1. Wala kang matinong bias list.
2. Kumakanta ka ng KPOP song kahit ang totoo wala ka namang naiintindihan.
3. Ikamamatay mo kapag walang subtitle yung KDrama na pinapanood mo.
4. Possesive ka sa bias mo kahit alam mong asawa siya ng lahat.
5. Memorize mo lahat-lahat ng meron sakanya. Height, weight, age, birthday at kahit brand ng underwear niya kabisado mo.
6. Naiinis ka sa mama mo kapag binabawasan niya yung ipon mo na dapat pangbili mo ng concert ticket ng idol mo.
7. Pinagseselosan mo lahat. Ultimo yung bote ng tubig na iniinuman niya kinaiinggitan mo dahil buti pa yung bote nakalips to lips niya.
8. Laman ng twitter o facebook mo puro koreano.
9. Hindi maiwasang mag-edit ng picture na nakaakbay yung bias mo sayo. Tapos ipagmamalaki mo sa kaibigan mo na magaling kang mag-edit at hindi dahil sa nakaakbay ang idol mo sayo.
10. Kapag manonood ka at maganda ang timing ng mukha ng bias mo sa screen, ipo-pause mo yun at pasimpleng hahalikan.