Chapter 4

42 6 5
                                    

Hello guys! short update lang po itooo pero basahin nyo pariiiin hahahaha!

-----------------------------------------------------------

Camila's POV

7:08 AM

Ang aga ko ngayon ah! hihi habang naglalakad ako papunta sa room namin mapapadaan nga pala ako sa room nila Rynell pagkadating ko sa Tech Building isa palang tao nasa room nila tapos nakita ko naman yung mga magpipinsan nasa room namin ang aga din nila hahaha.

Maya-maya dumating narin si Ryn.

"Huuuy" sabi ko sakanya

"Uyyy" sabi niya rin sakin tapos nagchikahan nanaman kami hahahaha tapos napalingon ako sa kaliwa nakita ko si Yani kakadating lang nya at tinignan ko yung relo ko 7:30 am for sure nandito narin si Rynell..

"Cams samahan mo nga ko sa foodie hub" sabi nya sakin

"Bakiiit?" tanong ko naman

"Hindi ako nag umagahan eh" sabi pa nya, nung pagkadating kami ni Ryn sa foodie hub pinapili nya ko kung ano mas masarap na flavor hanep na to tapos tinuro ko sakanya yung chocolate.

"Pag dumating na si Yani dito ibig sabihin nandito na sya" banggit nya sakin at ang tinutukoy nya ay si Rynell

"Oo nga...nung nakita ko nga sya napatingin agad ako dito sa relo ko eh...pano kaya yon diba nagkakasabay sila pumupunta kaya sa likod si Rynell or magkatabi sila ni Yani?" tanong ko naman

"Hanep ka!" natatawa nyang sabi

"Swerte nya nakakasabay nya si Rynell" dagdag ko pa

Tapos papunta palang kami sa room at naalala ko nga yung nangyari kahapon hays..nakakahiya talaga.

"Nga pala ganto kase nangyari kahapon nandito kami ni Benj" sabi ko

"Hala dito ba akala ko tapat ng room natin" sabi naman nya

"Oo tap----" napahinto ako sa pananalita kase nung napatingin ako sa may bench nandoon si BJ nahuli nya kong nakatingin sakanya tapos nagtatawanan sila lol

"Ayyy never mind" sabi ko nalang at pumasok na kami sa room tapos napansin ko sa line namin ako palang talaga nandoon huhu ayoko naman umupo don kase ako mag-isa kaya nung nakita ko sila Camille at Benj pumunta ko sakanila.

"Huuuy" sabi ko sakanila at nagkwentuhan naman kami, maya-maya sila Raymond at Ernest nagpapamigay ng activity sheets sa Practical research.

"Wala akong day 4!!!" sabi ni Benj

"Ako ata meron" sabi ko naman

"Tignan mo iyo" sabi nya sakin at pumunta ako sa harap at kinuha ko yung folder ko sa PR tapos bumalik ulit kila Benj pagkakita ko wala rin pala kong day 4 hanep

"Wala rin ako" sabi ko naman

"Ang daming wala sakin" sabi naman ni Benj tapos binibilang ko yung mga wala akong sheets

"Day 4 7 10 12 wala ako" sabi ko naman

"Ako nga madami eh" natatawang sabi ni Benj

"Cams nandito ka lang hindi na pumunta si BJ sa pwesto nya" sabi sakin ni Camille

"Ha? nasa labas sya ah" sabi ko naman

"Nakuuu" sabi pa ni Camille

"at saka hayaan mo sya!" sabi ko pa nung matagal na kaming nag-uusap balak ko nang bumalik sa pwesto ko

DreamWhere stories live. Discover now