Prologue

460 13 4
                                    

Author's Note:

I know guys, some of you are probably confuse right now pero yes I changed the prologue. Well actually I changed a lot of things.  So please understand, to be able to deliver a good plot for the story there will be a major change. (not so major I think.) 

RIDLEY

"Ridley. are you sure? Kailangan mo ba talagang balikan un?" paulit ulit akong tinatanong ni Troy habang ako busy parin sa pag hahanap ng kwintas na binigay saakin ni Tristan. Saka ko lang naalala ng wala akong makapa na kwintas sa leeg ko.

Alam kong na misplace ko siya at hindi ko matandaan kung saan ko siya inilagay. Pilit kong inaalala lahat ng activities na ginawa ko ngayong araw sa school. Hindi ko pwedeng i-wala un, ano nalang sasabihin ko kay Tristan?

"Troy, you should go ahead. Ako nalang babalik sa campus. I'm sure nanduon pa un." palabas nako ng kotse ni Troy ng bigla niyang hawakan ung kamay ko. Hindi pa naman kami nakakalayo sa campus kaya pwede ko pa itong lakarin.

"Girl, hindi mo ba nakikita? Duh gabi na, satingin mo papapasukin kapa ng guard duon? At saan mo naman balak hanapin un? Ni hindi mo nga maalala kung saan mo nailagay ung kwintas na un. Come on girl, it's dangerous. Ipag pa bukas mo nalang ung pag hahanap." umiirap niyang sagot sakin pero I can tell na nag aalala lang siya saakin.

"It's fine Troy papasundo nalang ako sa driver namin, don't worry I got this." kumalas ako sa pag kaka hawak niya at lumabas na ng kotse. Naririnig ko parin ang sigaw ni Troy ng pangalan ko pero dire diretso nalang ako sa pag lalakad. Tanaw na tanaw ko parin ang university namin.

Pilit ko paring inaalala kung ano man ang ginawa ko buong araw para matanggal un sa leeg ko dahil hindi ko naman un tinatanggal sa pag kaka suot unless kailangan ko talaga siyang tanggalin katulad ng mga sports activities.

Napatigil ako sa pag lalakad ko ng may maalala ako. Sports activities. Tama, may swimming class ako kaninang hapon. How can I forget? Probably naiwan ko siya sa locker room na ginamit ko kanina. Agad kong tinakbo ang university and luckily hindi pa nag sasara si kuyang Guard at pinalusot muna ako.

Pasara na halos ang buong university dahil nag papatay na ng mga ilaw ang mga guard and janitor. Buti nalang bukas pa ang changing room para sa swimming class. Nahanap ko naman agad ung locker na nagamit ko kanina, and I was right nanduon lang yung kwintas na bigay ni Tristan. Thank God.

Agad kong isinuot ung kwintas at nakangiti pako bago ako mag lakad palabas ng changing room. Ngunit natigilan ako ng biglang mag bukas ang pintuan. Pumasok ang dalawang taong importante sa buhay ko. Ang boyfriend at ang aking bestfriend na tinuring ko na rin na parang kapatid.

Nag hahalikan sila.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko. Kitang kita ko kung paano itulak ng boyfriend ko ang aking bestfriend sa isang locker at nag bigay ito ng ingay. Bumagsak nalamang ang kamay ko na parang gulay sa pag kakahawak ko sa pendant ng kwintas ko.

Nakita ko kung paano gumalaw ang ulo ni Tristan at tumingin saakin. Kitang kita ko kung paano nanlaki ang dalawa niyang mata habang nakikita niya akong pinapanood silang dalawa sa kahayupan nilang dalawa.

For some reason walang lumabas na luha sa mga mata ko. Tinignan ko lang silang dalawang magulat. Gusto kong mag wala, gusto ko silang saktan, gusto kong tumakas, at gusto kong gumising sa bangungot na ito. Pero wala hindi ko maigalaw ang dalawa kong mga paa.

"Ridley, let me explain." linapitan ako ni Tristan at hinawakan ang siko ko. Samantalang nanatili ang mga mata ko sa kaibigan kong traydor. Umiwas lang siya saakin ng tingin pero kitang kita ko na walang pag sisisi sa mata niya. Huminga ako ng malalim at humiwalay ako sa pag kakahawak ni Tristan at linapitan ko ung ahas kong kaibigan.

Narinig niya yata ang yabag ng mga paa ko at tumingin siya saakin.

"Rid-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya isang malutong na sampal ang inabot ng mukha niya. Napunta sa ibang direction ang kanyang ulo at gulat na gulat siyang napahawak sa kanyang namumulang pisngi.

"Ridley! What the hell?" Narinig ko ang sigaw ni Tristan at agad na pinuntahan ang ahas.

Tinignan ko lang siya at hinugot ko ang kwintas sa leeg ko at hinagis sakaniya ito, nasalo naman niya ito at tinignan ng mabuti.

"I'm sorry Ridley." un lamang ang lumabas sa bibig niya at akmang lalapitan ulit ako pero bago pa siya makalapit sinampal ko na din siya.

"Don't touch me with your filthy hands." hindi maayos ang boses ko pero I managed to make it clear enough for him to hear.

Padabog kong binuksan ang pintuan at tumakbo palabas ng changing room at ng university. Hindi ko halos ma digest ang nakita ko at ang nangyari. Feeling ko masusuka ako dahil bumabaliktad ang sikmura ko. Nang maka layo ako ng tuluyan sa university namin tumigil nako sa pag takbo at bumigay na ang tuhod ko at kumapit ako sa isang poste sa tabi ko. Bumuhos ang ulan kasabay ng pag buhos ng mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

Bumuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam bakit nila to nasikmurang gawin saakin.

Tumingala ako at nag sisigaw.

"Bakit?! Bakit nang yayari to saakin?!" para bang sinagot ako ng kalangitan at biglang kumulog at mas lalo pang lumakas ang ulan.

Umayos ako ng tayo at nag lakad na para bang wala ng buhay. Hindi ko alam saan ako dadalhin ng mga paa ko basta gusto ko nalang mapalayo dito. Lumayo sakanilang lahat.

Unti unting humina ang ulan hanggang sa naging ambon nalamang ito.

Bigla akong bumagsak sa putikan ng may mabunggo akong matigas na bagay. Ngunit tumayo lamang ako ng para bang wala lang at nag simula na ulit akong mag lakad.

"Hoy miss, hindi ka man lang ba mag sosorry?" hinayaan ko ang sarili kong makaladkad ng kung sino man, inangat niya ang mukha ko sakaniya habang naka hawak siya sa kwelyo ko. Hindi ko siya kilala at amoy na amoy ko ang alak na nang gagaling sakaniya.

He smell trouble. Pero hindi ako nasisindak. Bakit pako masisindak, bakit pa ako matatakot? Nasaktan nako ng sobra I bet wala nakong mararamdaman pa.

"Mas makakabuti kung bibitawan mo na siya." narinig ko ang pamilyar na boses sa aking likuran. Napangisi nalamang ako, hanggang dito ba naman ililigtas parin niya ako?

Naramdaman ko ang unti unting pag kalas sa aking kwelyo at nakita kong nag lakad ung lalaki paalis.

"Halika na." hinawakan niya ng wrist ko pero hindi ako nag patianod sa kanya. I stood in place. Bakit ba. Kung kelan hindi ako nag papa ligtas saka pa siya dadating. Why is he always on a good timing?

"Ayoko." maikli kong sagot sakanya. Naalala ko ang away namin tungkol sa boyfriend ko. I should have known. He's right about my boyfriend, sana naniwala nalang ako sakaniya.

"I said let's go. Listen to me for once Ridley." narinig ko ang iritasyon sa kanyang boses, ngumisi ako at tumakbo palayo sakaniya.

Rinig na rinig ko ang pag sigaw niya sa pangalan ko, then everything went blank.


----------

Beneath The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon