Sino nga ba ang hindi makakakilala kay Gloria? Si Gloria na ubod ng ganda. Si Gloria na sobrang galing sa pagsasalita ng Ingles. Ang usap-usapan dito sa aming lugar ay anak daw siya sa ibang lalaki ni Aling Bel, isa sa mga sikat na labandera sa amin. Bawat mayayamang tao dito sa amin ay napaglabhan n'ya na na naging sanhi upang lumabas ang tsismis na isa sa mga naging amo ni Aling Bel ang totoong ama ni Gloria. May maputing balat at mapulang pisngi kasi si Gloria, bawat lalaki ay pinagpapantasiyahan siya at bawat babae ay kinaiinggitan siya sa taglay n'yang kagandahan. Si Gloria na palaging sumasali sa mga pageants at karamihan sa mga napanalunan n'ya ay 1st place.
Hindi naging madali ang buhay ni Gloria. Kumpulan siya ng tukso dahil sa naiiba n'yang itsura at sobrang payat na pangangatawan. Mahirap ang buhay lalo na pa't kung mahirap ka lamang. Pero tanggap ni Gloria ang estado nila sa buhay, naniniwala siya na balang araw ay giginhawa rin ang buhay nila.
Grade 4 lamang ang natapos n'ya dahil sa kakulangan sa pera. Sampu silang magkakapatid at siya ang ikalawa't-pinakakakaiba sa kanilang magkakapatid. Ang kaniyang ama na si Lando ay walang permanenteng trabaho, isang hamak na kargador lamang ito sa palengke at 150 pesos lamang ang kita nito araw-araw.
Si Rosa, siya ang panganay na kapatid ni Gloria. Maganda rin ito pero hindi kasing ganda ni Gloria. May makapal itong labi at maliliit na ngipin. Kagaya ni Gloria ay tumigil din ito sa pag-aaral at nagtrabaho agad upang may makain sila sa araw-araw. Namasukan ito bilang tindera sa isang public school pero 'di kalaunan ay natanggal din dahil palaging tulog. Tumagal din ng ilang taon ang trabaho ni Rosa sa Cavite bilang kasambahay pero nagbago na lamang ang lahat nang umuwi itong buntis. Disgrasyada, iyan ang bansag nila sa babae. Ang sabi-sabi ay narape si Rosa pero ang sabi naman ng iba ay sadyang malandi lang talaga siya. Walang nakakaalam kung ano ba ang totoo pati ang pamilya nito.
Naalala ko noong minsang dinala sa ospital si Pia, ang walong taong gulang na kapatid ni Gloria. Kung pagmamasdan ito at hahawakan ay ramdam mo na agad ang buto nito sa loob na para bang walang kinakain kahit totoo naman talagang hindi ito kumakain. Napaiyak na lamang sa sulok ni Aling Bel nang malamang may dengue ang kawawang bata habang ang asawa nito ay tahimik na nag-iisip sa tabi. Wala silang perang pangpagamot sa bata, hindi nila alam kung ano ang gagawin noong panahon na iyon. Ilang saglit pa ay umalis bigla ang kanilang ama. Sa pagbalik nito ay may dala na itong pera na sapat na upang mapagaling ang batang na-dengue. Makalipas ang isang linggo at nakalabas na ng ospital si Pia. Naging masigla na muli ito hindi kagaya noong dati. Marami nag nagtaka kung saan kumuha ng pera si Mang Lando at laking-gulat ng lahat nang malamang drug pusher na pala ang bagong trabaho ni Mang Lando. Kung saan-saan siya ipinapadala ni Mr. Chua, isang makapangyarihang Chinese drug lord, upang mag-deliver ng droga. Minsan sa Visaya, Mindanao at minsan rin ay sa bansang Malaysia o Singapore. Sa tuwing umuuwi ito ay may iba't-ibang pagkain na dala ang ama na dahilan upang mainggit ang kanilang mga kapit-bahay. Naging masaya nga si Gloria sa malaking sahod ng kaniyang ama pero kapalit nito ang pangamba at takot na baka mamatay ito bigla dahil sa pinasukang trabaho.
Sa huli kong pansin sa kanilang magkakapatid ay medyo tumaba na ito dahil tatlong beses na silang kumakain sa isang araw. Muli kong naalala noon nang minsan silang nag-benta ng mga lata na mula sa canned goods. Tandang-tanda ko kung gaano kasaya noon ang kanilang pamilya.
Dumating ang unang pag-ibig ni Gloria. Dito nagbago nang sobra si Gloria. Naniwala kasi siya na ang iyong unang pag-ibig ay iyo ring makakatuluyan sa huli. Hindi ko masisisi si Gloria dahil umiibig lamang siya na kagaya ko ay minsan ring umibig. Ang pangalan ng lalaki ay si Harold, mataas, gwapo, maputi at mayor ng aming bayan. Kung inyong bibilangin ang agwat nilang dalawa ay mahigit walong taon. Alam kong sinekreto iyon ni Gloria sa kaniyang pamilya dahil siguradong mapapagalitan siya nito dahil sa edad na 17. Alam ko kung paano sila nagkakilala ni Mayor Harold, isa kasi ito sa naging judge noong minsang sumali siya sa pageant noong fiesta dito sa amin. Nabighani agad ang Mayor sa taglay n'yang kagandahan at katawan. Nang niligawan siya nito ay sinagot n'ya agad-agad ang lalaki. Alam ko rin na sa tuwing Linggo sila nagkikita sa motel upang doon magkita at mangyari ang bagay na hindi ko na ipapaliwanag pa.
BINABASA MO ANG
Si Gloria (COMPLETED) ✔
PoetryIsang maikling kwento na hango mula sa kwentong 'Si Ambo'. Ito ay isang kwento tungkol sa babaeng si Gloria na nakatira sa lungsod ng Maynila kung saan malapit sa daan, polusyon at ingay ng mga sasakyan. Siya'y puno-puno ng pangarap dahil na rin sa...