I See Dead People

111 2 0
                                    

Binabaybay ni Lance ang isang madilim at masikip na hallway dala lamang ang isang kanila. Napatigil siya sa paglalakad ng biglang umihip ang hangin anupat muntik ng mamatay ang ilaw na kanyang tanging tanglaw. Napahawak siya sa kanyang dibdib sapagkat naramdaman niya na bumilis ang tibok ng kanyang puso. Bumilis pa lalo ang tibok ng kanyang puso ng makarinig siya ng mga yapag ng mga paa kaya pinagpatuloy niya ang paglalakad ng hindi lumilingon sa kanyang likuran. Nabagabag ang kapayapaan ng isip niya dahil sa kanyang narinig kung kaya’t kung anu-ano na ang naglalaro sa kanyang isip kaya halos liparin na niya ang daang tinatahak. Napahinto lamang siya nang marating na niya ang dulo ng hallway, at sa ‘di malamang kadahilanan ay isang pader lamang ang naririto. Napatalikod siya, napasandal, at unti-unting dumausdos sa pader. Luminga-linga siya sa paligid at napahilamos sa kanyang mukha yamang hindi niya alam kung katapusan na ba niya ito.

Kasabay ng papalakas at papalakas na tunog ng mga yabag ay ang pagtagaktak ng butil-butil niyang pawis. Wala na siyang maisip gawin kundi ang pumikit. Pumikit siya dahil ayaw niyang makita kung ano man ang pinanggagalingan ng mga naririnig niya at sa kung ano man ang mangyayari sa kanya. Bahagyang tumahimik at pumayapa ang kapaligiran kaya nagdesisyon siya na buksan na ang kanyang mga mata, at sa pagdilat ng kanyang mga mata ay napagtanto niya na puno na ng dugo ang paligid. Ng oras na iyon, kadyat na nawala ang kulay ng kanyang mukha dahil sa kakilakilabot na nakita niya. Sinubukan niyang tumayo gamit ang nangangatog niyang mga tuhod ngunit sa kasamaang palad, napaupo na siya agad sa una niyang hakbang sa kadahilanang naramdaman niyang marahan siyang hinaplos ng malamig na hangin. Muli siyang mariing napapikit ng may naramdaman siyang dahan-dahang paghaplos sa kanyang mukha, at halos himatayin siya ng may marinig siyang mahinang pagbulong sa tainga niya. Napatakbo siya ng matulin ng may nabunggo siya bigla – isang lalaking kalbo na puno ng sugat at bahagyang nasunog ang mukha. Napaupo siya sa takot ngunit sa kasamaang palad ay may nabunggo rin siya. Bilang isang maginoo ay akmang tutulungan niya ang kanyang nabangga niya ng mapagtanto niya na ito ay isang babaeng walang mukha. Hinila siya nito pero nagpumiglas siya. Napatigil siya ng biglang may humawak sa balikat niya na panandalian ding nagpahinto sa pagtibok ng kanyang puso. Dahan dahan siyng lumingon upang tingnan kung sino ang humawak sa kanya. Halos mawalan na siya ng malay ng makita niya na ang lalaking nabangga niya kani-kanina lang ang nakahawak sa kanya. Sinubukan niyang tumayo pero may pumigil sa kanya. Kinapitan siya sa likod upang hindi siya makagalaw. Naramdaman niyang may tumusok sa leeg niya at unti-unti siyang nanghina at nakatulog.

Pagdilat niya nakahiga na siya sa higaan at nakatali. Sa isip isip niya’y siya ay ikinulong na naman ng mga taong kakaiba sa lugar na tinatawag na Verida Asylum.

Tamad Tales: Mga Storyang Nabuo Dahil Sa Katamaran ng Mag BesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon