Chapter Four

58 5 6
                                    

Weeeeeeeeee! I'm baaaaccckkk! Sorry kung hawala ako for almost 1 month kasi naman Hindi nakisama Yung phone ko eh Hindi na gusmising! Hahah! Joke lang! So nandito ulit ako ngayon for another update sana magustuhan niyo!


*Someone*

Haayyy naku! Nakakabored talaga kapag walang akong ginagawa. Tsk! Di bale ! Magsisimula na ulit ako... Mamaya......


*Nik*

Natapos kaming kumain. Siyempre nandun pa rin ang tawanan at kulitan pati natin asaran. Sa totoo lang wala naman akong gusto Kay Alezandra eh! Inaasar ko lang talaga siya. Tsaka I'm here for my mission not to flirt with girls.. Infact....Bata pa ako and wala pa sa isip ko ang mga bagay bagay na yun. And kuya Adam said girls will just play with you.. That's why kuya just with them too. Mabait naman si kuya but....playboy talaga si--

Crrreeeeekkkkk!

Nasa gitna ako ng pag iisip ng makarinig ako ng tunog mula sa pinto ng kwarto ko.

Nagtataka akong tumayo sa kama upang tumungo sa pinto. Bumukas ito ng bahagya Kaya lumikha ito ng tunog. Nakarating ako sa pinto ngunit ni isa Ay walang tao at ang tanging bumungad sa akin Ay isang madilim at isang blanko na hallway. Tsk! Pinagtitripan na naman ako nung mga yun eh!


"Candice! Jane! Junwoo! Juls! Zandra! Lumabas na kayo dyan!" Sigaw ko sa blanko na hallway ngunit wala akong natanggap na sagot.

Ilang minuto pa ang hinintay ko ngunit ni isang yabag ng paa o kahit katiting na tunog Ay wala akong narinig


"Hoyyy! Lumabas na kayo dyan! Wala ako sa mood to ride your jokes and pranks." Pag uulit ko. Ilang minuto ang lumipas Ay wala pa rin akong natanggap na Sagot.

Ganun pa rin ang mangyari sa mga sumunod na minuto. Nanatili lang ako sa labas ng aking silid upang mahuli ang prank ng mga kaibigan ko ngunit bigo akong mahuli sila. Ilang minuto akong nanatili sa labas ng aking silid ng nay mapansin ako sa gilid ng aking mga mata. Madilim man ngunit tiyak Kong isa itong tao. Di man klaro ngunit bahagya itong naiilawan na mula sa malapit na bintana sa kinatatayuan nito... Nakatingin ito sa akin at tila nakangisi. Nakaramdam ako ng takot at pagtayo ng mga balahibo dahil sa aking nasisilayan. Nakakatakot.... Nakakakilabot

"Nik? Anong ginagawa mo dyan?" Biglang pagsasalita ni Julius sa likuran ko na halos magpatalon na sa akin sa gulat

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sabay lingon sa kinalalagyan ng--- wait? Nasan na Yun?


"Hindi kasi ako makatulog Kaya naisipan Kong puntahan ka dito" sagot ni Julius



"Ahhh? Ganun ba? Ako din eh! Pero sige tulog na ako ha? Matulog ka na rin" sabi ko sabay pasok sa room ko at isinarado ang pinto



"Wa---" pagpigil ni Julius ngunit naisarado ko na ang pinto.



"Hayysss! Imagination ko lang siguro Yun!" Pagkausap ko sa sarili.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DETECTIVE 66A Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon