Chapter Two

53 0 3
                                    

Author's Note:

  Kasalukuyan akong nakakaranas ng Writer's block ngayon. Hindi kasi ako fan ng romance ngayong kasalukuyan kaya nahihirapan talaga ako. This is also my first story here in wattpad kaya pasensya na sa mga typos at wrong grammar. Tao lang po hindi perpekto.. Tsaka last year ko pa to sinimulan at ngayon ko lang naituloy kaya sorna agad.

Anyways masyado ng mahaba
. here's the Chapter Two Dedicated sa aming nag iisang Reader sa ngayon haha. ACJaize , dahil demanding ka eto na update ko.

–        –        –       –       –       –       –      –
Chapter Two

Isang linggo na ang lumipas since nung nagtransfer si Brian at Zhyen. Well, dahil nga boyfriend ni lanie si brian malamang sa malamang naman na lagi na naming kasama yun isama mo narin yung hinayupak na lalaking walang ibang alam gawin kundi iparamdam sakin na hindi ako nag eexist o kaya naman walang kwenta ang existence ko dito sa mundo.

Arrgghhh nakakainis talaga siya!! makita ko palang siya kumukulo na yung dugo ko >_<

I can say that my life change since I met him but..  in a worse way damn!

Bakit ba kasi may mga kagaya pa niyang nabubuhay sa mundo?

"oy yesha tara na dali nagugutom nako" tawag sakin ni lanie

"Huh? Sige tara na."
Sabi ko at lumabas na ng room. Tapos na pala ang klase namin diko man lang namalayan na ang bilis ng oras. Hays sana ganun din kabilis yung oras at panahon na makalimutan  ko na siya.

Pagkarating namin sa canteen nag order na agad kami at naghanap ng pwesto.

Kasama namin ni Lanie si Brian at Zhyen as always. Close narin kami ni Brian kahit papano pero si Zhyen? Asa pa ba? Jusko hangin ako kung ituring ng taong yun. Daig ko pa yung may malubhang sakit eh. Bihira siya makipag usap sa mga babae pero maayos naman pag kinakausap siya. Eh sakin? Puro pang iirap ang ginagawa daig pa ang bakla tss. Hindi lang yun, puro katakot takot na mga panlalait natatanggap ko dyan nakakabanas!

"Oy best lunod na ako" sabi ni lanie at tinapik ako

Napakurap kurap naman ako at tumingin sa kanya .

"Huh?"

"Hay nako wala best. Ano ba kasi iniisip mo at tulala ka dyan?"

"Ah wala wala hehe."

"Wala ka dyan! Eh para ka ngang robot habang kumakain kanina e. Buti nalang naubos mo pagkain mo. Wag mong sabihing iniisip mo nanaman yung Ex mo?"

"Hindi no ano ka ba? tss"

"Talaga lang ha? nako nako"

"Hindi naman talaga no praning ka lang."Sabi ko

Hindi ko naman talaga iniisip yung ex ko kanina pero diko naman idedeny na madalas ko parin syang maisip hays.

"Sus oo nalang. Move on move on din best kasi. "

  "Hindi naman kasi ganun kadali yun best lalo na kung  mahal mo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hugot Love StoryWhere stories live. Discover now