"Tabi po," sabi ko sa babaeng naka harang sa aking harap. Nagbigay naman ito ng space upang maka singit ako ngunit bakas sa mukha nito ang irita. Hindi ko nalang pinansin at tinuon ko ang atensyon doon sa lalaking nakikipag sparring sa kalaban niya sa taekwondo.
"Ang galing talaga ng crush mo Wonu!" ani Seungkwan na nasa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya upang iparating ang aking pag sang-ayon. Syempre, magaling talaga siya. Isa kaya yan sa mga nagustuhan ko sa kanya. Nagsisigaw kami nang natumba ang kalaban. Ang galing galing!
Nang natapos ay inanunsyo na ang nanalo. Nagsisigaw ulit kaming lahat. Halos mag handusay ang mga babae sa sobrang kilig. Rinig na rinig ko ang mga sigawan at pag suporta nila sa nanalo which is ang crush ko. Pati si Seungkwan na siyang kasama ko ngayon ay nagsisigaw at nagtatalon na din. Napatawa nalang ako at pinanuod kung paano mag silapitan ang mga babae sa nanalo. Ang iba sa kanila ay may dala pang mga chocolates, energy drinks, at kung ano ano pa.
Hihilahin na sana ako ni Seungkwan patungo sa kinaroroonan ng nanalo ngunit hinila ko agad ang kamay ko at umiling iling. Ayokong lumapit, nahihiya ako. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. Baka pag nakaharap ko siya ay mahimatay ako. Nakakahiya pag nangyari iyon.
"Sayang naman ang opportunity kung hindi mo siya ibabati ng congrats uy. Pagkakataon mo na to Wonu!" ani Seungkwan at hihilahin na sana ulit ako ngunit umatras na ako.
"Huwag na, next time nalang." sabi ko at ngumiti. Sigurado naman akong hindi ito ang huling pagkakataon na ma bati ko siya. Ilang taon pa naman bago kami magtapos sa pag aaral kaya sigurado akong matagal ko pa siya makikitang maglaro. Taekwondo is his sport and I find it cool. Gwapo na, mabait at tsaka sporty pa. Wala ka na talagang hahanapin pa.
"Hay naku ikaw ang bahala. Basta wag ka magdadrama mamaya sa GC ah?" bilin niya. Natawa naman ako kaya binatukan ko siya. Pero napalakas yata kaya halos matumba na siya.
"Tangina aray Wonwoo ha!" mura niya at akmang babatukan din ako kaya mabilis akong tumakbo papalayo doon.
Pero bago pa ako makalayo ay sumulyap ako sa kinaroroonan ng nanalo. Ang gwapo at ang cute niya talaga. Hindi ko tuloy lubas maisip kung bakit sa dinami rami ng nagkakagusto sa kanya ay wala pa akong nababalitaan na idenedate niya. Nakangiti siya habang nagpapasalamat sa mga bumabati sa kanya at tinatanggap ang mga regalo neto. Sikat kasi siya sa campus kaya ganoon nalang kung dumugin siya.
Mayaman din sila kasi at sikat ang pamilya nila. Grade 8th nang magtransfer ako sa school na ito at dito ko siya nakilala at pati narin ang mga kaibigan kong sina joshua, seokmin, seungkwan, woozi atsaka jeonghan. Hanggang ngayong grade 12th na kami ay wala paring nangyayari. Hanggang sulyap nalang ang peg ko. Sinusuportahan ko nalang siya patago kahit nasasaktan ako tuwing may mga babaeng lumalapit sa kanya.
"Hays, mahusay ka talaga Kwon Hoshi." bulong ko sa aking sarili bago tuluyan nang makalayo.
"Oh asan kayo galing?" bungad sa amin ni jeonghan nang makarating kami sa classroom. Agad akong umupo sa tabi niya at ngumisi.
"San pa ba? Sa crush ni wonwoo malamang." Ani seungkwan at tumili pa ng mahina. Nagpigil ako ng ngiti at nagbuntong hininga. Nasilayan ko lang naman siya, hindi ko naman nalapitan o nahawakan. Masaklap nga.
"Panalo ba siya?" Tanong ni woozi sa tabi ni seungkwan. Agad kaming tumango ni seungkwan. Si hoshi pa ba? Walang makakatalo sa sobrang galing nun. Kahit sino ay mapapataob niya.
"As expected." Bulong ko sa aking sarili at ngumiti ng patago. Para na tuloy akong baliw dito sa gilid.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumating yung iba naming mga kaklase na nagbubulungan. Nahalata din ito ng mga kaibigan ko kaya nagkumpulan kami.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love. (Meanie Angst)
FanfictionWe fall in love with people we can't have. I guess thats how cruel destiny is. We fall, then get hurt, cry, stumble, then try to move forward. After that, we fall all over again and... who knows what will happen?