Pag gising ko, magfo 4:30 na. Lagot! At ng tignan ko ang phone ko, ang daming missed calls at messages. At halos lahat galing kay Humi.
“Huy Lab, gising ka na ba? Kita tayo sa school a.”
“Lab, andito na ako sa school. Asan ka na?”
“Huy! Asan ka na?”
“Huy Lab, dalian mo aalis na ang bus!”
Dali-dali akong nagtext.
“Hala! Humi, kagigising ko lang. Asan na kayo? Teka at maliligo lang ako.”
Nagreply naman agad si Humi. At sabi niyang nakaalis na daw sila, antagal ko daw kasi. Sinabi niya rin sa akin na magcommute nalang daw ako. Ano!!! Macocommute ako?! Di ko nga alam saan yung Aparri e. First time ko rin kasing makakapunta dun. Tapos magcocommute ako?! Ang dami-dami ko pa namang dala na gamit, to think may unan pa akong bitbit! Naman kasi eh! I hatttteeeee it! Kasalanan ko rin ito. Kaya eto. Magdusa ako!!
Binilisan kong maligo, di na nga ako nag-almusal. Tinulungan ako ni Mama mag-ayos ng mga kailangan ko, nagising na din si Mommy para maghatid sa akin sa sakayan papuntang Aparri. Syempre bago ako makaalis madaming pabilin muna ang natanggap ko kela Mama at Mommy. LOL. Masyado kasi nila akong love kaya ayan at sobrang nag-aalala sila sa akin. Nako 1 week lang naman akong mawawala. ;)))
Papunta na ako sa Aparri at di ako mapakali, natatakot kasi ako dahil ni hindi ko alam ang bababaan ko. Tinext ko na si Humi at nagtanong-tanong. May mga directions naman siyang sinabi sa akin, pero di parin ako kampante. 2 hours ang byahe. At imbes na makapagpahinga dahil kulang ang tulog ko, eto at masyadong nastress pa ako. Di ako nakatulog sa buong magdamag dahil iniisip ko baka malampasan ko ang pupuntahan ko. Dahil nga di ko alam kung saan ito.
Isa pang nakakastress ay ang phone ko, palowbat na kasi ako. Kaya tinitipid ko nadin ang energy ng battery ko, kaya hindi na ako pwedeng magtext ng magtext. Tanong nalang ako ng tanong sa driver kung malapit na ba ang Aparri. LOL. Nasa harapan lang din kasi ako ng sasakyan para mabantayan kong maige ang pupuntahan ko. At ng sabihin naman sa akin ng driver na malapit na. Lalong nadagdagan ang kaba ko, yung feeling na may pupuntahan ka nga pero di mo naman alam kung saan. Habang nag-iisa ka lang, tas pahamak pa yung phone mo na imbes na makutulong eto at padeadbat pa.
Nasa Aparri na kami, nakita ko na lahat ng signs na nabanggit ni Humi, pero di ko parin sila nakikita. Asan na ba yung mga yun? At saan ko naman sila hahanapin dito? Pano ko sila hahagilapin ang dami kong bitbit!
Nagpaload ako at dumaretso muna sa Jollibee para mag-almusal. Tinawagan ko si Humi pero cannot be reach ang phone niya! End of the world na ba to? Bakit puro badvibes nalang meron ako ngayong araw na to! Iniscan ko ang phonebook ko ng madali, bago pa mamatay ang phone ko. At nakita ko ang no. Ni Kuya Jr. Tinawagan ko naman agad siya. Good thing sinagot niya! ;)))
Lab: Asan kayo? Di ko alam san ako pupunta. Andito ako ngayon sa Jollibee, Aparri.
Kuya Jr: Sakay ka ng tricycle. Sabihin mo sa may tapat ng %$#*%@3 school. Tapos paliko mo sa may *^$#*%)*@#$#%^%$*^^*&. . . . . .
Di ko maintindihan sinasabi niya. Choppy ang line! Pano ba to. Buti nalang at nagtext siya at naliwanagan ako sa mga instructions niya. Haaay! Thank God! Nakarating din ako sa dorm na kinaroroonan nilang lahat ngayon. Andun na ang lahat ng mga classmates at CI’s ko, and may kasama din pala kaming mga 4th year. (Kami kasi 3rd year palang) Weeew. Ansaya naman neto!
Pagkarating na pagkarating ko dun, agad naman akong sinalubong ng mga Kuya at Ate ko. Pinagtatawanan nila ako, dahil palagi nalang daw akong late, ayan at naiwanan pa ako ng bus. Kinakantyawan nila ako. Buti daw at nakahabol pa ako. Kwinento ko naman sa kanila lahat ng mga delubyong nangyare sa akin. LOL. Tawa lang sila ng tawa. ;)))) Itong mga to talaga.
BINABASA MO ANG
You're still the one
RomanceI almost gave up on him. But then Destiny keeps on finding a way to bring us back together. There’s a lot of trials that came our way. But we still keep on fighting... Fighting for our Love. My life was picture perfect then, but when this “Bipolar C...