~~~~~~Kriiiinnnggggg~~~~
Yes! Recess!!!
"Woi! Marah! Tara sipa!" Aya sakin ni Jamaica. Kaibigan ko
"Geh geh! Hoy kayo jan! Wag na kayo magliptint! Tara na!" Bulyaw ko sa mga kasama naming magsipa. "Ayzus kasiii!! Maaarawan at mapapawisan rin naman kayo magpupulbo pa!" Pahabol ko
Ako si Marah Clarah Sarah at iba pang pangalang may ah! Ay teka tunog bastos! Djk! Marah Jane Espinosa ang babaeng adik sa sipa mapa plastic man o straw na galing sa basurahan
"Woo!! Pick aaaaapp!!!! Tannngaaaa!!!! Aish!!" Sigaw ko sa isa sa mga kaklase kong parang tatambling na sa paghabol ng sipa hindi naman nasipa! Kaasar!
"Huy! Wag ka nga masyadong maingay! Tinitignan ka na ni Simon oh!" Saglit akong napatingin sa gawi ni Simon at nakita ko ngang nagtatawanan sila nang mga tropa niya. Namula ako hindi sa kilig kundi sa hiya
Siya si Simon Pajardo. Hindi siya ang inaakala ninyong mga heartrob ng school o jock na bida sa wattpad ang peg. Kaklase ko siya sa second section. Tama lang ang talino niya. Siya rin yung bubbly type sa barkada nila.
Super cutie niya. Atleast para sakin. Tama lang ang kulay niya medyo maputi pero hindi super. Siguro mga 5'7 din ang height niya. Matangkad na rin for a second year. Hindi siya gwapo dahil cute siya! And ofcourse.. crush ko siya.."Maraaahhh!!!!! Oh my ghad!!" Sigawan ng mga kaklase ko
*POOOKK!!* aray!!! May tumamang sipa sa noo ko sheet!! Teka!! Parang may mainit na tumutulo sa pisngi ko. Naramdaman ko nalang na inangat ako ni jamaica atsaka ako inalalayan. Papuntang clinic malamang.
Siksikan kaming lahat ngayon dito sa clinic dahil sumama lahat nang kalaro/kaklase namin kanina at nakiaircon at nakiinom narin. Ansama tuloy nang tingin samin ng nurse dahil nakalahatian na namin ang galon. Hindi pa kami nagrecess eh.
Nilinis lang naman yung sugat ko atsaka tinapalan ng gasa. Bumalik na rin kami ng room. Nakasalubong din namin si Simon atsaka si Gerard, isa sa mga tropa niya parehas silang hawak ng mga barkada nila na parang pinaglalayo. Nagbugbugan ba ang dalawang to?? Parehas puno ng pasa eh!
"Uy! Mukhang nagkatuluyan na yong dalawang yon ah!"
"Oo nakita ko rin kanina"
"Diba siya yung nakatama ng sipa kanina kay marah?"
"Oo.."
Teka sino yung nakatama sakin? Si simon oh si gerard?
"Di manlang magsorry eh nuh?!"
KINABUKASAN:
Kanina pa ko nakatitig sa mukha ni Simon KO. Ang kyutie niya parin kahit may pasaaa~~~ nahuhuli ko rin siyang pasulyap sulyap sakin pero nagiiwas rin nang tingin. Halata siguro masyado ang pagtitig ko. Hmmpt!
Recess time ulit! Nakaupo lang ako dito sa field sa tabi ng school nakasandal sa pader habang pinapanood mga kaklase kong nagsisipa. Hwag daw muna ko magsipa sabi ni jamaica. Pinapagaling ko pa sugat ko yung medyo matulis na side nung tinga yung tumama sakin eh! Kaya nahiwa yung noo ko.
"Aay!!" Nagulat ako nang pasugod sa direction ko si Simon dahil hinahabol niya yung sipa. Yung sipa papunta sakin!!
Pabagsak siyang lumuhod sa mismong harap ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa pader kaya natrap ako sa pagitan niya. Natulala ako sa kanya dahil nakabukas ang polo niya at tumutulo ang pawis niya sa ulo at leeg. Sheet why so haaawwttt!!! Humihingal siyang tumingin sakin. Parang nagslow motion ang paglunok niya nang laway kaya tumaas baba ang adams apple niya.
Wala sa loob kong inabot sakanya ang mineral water na hawak ko na tinangap niya naman. Nakita kong hawak na niya ang sipang hinahabol niya kanina. Posible kayang sinambot niya iyon para sakin? Para di ako matamaan??
BINABASA MO ANG
SIPA[oneshot]
أدب المراهقينNatry mo na bang maadict?.. Ako oo.. Pero hindi sa drugs ah!!! SIPA. Jan ako addict. Kami i mean. Ay teka wala nga palang kami... May mahal na kasi siyang iba.. Yung SIPA!! Yun! Yun ang mahal na mahal niya!! Saklap diba?? Sipain ko siya diyan eh!!