Ang Hiwaga ng Isla

12 2 3
                                    

Nagising si Yohanna ng masakit ang ulo, parang binibiyak at iniuumpog sa pader.

arggh. Ang sakit!

Nakaramdam siya ng pangamba ng may gumapang sa kanyang paa.
Pataas ito ng pataas sa kanyang hita

Shit! ano yun?!

KYAAAAAAAAH!!

Isang uri ng alupihang dagat ang gumagapang sa kanyang paa,agad agad na tumayo ang dalaga at tumalon talon upang matanggal ang Alupihan..

Wait... Asan ba ako? Hindi ko alam ang lugar na to...

Agad niyang nilibot ang kanyang paningin sa kabuoan ng lugar.
Isang malawak na isla ngunit walang katao tao ang lugar ..

Napakaganda ng lugar, para itong beach sa isang mamahaling lugar ngunit walang naninirahan..
Napakaputi ng buhangin at maraming puno ng niyog..Napakalawak ng dagat at asul na asul ang kulay.
Agad siyang nagtampisaw at namangha sa sobrang lang linaw nito, kitang kita niya ang bato at isdang maliliit na tila ba ang saya sayang naglalangoy...
Napangiti ito dahil doon, pero bakit parang naiintindihan niya ang mga sinasabi nito?

Magandang araw saiyo , magandang binibini.. Ani ng pulang isda

P-paanong naiintindihan ko kayo?

Dahil lahat ng hayop sa lugar na ito ay nakakapagsalita binibini..

P-paano?

Binigyan kami ng kakayahan ni Mandaragat, ang hari ng dagat na makapagsalita upang makausap ang lahat ng hayop sa isla...

Mandaragat?

Oo.. si Mandaragat o kilala sa katawagang --

Baaw! Halika na at may lakad pa tayo..

Nariyan na Ina! paalam na magandang binibini, ano ang iyong ngalan?

Ako si Yohanna..

Yohanna, mag ingat ka riyan sa lupa, paalam!

Hindi makapaniwala si Yohanna sa nangyari, papaanong nakausap niya ang isang isda?

Nagugutom nako..
Hahanap ako ng makakain..

Sino ka??!

Echanted by the SeaWhere stories live. Discover now