Chapter 2

33 7 0
                                    



Nagmamadali siyang bumaba at nagtuloy sa kusina. Nandoon ang mga kapatid niya kumakain maliban kay Pito. Nasaan na naman kaya ito.  Lumakad siya patungo sa kanugnog ng dining room at mula sa coffeemaker na nanatiling naka-on ay nagsalin siya ng kape.

" Nasaan pala si Pito?" Biglang tanong niya sa mga kapatid niya.

"Mamaya na daw siya kakain." Sagot ni Singko sa kanya. 

"Bakit daw? Baka magkulay papel na yon sa sobrang puti dahil hindi na nasisinagan ng araw." Wika niya at nilingon si Singko. 

"Maraming alam yun sa pam-paitim, honey" Sagot naman ni Dos.

Sabay tawa naming lahat. 

"Uno, gawin mo nang dalawa ang kape." Wika ni Sais at nagpasalamat sa kanya.

"Gumawa ka ng sayo, Sais. Nang-uutos ka pa eh." Ani niya. Kumuha na lang rin siya ng isang mug para kay Sais.

"Ngayon nga lang ako nakisuyo sayo, Tol. Pagbigyan mo na ako. " Sais reply to him with a wide smile ng lingunin niya ito.

" Wag ka ngang ngumisi Sais para kang tsonggo dyan." Wika naman ni Singko.

"Hayaan mo na yan Singko kahit di pa yan ngumisi mukha na yang tsonggo." Dugtong naman ng isa niyang kapatid na si Tres na ikatawa naming lahat.

" Ano ang gusto mong timpla? " Tanong niya kay Sais at nilngon niya ulit ito.

"Tulad na lang ng sayo."

"Pasalamat ka maganda ang umaga ko." Sabi nya rito.

"Alam ko. Mahal mo ako eh at gwapo ako." Anito na ngumisi sa kanya.

"Asa ka naman, Tol." Narinig niyang komento ni Dos kay Sais at nagkulitan na ang mga ito. 

Si Quatro lang ang hindi nakisali sa kulitan. Ang seryoso na naman ng mukha nito habang kumakain. Baka kabuwanan na naman ng lalaking ito. Nag-usap na ba kaya sila ni Gelai.

Ilang sandali pa'y inilapag na niya ang dalang tray sa lamesa at binigay kay Sais ang kape nito. Hindi na siya umupo at bagkos ay hinigop lang niya ang kanyang kape.

" Hindi ka ba kakain, Honey?" Tanong ni Dos sa kanya habang puno ang bibig nito sa kinakain.

Wala talaga tong pakialam si Dos kahit kailan sa buhay niya. Di ba naituro sa guro nito yung 'Don't Talk When Your Mouth Is Full' o baka tulog ito sa mga oras na yun. Patay tulog pa naman itong kapatid niya.

"Hindi na Sweety pupunta pa ako sa condo may kukunin ako doon bago pumasok sa opisina." Sagot niya nito at muling humigot sa kape niya. Inubos muna niya ang kanyang kape bago nag paalam sa mga ito.



Patungo sa condo unit si Uno, ang ika-sampung palapag ng buliding na iyon ang pag-aari niya. Maliban sa bahay nilang magkakapatid ay may sarli siyang condo para sa privacy niya. Ang isa sa kasama niya sa elevator ay lumabas sa fourth floor. 

Pero sa inis niya, lahat na ng kasunod na mga palapag ay humihinto ito.

Nang dumating sa ninth floor ay may pumasok na isang babae kaya agad nawala ang iritasyon na nararamdaman niya. Bahagya siyang lumipat sa kabilang bahagi para bigyan ng espasyo ito.

Nilingon niya ito at tinitigan nang husto. He was about to open his mouth para ipakilala ang sarili niya but he close it again. Pinagpatuloy na lang niya ang ginagawa niyang pag-susuri nito. Nasa around twenty- three ang edad nito panigurado niya. Simple lamang ito pero maganda. Lampas balikat ang buhok nitong kulot na gusto niyang hawiin ang ilang hibla na tumatabing sa pisngi nito. Mahahaba ang mga pilik mata. His gaze moved down to her small pert nose down to her sensual mouth, the lower lip was a little fuller. Walang bakas ng lipstick ang mga labi nito. Ang mga mata niya'y humahagod sa kabuuan nito. Balingkinitan ito subalit ang mga hugis sa katawan ay akmang-akma sa kung saan nararapat.

Uno AresmeldiWhere stories live. Discover now