Halos araw-araw after classes nagkakayayaan na kaming tumambay at as usual magshot. Minsan pa nga kung ano-anong trip ang pumapasok sa utak namin na pati sa Buntun Bridge nagagawa naming tambayan. Wala lang. Bibili kami ng kape sa 24/7 na burger shop tas dun namin iinumin. *laughs Mga engot lang ano? Konting kwentuhan. Minsan habulan. At madalas takutan. LOL.
Sobrang naging comfortable akong kasama silang lahat kahit na ako ang pinakabata sa grupo. Siguro dahil panganay ako sa lahat sa aming pamilya kaya eto at nakahanap ako ng mga Kuya at Ate ko sa katayuan nila. (^________^) Di ko inaasahan na sila-sila din pala ang mga makakasundo ko. Akala ko magiging boring ang buhay ko sa Fymes School, hindi ko alam na may mga taong katulad nila, na sasabay sa lahat ng trips ko. Sobrang pinahahalagahan ko sila ngayon sa buhay ko. Sila kasi yung mga taong andyan lagi, nasasabihan ko ng mga problema ko. At isa pa, sila din yung gagawa ng paraan para pangitiin ako sa bawat araw ko. Ang sarap nilang kasama.
Tuwing kasama ko sila di ko na nagagawang icheck ang phone ko kung kaya’t nagtatampo naman itong si Fritz dahil di daw ako nagtetext sa kanya. Oo nga pala kami na ulit. Nakipagbalikan na ako sa kanya, dahil napagtanto ko na wala talaga akong mapapala sa dating boyfriend kong nasa Baguio. Anyway, nasa Bora si Fritz today with his family. Kaya madalas etong mga Kuya at Ate ko sa school ang mga nakakasama ko. At eto nga I’m supeeeeerr enjoying it to the max! \(^o^)/
Madalas sa bahay kami nila Ate Zy tumatambay, after classes automatic na yan sa kanila na ang diretso naming lahat. Sobrang ayos naman kasi dun dahil ang cool ng both parents niya.
Naalala ko naman yung ibang friends ko, di ko pa sila napupuntahan kaya may ilang araw din na di ako nakakasama kela Ate Zy para mapuntahan ko rin naman ang barkada ko. Syempre ganun din ang mga nangyayari, gimik kung saan-saan at shot parin ang session namin. Kung hindi naman e sugal. LOL.
Nang umuwi naman si Fritz, aba syempre sa kanya naman ako. At gusto niyang sa kanya lang daw ako. Aba aba aba! >__< Nagpupunta kaming dalawa sa tambayan namin ng barkada, kaya ayos lang din. Ang hindi lang okay ay ang pag-absent ko na ng madalas sa school. Kamusta na kaya mga Ate at Kuya ko? Lagot ako pag nalaman nanaman ito ni Tito. Para bang dati kasi nadeprive ako sa paglalakwatsa kaya ngayon inaaraw-araw ko naman na. Hindi ba masama ang sobra?
Pag-uwi ko ng bahay, nagtext naman ako kela Ate Zy, Humi at Kuya Jr. Di kasi ako makapagtext sa kanila kapag kasama ko si Fritz. Ang dami kasing tanong nun. At ang nakakaasar masyadong pakealamero. Kaya para walang away, ganun nalang ang ginagawa ko. Nagulat naman ako ng biglang tumatawag si Kuya Jr. May problema kaya tong taong to? Himala naman yatang napatawag siya.
Lab: Hello?
Kuya Jr: Uyy Mare, asan ka?
Lab: Andito ako sa bahay Kuya, bakit?
Kuya Jr: Wala lang namiss lang kita.
(Ano daw??)
Lab: Ha??! Sus naman. *laughs
Kuya Jr: Potakte ka naman kasi di ka na pumapasok, kasama ko sila Humi dito sa bahay ng bestfriend ko. Punta ka dito gusto mo? Shot tayo.
Lab: Nako Kuya, di ako pwede eh. Gabi na kasi, tsaka nakauwi na ako. hirap ng makalabas ulit. Alam mo na. *laughs
Kuya Jr: Sunduin ka nalang namin dyan.
Lab: Halla! Wag na no. Next time nalang.
Kuya Jr: Ganon? O sige. Teka may gustong kumausap sayo.
Lalake: Hello?
Lab: Sino to?
Lalake: Bestfriend ni Jr to. Ang lakas ng tama ng bestfriend ko sayo.*laughs
(naguluhan naman ako sa sinabi niya)
Lab: Ano! Sino ba to?
Lalake: Gerald to. *laughs O sige ibabalik ko na kay Jr.
Kuya Jr: Hello? Anong sabi sayo?
Lab: Di ko alam, Di ko rin naintindihan. *laughs Lasing ba yun?
Kuya Jr: Oo. Kanina pa kasi kami nag-iinuman dito.
Lab: E ikaw? Lasing ka na?
Kuya Jr: Hindi naman.
Lab: Weeeeehhhhh? *laughs
(ng wala na kaming mapag-usapan)
Kuya Jr: O siya sige na then at tong si Humi nagsusuka na. *laughs
Lab: Hay nako. Kayo talaga. O sigesige.
Then he hanged-up.
Anong meron dun? Sira ulo talaga yun. *laughs. Nakakamiss naman sila. Hay nakooo. Promise bukas papasok na talaga ako!!
Pagpasok ko ng school. Syempre ayan at kulitan blues nanaman with my Kuya’s and Ate’s. Lalo na nitong si Kuya Jr. Ito kasing taong to, sobrang kulit! Parang di kumpleto ang araw niya pag di ako inaasar. Well. Sanay naman na ako.
Maalala ko tuloy ang kapilyuhan pa nitong taong to nung minsang sa bahay nila Kuya Ramdi kami tumambay at nag-inuman. Kinukulit niya ako habang kausap ko si Fritz sa phone. Ang kulit-kulit. Pinapatawa niya ako, to think na di ko sinabi kay Fritz na lumabas ako. Yinayaya din kasi ako ni Fritz lumabas nun, ang sabi ko di ako pwedeng lumabas. Ang di naman niya alam nasa labas na ako dati at kasama nga sila Kuya Jr and the others. LOL. Ang sama-sama kong girlfriend no?*pouts
Masyado kasing ewan din si Fritz e, yung tipong gusto niya sa kanya lang ang buong atensyon ko, na di naman pwede. Dahil nga nag-aaral ako. Ayaw niya rin na iba ang kasama ko, ano then? Siya nalang lagi! Ayaw ko pa naman ng ganung parang ginagawa akong robot. At kinuha niya pa yung schedule ko, para daw sunduin ako sa school na sobra namang kinagalit ko. Ano ako? Bata? May pasundo-sundo pang nalalaman. Ewan ko ba sa lalaking yun, masyadong aning! Nakakainis na din. Mas okay pa nga nung wala siya, nagagawa ko lahat ng gusto ko. Basta sobrang saya ko nung mga panahong super free ako! Walang kumokontra sa mga gusto kong gawin. Ngayon kasi, sobrang higpit niya na. Dahilan niya, ayaw niya daw kasing mawala na ako sa kanya. Kaya gusto niyang manigurado na palagi. WTH!
Ilang araw nalang din, pupunta na kami sa Aparri. Yun ang diniscuss ng CI namin kanina, na medyo di ko naintindihan dahil di ako nakikinig. Busy kasi akong sulat ng sulat lang sa papel ko. Yun kasi ang hilig ko. Magsulat at magdrawing ng kung ano-ano hanggang sa matapos na ang klase. *laughs. Pasaway lang talaga ano?
Setting: Bahay (Suncity)
Busy akong nag-aayos ng mga gamit ko dahil bukas na kami aalis papuntang Aparri. First exposure namin ito sa hospital. 1 week kami dun, kaya kelangan madala ko na lahat ng kailangan. 4:30am daw ang alis ng bus bukas na maghihintay sa harap ng school namin. Kaya dapat before 4:30 ay andun na kami. Nako! Goodluck naman sa akin kung magigising ako ng ganun kaaga. Hating gabi pa naman na, di pa ako natutulog.
Ang hirap kong makuha ang tulog ko, ewan ko ba. Excited much kasi dahil sa wakas maeexperience ko narin magduty sa hospital. At isa pa, sa wakas! Matagal-tagal din akong mawawala dito sa bahay, makakalayo din ako sa mga taong Ehem. Alam niyo na. *laughs
2am na. Pero di parin ako natutulog. Ano ba to! Hay nako, wag nalang kaya akong matulog? Antayin ko nalang ang oras para sigurado akong di malate. ;) Nice idea.
Maya-maya kong chinecheck ang oras sa phone ko.
. . .
2:30am
. . .
3:00am
Hanggang sa di ko namalayan, nakatulog na pala ako.
(--,ZzzzzzzZzzzzzzZzzzzzzzz
BINABASA MO ANG
You're still the one
RomanceI almost gave up on him. But then Destiny keeps on finding a way to bring us back together. There’s a lot of trials that came our way. But we still keep on fighting... Fighting for our Love. My life was picture perfect then, but when this “Bipolar C...