Chapter 1

51 8 0
                                    


Tunog ng cellphone ang dahilan kung bakit nawala siya sa focus at napahinto sa ginagawa niya habang nasa harap siya ng laptop sa loob ng opisina niya. He's replying on someone's chat.  An investors to be exact. Habang nirereplayan niya ito ay nirere-search na rin niya ang kompanyang Santibanez Heltic Inc. para malaman kung stable ba ang company na ito bago niya tanggapin ang proposal nito sa kampanya niya at sa mga nabasa niyang articles about this comapany ay stable naman. 

Hindi lang ang kompanya ni Mr. Santibanez ang niresearch niya pati na ang pamilya nito. Gusto niya lang naman malaman kung may anak itong babae. Pero mukhang wala ata puro lalaki ang nakikita niya. Wala bang balak na magka-anak ng babae itong si Mr. Santibanez? Tanong niya sa sarili bago sinagot ang phone. 

 "Hello babe." Landi niyang sagot sa kabilang linya. Napangiti siya na di man lang tinignan kung sino ang tumawag. Alam naman niya kung sino ang tatawag sa private number niya kung hindi ang mga kapatid , walang iba kundi ang mga babae niya.

Pero pag ganitong oras, Walang dahilan ang mga kapatid niya para tawagan siya.  In case na lang kung importante talaga. Mga busy sila sa mga buhay nila. Kaya malamang isa sa babae niya.

 "Uno, surprise! How are you?" Napakungot ang noo niya sa tumawag. Kailan pa may pinahintulutan siya sa mga babae niya na tawagin siya na Uno. At bakit hindi man lang siya nilandi ng babaeng kausap niya ngayon.

"Hindi ka parin nagbabago. Babe parin tawag mo sa akin. Sila Quatro kumusta na?" Mas lalong napakunot ang noo niya at nalito kung sino ang tumawag sa kanya. Wala siyang sinabihan o kilala sa mga babae niya na alam pati ang tawagan nilang magkakataptid.

Inilayo niya ang cellphone at tinignan ang caller. Shit! Kailan pa umuwi ang babaeng to sa pilipinas?

 Gelai Stefania Turner. 

Maliban sa nanay nila.Pangalawang babae na kinakatakutan nila.  Silang tatlo nila Dos at Quatro ang close kay Gelai. 

"Whoah! Babe, sobrang nasorpresa ako sa tawag mo. Alam na ba nila na nandito ka na pinas?" Napangiti siya ng malaman na umuwi na sa pinas ito. Saang bansa nga pala ito galing.

"Nagsawa ka na ba sa ibang bansa?" Tanong niya ulit dito. 

"Hindi pa nga eh." Sagot naman nito sa kanya.

"Loko ka. Umuwi lang sa Pinas nagsawa na agad sa ibang bansa. Ayaw mo na ba akong umuwi dito, Uno? Ani nito sa kabilang linya. 

"Syempre gusto, babe. Ayaw namin malayo sayo." Sagot niya. 

"Mukha mo Uno. Sa dami ng babae nyo."

"Gwapo. Alam ko na yan babe."

"Wala akong number kahit ni isa sa inyo.  Buti nalang si Cathy may number sayo. Doon ko nakuha number mo." Sagot sa kabilang linya.

Cathy? Cathy? Sino nga ba yon?

 "Ahh. Oo si Cathy. Pinsan mo yon, babe?" Nirinig niyang tumawa ang nasa kabilang linya.

"Hindi ko pinsan si Cathy. Gago to. Girlfriend mo siya dati diba?"

"Talaga? Hindi ko matandaan. Hahahaha! Paano mo nakuha ang number ko sa kanya." Hindi niya talaga matandaan sino si Cathy.

"Uno, hindi ko pa sinabi kina mommy na uuwi ako today. Kaya kung pwede sunduin mo muna ako dito sa airport at mamaya na yang tanong mo."

"Mag taxi ka nalang babe. Mahal ang driver's fee ko." Sagot niya habang tinawanan ang nasa kabilang linya.

"Baka gusto mong mura ang ibayad ko sayo, Celestino Primo Aresmeldi!" Nailayo niya ang cellphone sa tainga niya dahil sa sigaw nito. 

Kababaeng tunay pero kung makapagsalita akala lalaki. Di kaya nagkapalit ng kaluluwa sina Gelai at Quatro. Hahahaha. Sorry na bebelabs.

"Babe naman. Di na mabiro. Papunta na dyan. Na miss mo lang ng sobra itong gwapo kong mukha." Ngiti kong sabi sa kanya. Narinig ko pa ang sagot nito na 'gago' bago ini- off ang cellphone.



Tawanan ng mga kapatid ang nadatnan niya pagdating sa bahay. Anong meron at ang saya ng mga gagong to. Lumapit siya sa sala. Nandoon sila Dos, Tres, Quatro, Singko at Sais na nanonood ng TV. Wala si Pito, saan na naman kaya ang kj na yon.

"Tagal mong dumating, Sweety. Gutom na kami." Sabi ni Dos na nakatuon ang atensyon sa TV.

"Dala ko ba ang kaldero, honey." Sagot niya at umupo sa sofa.

"Kaya nga magluto ka na para makakain na tayo." Si Dos ulit.

"Tangina nyong lahat. Hindi kaldero ang mukha ko."

"Tol, Sige na magluto ka na. Hindi naman kaldero mukha mo. Anidoro lang." Sabi ni Tres. Sabay tawanan naming lahat.

"Ano ba magagawa ko inggit na naman kayo sa kagwapohan ko kaya nilalait nyo ako." Sagot niya sabay tayo. Pupunta siyang kusina para kumain. Alam niyang tapos ng mag hapunan ang mga ito.

"Kapal mo tol. Ako ang mas gwapo." Pahabol na sabi ni Sais sa kanya.

Pumasok sa kusina si Pito. Dala dala ang laptop niya. Ang killjoy talaga ng kapatid niyang to. Saan ba ito ipinaglihi ni Nanay? Nilagay ang laptop nito sa harap niya habang kumakain siya at pinakita sa akin kung ano ang meron.

"Is it true?" Tanong ni Pito sa akin.

"Yes. Kanina lang siya dumating." Sagot niya at muling kumain.

Hindi na muling nagsalita pa si Pito. Pumunta lang ito sa fridge at kumuha ng orange juice. Umupo sa harap ko habang dala dala ang baso na may laman ng juice. Ang talas talaga ng radar nito. 

Isang chismoso ata itong kapatid niya kaya madaming alam. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.

"Saan mo nalaman na umuwi na siya?" Tanong ko sa kanya. Sakto naman ang pagpasok ni Singko sa kusina at narinig nito ang tanong niya.

"Sinong umuwi?" Biglang tanong ni Sais na umupo sa isang stool at busy sa kanyang phone. Isa rin itong chismoso eh.

"Si Gelai." Sagot ni Pito at inubos ang laman ng baso bago lumabas sa kusina. Sumabay na rin sa paglabas si Singko.

Maya maya pa ay pumasok na sila Dos at Quatro. Alam na niya kung bakit ano ang sadya ng dalawang to. Lalong lalo na si Quatro, mas close silang dalawa ni Gelai. Sa sobrang close nila, ayon nagiging open na.

"Di mo man lang sinabi sa akin na dumating na si Gelai." Ani ni Quatro.

"Hindi ka naman nagtanong, bebelabs. Hahaha."

"Hahahahaha. Tama nga naman si Uno." Tawang sabi ni Dos. Sinamaan naman ng tingin ni Quatro si Dos.

"Bakit ikaw lang ang nakakaalam na umuwi na pala siya? At kami ay walang kaalam-alam?" Sunod- sunod na tanong ni Dos sa kanya.

"Kasi gwapo ako kaya ako ang timawagan niya kanina sa airport." Sagot niya.

"Kapal mo Uno." Sabay pa nilang sabi. Diba ang saya. Ayaw pang aminin ng dalawang to na mas gwapo ako sa kanila.

"Wala siyang number sa inyo, buti sa akin meron." Kinuha niya ang phone sa pantalon niya at binigay kay Quatro.

"Tss.

"Hanapin mo ang number ni babe dyan." Tinanggap naman agad ni Quatro ang phone niya at lumabas sa kusina.

Sumunod naman si Dos. Tinapos niya lang ang kinain niya at hinugasan ang pinagkainan bago lumabas sa kusina. 



Uno AresmeldiWhere stories live. Discover now