AVE’s POV
Heto kami ng mga kaklase ko at nghahanap ng bakanteng table sa cafeteria. Lunch time na,paboritong oras ng mga estudyante bukod sa dismissal time at vacant hours. Grabe, puno na naman ang cafeteria. Daming-dami pang nakatambay dun kahit hindi naman nakain. So insensitive, kita na nga nila na madaming bagong kakain eh ayaw pang umalis tapos ang iba naman ay pandisdis sa pagsusulat ng kung anu-ano. Para saan pang naimbento ang library kung sa canteen sila mag-aaral at maggagawa ng kung anu-anong mga homework. Malapit nang magmonster mode itong mga kasama ko. Kapag ganito nga namang gutom na gutom ka na. Siguro naiisip nyo kung bakit di nlang kami sa labas ng school kumain. Meron naman eh, kaya lang ee nakakatamad maglakad palabas ng school, to think na ang init init pa.
Lumapit kami sa isang table na may mga estudyanteng nagsusulat.
“Ah ah. Ako’y gutom na gutom na. Walang maupuan.”, pagpaparinig ko.
“Kaya nga. Kuh, baka mamayat si Mhikay.”, dagdag ni Kamille na may kasamang pang-aasar kay Mhikay.
“Grabe, mamayat agad? Ang sama ga nito.”, sagot ni Mhikay na paawa ang tono.
“Nahihilo na ako.”, drama ni Axcel
“Sya sa library nalang tayo kumain at nabaliktad na ata ang mundo.”, Arvie. Normal tone nya pero mataray pa din ang dating.
After FEW moments, (sarcasm) mga 12345789 seconds, nakaramdam din sila. Nagligpit ng gamit at umalis na. Nilagay na namin ang aming mga gamit dun at nagpunta sa lane para umorder.
Habang kumakain kami, may umagaw ng aming atensyon kaya napatigil kami sa aming ginagawa.
"Whooh !!" Biglang umalingawngaw ang palakpakan at sigawan ng mga taong nasa loob ng kantina.
"Anung meron ?", tanung ni Arvie. I don't know what's going on so I just shrugged my shoulders as an answer.
"Whoops kiri whoops kiri whoops. Everytime I see yoouu~" , may nag sing and dance na babae malapit sa table namin. Kaharap nya yung ibang mga estudyante din. May hawak pa syang notebook at ballpen.
"Ayy . Yang mga yan ay yung nagpapapirma sa mga master nilang senior.", Rain
"After pa ng acquaintance natin yung ganyan sa department natin noh? Kakaexcite. Haha."
"Sus, if I know,gusto mo lang magpasikat sa mga seniors, no scratch that, sa ISANG SENIOR natin. Haha. Just pray na mga fifth year ang bumili sayo sa bidding." ,Bam hit the point I'm up to. Pero kunwari di ako tinamaan. Stay cool. Sya din nagturo sakin nyan. Sa group namin na Babies, yan ang pinakamadaming alam. Advices, tips, etc. Self-declared ko sya na counselor.
ECE AQUAINTANCE PARTEEEEEEEEEEEEEEEY na *sabog confetti*
----------------------------------------------------
Program proper. THE usual, National Anthem, prayer, may mga speech ang dean, department chair, president ng buong ECE department, echos here and echos there. Gusto ko na yung segment ng kalokalike, aba, bigatin mga kasali sa amin section. Bago pa napilit sumali ang mga yan, nagdependehan sa isa't isa kung sasali o hindi. Sila yung, hindi naman walanghiya, pero mataas talaga yung level ng confidence, at panlaban din yung face ha.
BINABASA MO ANG
The Babies' Struggles: Zener Heart
HumorIf the Zener Diode can regulate voltage, can my heart function like this so that the love i'm giving can be regulated too? Disclaimer: 87% fictional. 13% real.