Five

58 3 2
                                    

RIDLEY

Agad ko naramdaman ang sakit ng ulo at bawat pag kirot nito, napa daing nalamang ako at hinimas ko ang aking sentido. Anong nangyari bakit ang sakit ng ulo ko? Mas lalo kong iniisip ang nangyari ngunit mas lalo lamang sumakit ang ulo ko.

"Are you awake?" Naramdaman ko agad ang isang haplos ng kamay sa ulo ko. Agad akong napamulat, then I saw his face. God I miss him so much. Para akong isang bata na tumayo agad at pinulupot ko ang aking braso sa kanyang leeg.

"Tristan!" Sigaw ko habang sinalubong niya din ako ng kanyang mga bisig. Anong nangyari bakit hindi siya nag pakita kahapon? I miss him so much.

"Shh I'm here now my little princess." Ramdam ko ang bawat haplos niya saaking likod, bumitaw ako at nginitian siya.

"Where have you been? I'm so worried!" Hinaplos ko kaagad ang kanyang mukha na naka ngiti saakin, hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok at ilinagay niya iyon sa likod ng aking tenga.

"I'm sorry I didn't tell you, umuwi ako ng probinsiya namin, umattend ako ng burol ng Tito ko." Lumungkot ang kanyang boses. Napahawak ako sa aking bibig. Yesterday sa sobrang pag aalala ko kung ano ano na ang inisip ko tungkol sakaniya. Un pala ay nandun siya nag dudusa mag isa sa pag kawala ng Tito niya.

"I'm sorry I didn't know." Yumuko ako, naguguilty ako sa pag iisip sakaniya ng masama na baka may iba siyang babae. Alam ko namang hindi niya iyon magagawa saakin, ang tanga mo din minsan Ashley.

Tristan assured me that everything is okay na kaya hindi ko na kailangan mag alala. Hindi daw niya nasasagot ang tawag ko dahil naiwan daw niya ang kanyang phone sa sobrang pag mamadaling umalis, nag tampo naman ako kasi sabi ko pwede naman siyang makitawag or makitext para mainform ako pero nginitian nalamang niya ako. I forgive him.

Napawi ang aming pag kwekwentuhan ng may marinig kami ng isang tikhim sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko, anong ginagawa niya dito?

"Are you done?" Ngisi niya saamin habang may hawak siyang tray na nag lalaman ng isang basong tubig, ano bang ginagawa niya dito? Kelan siya naka pasok ng bahay namin?

Sumama ang tingin ko sakaniya ng simula siyang mag lakad papunta sa loob ng aking kwarto, "Mind if I check on her a bit?" Linagay niya ang tray sa may cupboard at liningon si Tristan.

"No, it's okay go ahead," lumayo si Tristan saakin at nginitian ako, "I'll be going ahead Ridley? I still need to do something." Hinalikan niya ako sa noo. Hindi man lang siya nag taka kung anong ginagawa ng doctor na to sa pamamahay namin.

"You're going already?" Malumay kong tanong sakaniya kasi as much as possible ayokong maiwan sa bahay na ito kasama itong doctor na ito.

"Yes dear, don't worry I'll be back as soon as I can." Hindi ko na namalayan na nakarating na siya sa pintuan at naka labas. Bumuntong hininga nalamang ako at binaling ko ang atensyon ko ngayon sa lalaking naka tingin lang saakin at iniintay maka alis si Tristan.

"Anong ginagawa mo dito?" Irita kong tanong sakaniya, as far as I can remember which is medyo hazy palang nasa club ako at nakikipag kwentuhan ako kay Rin hanggang duon nalamang ang aking natatandaan.

Lumapit siya sa cupboard at kinuha ang baso at isang plastic na maliit na may lamang gamot, "Here, inumin mo ito. Para hindi na sumakit ang ulo mo dahil sa hangover." Ibinigay niya saakin ung tubig at gamot. Tinignan ko siya. Hangover? Did I drink?

Tinignan niya ako pabalik na para bang binabasa niya ang isip ko, ngumisi siya "You're drunk last night, your friends called your parents and your parents called me." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya cause I don't remember anything at all.

Beneath The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon