Uy. oo ikaw halika. Upuka dito sa tabi ko kwntuhan tayo.
Ano pinaka nakakatawang nasaksihan mo sa buhay mo? Ako? Siguro nung grade three ako.
Hindi pa uso armchair ang labanan nung grade three ako, kundi by desk na naka row.
Pag row 1 matalino, row 2 mejo, row 3 dun daw nakalagay mga bulakbol. Buti nalang at kamaganak namin yung teacher kaya napunta ako sa row 1(chos).
Oh eto na, isang araw habang nagkaklase si Maam nakaamoy ako ng di kaaya kaaya. Hangaang sa dahil sa kadaldalan ko ayun naamoy at nalaman na ng lahat.
Pinatayo kaming lahat ni Maam. Tumayo naman lahat, maliban sa katabi kong lalaki. Sinasabihan kong tumayo kaso biglang tumakbo. Kaya napasabi ako ALAM NA THIS!
Shempre scoop ng chismis yun sinundan ko sya at walang duda, sya nga ang tumae. Ang nakakatawa kasi naghubad sya dun sa harap ng room malapit sa poso. Nung tiningnan namin yung brief tae, tae talaga may mga uuod. Kaya nilapitan ko at tinanung
"Bakit may uod brief mo?" pagpipigil ko ng tawa.
Pero diko na napigilan nung sinabe nya sakin na
"Nainum ko kasi yung pampurga na dapat sa kapatid ko!" nahihiya pa nyang sabe.
Diko na napigilan sarili ko. Kaya naman pala. Pinurga si Kuya.
:)
BINABASA MO ANG
Kwentong barbero
HumorMga random happenings na nangyayare sa kahit kanino, pag minalas. :)