Chapter 37-Picture

21 3 9
                                    

Yaaaa! mga kaDREAMERS baka nagtataka kayo kung bakit sila Yoo Seungho at Chae Soobin ang nasa picture sa taas ⬆, well malalaman nyo kung bakit at umpisahan nyo na basahin tong chapter hihi~.

-----------------------------------------------------------

Camila's POV

Nung sinabi ni Rica na nasa baba si Rynell parang naiinis ako kung kailan umalis ako saka sya pupunta? ahhh ewan ko ba kung bababaan ko pa sya tapos hindi ako kumikibo dito hays..

"Hayaan mo sya" sabi ko at teka tama ba narinig ko? Sino tinutukoy nya? Si Rynell?

"Si Rynell?" tanong ni Benj

"Oo, pinuntahan kapa!" sabi pa ni Rica

"Babain mona" sabi naman ni Benj tapos hindi ako kumikibo..nakakainis talaga at babasahin ko na sana yung thesis namin bigla namang nagsalita si Hellen.

"Papuntahin nyo nalang dito" sabi ni Hellen at agad akong tumayo.

Tumingin muna ako sa baba at ayon nga sya naka cap na black at naka bag pa.Nakakainis talaga gusto ko syang sabunutan, suntukin, tadyakan!! Hanggang sa bumababa na ako oh diba napahinto pa ako nakakainis.Eto kaharap ko na sya tapos magsasalita na sana ako at si Ryn biglang umalis.

"H-HOY!" sabi ko sakanya tapos hindi nya ako nilingon kaloko mo Ryn bat moko iniwan dito! Nakakaines! Tapos pagkaharap ko naman eto kasama ko na sya gusto ko syang suntukin talaga.

"Dun tayo" sabi ko sakanya tapos eto naglalakad na kami.

Hoy ang tahimik gusto ko syang daldalin!.Habang naglalakad kami kadami namin nakakasalubong na college students tapos nililingon ko sya nasa tabi ko lang pala sya at ang bilis nung tibok ng puso ko! lumalayo ako sakanya ng konti hanep kaso sya naman tong lumalapit ahhh nakakainis ka talaga Rynell..tapos napansin ko nag cecellphone lang sya mukhang busy nga talaga sya..

"Okay ka lang ba?" tanong ko tapos tinanguan lang nya ako na pa oo tapos nung patawid na kami sa Phinma Avenue magsasalita sana ako nung napatingin ako sa kanan, sila Glyssa yun ah! pati mga classmates ko at bigla akong nagtago sa poste.

"WAIT LANG!" sabi ko naman kay Rynell tapos sya nakahinto

"shit.." sabi ko naman feeling ko nakita nya kami hanep! Ano bayan! Nakangiti pa si Glyssa huhu sana hindi nya kami nakita? ahhh ano bayan!.

"wait lang talaga" sabi ko kay Rynell tapos hanggang sa hinintay ko makalagpas sila Glyssa grabe bumilis tibok ng puso ko kinabahan talaga ako.Tapos napansin kong kanina pa nagcecellphone si Rynell, may ka text or chat kaya to?.

Xoxad kung crush nya kausap nya matutuwa pa ako kung mga kaibigan nya eh na ang sinasabi nya Kasama ko si Camila hahahaha tapos bigla ako ngumingiti dito na parang tanga at napatingin ako kay Rynell tapos nakatingin sya sakin?! Tapos bigla ako nag pokerface.Nahuli nya akong ngumingiti busit ah baka isipin nito baliw ako nakakahiya kainis.

"Nakakainis naman ako lang nagsasalita.

sisipain ko to eh

Hindi man lang nagsasalita..

Malapit na kami sa famous na pader..

kainis" sabi kong mahina tapos napansin ko wala sya sa tabi ko at lumingon ako sa likod ko nagulat naman ako nakasunod sya sakin hanep.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ko pa tapos nag thumbs up sya.LOKO TO AH PATI SA REAL LIFE NILILIKEZONE AKO!? Heol sasapakin ko na to!. Tapos huminto na ako at huminto rin sya.

"Dito" sabi ko naman

"Famous na pader" ngiti nyang sabi tapos nagulat naman ako dahil nagsalita sya ng kusa! Bwiset ka Rynell! Bigla naman nya akong tinabihan.

"Huwag ka dyan dito ka" sabi ko at pinapunta ko sya sa kaliwa ko HAHAHAHA tapos kinuha ko phone ko at pinunta ko sa camera.

"Screenshot muna" sabi ko tapos naka peace sign ako, hihi ang saya ko! Tapos sya naman humawak ng phone ko hahaha at nagpicture na nga kami.

"Ang tangkad mo" sabi ko medyo nakatingala tuloy ako tapos lumapit pa ako sakanya ng konti GRABE BAT AKO NAG AADJUST?!.

Pagkayari non nag usap ulit kami tapos yung pinag uusapan namin about sa thesis nila sa research nagrerevise nalang daw sila ngayon kaya andito pa sya school tapos nagtanong rin ako kung pwede kong malaman kung anong klase tinatanong ni Sir habang nagdedefense tapos nag share naman sya sakin oh diba napapasalita ko sya ngayon tapos saka ko napansin na habang nag uusap kami malapit na kami sa room nila..

"Oy nga pala sorry talaga nung sabado ha hindi tal---" naphinto ako sa pananalita kase pagkatingin ko nakatingin sya sakin at nakikinig talaga napahinto naman ako sa paglalakad bwiset ang gwapo ni Rynell.

Bwiset hindi ko na nasabi...tapos naglakad na sya.

"o-oy" sabi ko sakanya tapos nilingon nya ako

"Alam mo ba yung ILYSB?" Tanong ko

"ha?" tanong nya, luh hindi nya narinig sinabi ko..

"Alam mo ba kako yung ILYSB?" tanong ko pa tapos hanggang sa nilapit nya mukha nya saken NAGULAT NAMAN AKO AT NAPA ATRAS NAMAN AKO LOKO TO AH WALANG LAPITAN NG MUKHA!

"ALAM MO BA KAKO ILYSB?" sabi ko ng malakas oh diba hindi naman ako galit? Tapos umiling sya ng hindi

"INGAT LAGI YOU SA BIYAHE!" sabi ko at tumakbo ko papunta sa 2nd floor sa canteen

MYGHAD CAMS ANO YUNG SINABI MO KAY RYNELL?! ANO SINABI KO? INGAT LAGI YOU SA BIYAHE? HAHAHAHAHAHA HOY FTTM KASALANAN MO TO KUNG ANO ANO TULOY NASASABI KO HUHU! OH DIBA NANISI PA AKO.Pagkadating ko sa taas umupo na ako.

"Hala ang bilis" sabi nila Hellen at nagtaka naman ako

"Nag usap na kayo non?" tanong pa ni Benj

"Oo" sabi ko naman

"Ano pinag usapan nyo?" tanong ni Hellen

"Wala namannnnn" sabi ko at pinipigil ko ngumiti sa sobrang saya

"NAPAKA AYAW MAG SHARE!" sabi pa ni Benj tapos nagsisitawanan kami hanggang sa nag start na kami mag-aral ng thesis.

"Ano talaga pinag usapan nyo?" kulit pa ni Hellen

"Nagrerevise sila thesis ganon" sabi ko

"yun lang?" tanong ni Benj

"weee" sabi ni Hellen

"oo nga" sagot ko

Tapos nagpasama si Ryn sakin bumili sa canteen.

"Hoy ano nangyari?" tanong ni Ryn sakin habang pababa kami.

"BUSIT KA INIWAN MOKO DITO!" sabi ko naman

"Sorry na HAHAHAHA" sabi nya sakin tapos pinakita ko picture namin

"BAGAY KAYO!!" sabi nyang malakas

"BALIW" sabi ko naman tapos kinuha nya phone ko

"PARANG KAYO!" sabi nya

"Walang kami" sabi ko sakanya

To be continued....

DreamWhere stories live. Discover now