig niya ako ngayon?
