Chapter 3: Heartbreak

10 0 0
                                    

Chapter 3: Heartbreak                

 

Renee's POV

 

Kinabukasan~

 

Gumising ako ng maaga talaga. Kasi ang date ngayon ay...

 

FEBRUARY 14!

 

Ano yung araw na yan? Hindi niyo alam?! Ang araw na to ang pinaka espesyal na araw para sakin. Bukod sa Valentine's Day ngayon, 2ND ANNIVERSARY NAMIN NI ELLIOT!

 

So ngayon alam niyo na? Mabuti naman.

 

Kinuha ko yung phone ko sa side table, grabe napagod ako kagabi. Ang sakit ng likod ko. Tinapos ko talaga siya para maibigay ko sakanya yun. Anyway, tinext ko si Elliot.

 

To: Elliot♥

Happy 2nd Anniversary, Baby! I love you so much :*

 

Pagkatapos ko siyang itext naligo at nagbihis na ko. Nag konting powder at lipgloss lang ako. Di naman ako talagang nagm'make-up. Makati lang sa mukha. Tinignan ko phone ko,

 

Fr: Elliot♥

Renee, sorry. Di kita masusundo. Kailangan na ko sa school eh. Ingat ka na lang.

 

Ayy? Bat di niya man lang ako binati? Tss. Bayaan ko na nga. Makapasok na nga lang!

 

Nagpahatid na lang ako kay Kuya. Tutal andito pa naman siya.

 

"Teka, bat ako maghahatid sayo sa school? Nasan yung boyfriend mo?" tanong niya sakin habang nagd'drive.

 

"Huh? Eh kasi kailangan daw siya sa school ehhh. So ayun di na ko nasundo sa bahay." sagot ko

 

"Ahh, okay." tas wala nang nagsalita saming dalawa.

 

Nandito na pala kami sa school.

 

"Bye Kuya," sabi ko sabay wave sakanya

 

"Bye," tas hinintay kong umalis yung kotse niya.

 

Naglakad ako papunta sa loob. Lahat sila binabati akong, "Happy Valentine's day" at "Happy Anniversary". Ningingitian ko na lang sila bilang sagot. Pano nila alam? I-announce ba naman sa loob ng campus na pwede ba akong maging GF niya ehh. Syempre lahat alam yun. Magkakasama pa naman ang grade school, highschool at college kapag flag ceremony. So di na ko nagtataka bat alam nilang lahat.

 

At sa wakas! Andito na ko sa tapat ng classroom ko. Pag pasok ko, ang dami na agad na lovers na nagbibigayan ng gifts para sa GF/BF nila. Meron ding mga lalaking nagbibigay ng roses or chocolates sa babaeng gusto nila.

 

Asan kaya si Elliot? Kanina tinext ko siya pero di naman siya nagrereply. Haaaay. Siguro busy talaga siya. Kailangan ko siyang intindihin kasi sakanila tong university na to at siya yung Student Council President.

Fall in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon