Prologue

22 1 0
                                    


Raven's Pov

Wala ako sa sarili habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.Tila lungkot at galit ang nakabalot sa aking isipan at puso habang nagmamaneho ng aking kotse.Napansin ko ang cellphone ko na nagriring at si Mark ang tumatawag.

I decline it pero tumawag ulit.Napilitan akong iturn off at tumingin uli sa kalsada ng may sasakyang paparating sa road line ko.Napansin kong lasing ang nagmamaneho kasi pagiling-giling ang takbo nito.Nag preno ako ng ilang beses.Naguluhan akong kontrolin ang kotse ko at di ko mapahinto.

Paulit-ulit akong nag preno, ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hindi kona alam ang nangyari.Kung paano bumangga ang kotse ko sa sasakyan.

Iminulat ko ang mga mata ko.Dugo,basag na salamin, at mga taong umiiyak habang humihingi ng tulong ang napansin ko.Hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko.Agad naman ako napaaray ng may tumama na kung anong bagay sa paa ko.Napaiyak ako sa dulot nitong sakit...

"T-tulong.....plea-please.....some...someone plea-please..." utal-utal kong sinabi habang umiiyak.Biglang nanlabo ang paningin ko, pinilit kong ibalik ang malinaw kong paningin ngunit lumabo pa ito ng husto.At hanggang sa dumilim ang paningin ko, nawalan na ako ng malay.Tanging alam ko bago ako mawalan ng malay ay ang ingay ng mga ambulansya at mga taong umiiyak.

Painful LoveWhere stories live. Discover now