3rd Person POV
Kakatapos lang ng first subject sa hapon ng section 2 ng 3rdyr ECE, ang Differential Equations(DE). May vacant silang isang oras bago ang sunod na klase kaya naman naglipatan na agad sila ng upuan. Alphabetically arranged kasi sila kapag time ng DE. Kanya-kanyang umpukan at kwentuhan na naman sa bawat sulok ng silid ngunit kapansin pansin ang pangungulit ni Enzo kay Arvie.
Poke. Poke. Poke
Kulbit ni Enzo kay Arvie Pero dinedma lang sya nito.
Poke. Poke. Poke
(arvie be like : snob.text.text.text)
"Arvie, Arvie, Arvie!", patuloy na pangungulit ni Enzo
"Ano naman kelangan mo?!", singhal ni Arvie sa kanya
"Alam mo ba ang pinakagusto kong state ng diode?"
"LAKOMPAKE!" sagot nya. Mainit na naman ang dugo nito kala mo palaging may period. Tapos naniningkit ang singkit nyang mga mata.
"Aw. Grabe ka naman. Dali na." Paawa ni Enzo.
"Oh. Ano ? Bakit ?" Sagot nito. Pinagbigyan na nya dahil hindi ito titigil sa pangungulit sa kanya at mas maasar lang sya.
"Reverse Bias. Kase RB yun ee. *winks*"
"Ayyieee!!", the class teased in chorus
"Suskupo Enzo. Magtigil ka nga. Iba nalang pagtripan mo."
"Di naman kita pinagtitripan. Seryoso ako sayo."
Arvie rolled her eyes then retorted,"Mukha mo. Sa dalawang bagay ka lang seryoso. Dota at porn movies mo. Magbago-bago ka nga."
"Normal lang naman saming mga lalaki yun ah. Saka -- Teka nga lang, sino ba yang katext mo at di ka tumitingin sakin habang kausap kita?" Pansin niya dito. Kanina pa kasi sya nagsasalita ngunit ang atensyon naman ng dalaga ay nasa phone nito.
"Si Iyan."
"Sino namang Iyan yan?"
"Wala ka na dun."
Enzo's POV
Di ako susuko. Makukuha ko din ang kiliti nya. Kahit pa mukhang may kalaban na agad ako. I wonder who's that Iyan at nasa kanya ang atensyon ni arvie.
ARVIE's POV
Nakakasama ng araw. Badtrip na nga ako kase magkaaway kami ni Iyan tapos dadagdagan pa ng pangungulit ni Enzo.
AVE's POV
Araw araw nalang ganito ang aking nasasaksihan.
"Bakit ba ayaw mo kay Enzo? Gwapo naman ah. Chinito din. Matangkad. Basketball player." tanong ko kay Arvie
"Half chinito lang yun. isang mata lang singkit. Ewan ko. Di ko talaga type. " Arvie answered
"Nga pala, sino yung IYAN?" curious lang ako. This past few days laging madalas kong makitang may katext sya.
"Childhood friend."
"Sure kang friend lang?"
"Oo."
"Taga saan?"
"Nu bayan daming tanong. Nasa Italy ngayon."
"Mahal ng text ah."
"Nag-Skype din naman. Saka chat sa FB."
"Wow. So friends lang kayo ng lagay na yan?" I smell something fishy. Buti pa sya. Hayst.
Magsasalita pa sana sya ng dumating na ang next Prof namin.
Tik. Tok. Tik. Tok.
Tagal pa matapos ng klase. Nakakaantok pa yung boses ng Prof plus nakakaduling yung powerpoint presentation na naka TV.
AFTER FEW HOURS
Yes. Nakasurvive na naman ng isang araw sa klase.
--
Lame UD. bukas na ang kasunod . Antok na ko. FILLER CHAPTER ONLY . TOMORROW ang chapter 5 ..Spoiler Alert : MAG AAQUAINTANCE NA SILA!! haha.
BINABASA MO ANG
The Babies' Struggles: Zener Heart
HumorIf the Zener Diode can regulate voltage, can my heart function like this so that the love i'm giving can be regulated too? Disclaimer: 87% fictional. 13% real.