Stolen Shots

2.8K 23 0
                                    


HER SIDE-Jenny




Biglaan.'Di inaasahan.Unexpected.

Hindi ko inaasahan na mahulog sa lalaking kakakita ko pa lang,si Gio.Siguro na love at first sight ata ako.Hindi ako familliar sa feeling na ito,pero,ang sarap sa pakiramdam na inlove ka.Para kang nasa ulap.

Nandito ako nakatingin sakaniya mula sa malayo.Hayy,kailan kaya yung mararamdaman kong ako naman yung mahal niya?

Merong pagkakataon na nagkakasalubong kami.Tulad nung nasa bus.Nakasabit lang kaming dalawa,at syempre nasa likuran ko siya 'non.Laking tuwa ko sa driver ng bus,dahil biglang nagsudden break yung sasakyan,kaya napasandal ako sakaniya.Ilang beses kong pinasalamatan si kuyang driver,tuwang tuwa ako 'nong araw na iyon eh.

Kinabukasan nung araw na iyon,ay nagjo-jogging ako palibot ng subdivision,same kami ng subdivison kaya nagkasalubong kami.Dahil hilig niyang maging photographer,dala-dala niya ang camera niya.Tumitingin tingin siya ng pictures sa camera niya.Bigla siyang tumigil para isintas ang sapatos niya.Wait,bakit niya isisintas ang sapatos niya kung n
nakatsinelas siya?

The other next day,pareho kaming nasa rooftop.Uy!Huwag kayong mag expect na sinundan ko siya.Actually,nauna talaga ako sa rooftop,hindi ko lang alam na pumunta rin pala siya rito.Iyon nga lang,magkalayo kami.Nasa kabilang dulo siya ng rooftop,while ako ay nasa kabilang dulo rin.Pasimple ko siyang pinipicture-an gamit ang Vivo phone ko.Nag gigitara siya,habang may hawak na papel at ballpen.Bukod kasi sa pagpicture,mahilig rin siyang magsulat ng kanta.Nung humarap siya sa gawi ko,nataranta ako.Hala!Anong gagawin ko?

Naisipan kong magpanggap na may katext,mukhang naniwala naman siya dahil itinuon niya na lang ang pansin niya sa camera niyang nakasabit sa leeg.Para siyang professional photographer.Habang chinecheck niya ang camera niya,pasimple ko ulit na pinicture-an siya habang nakaside view.Noong humarap ulit siya sa gawi ko,nagpanggap na naman ako.Pero this time,nagpanggap ako na may katawag sa phone.Napansin ko naman na nagsulat naman siya sa papel niya,lalapitan ko na sana siya,kaso may dumating na babae.Masaya siyang nakipag usap rito.Kaya umalis na ako a rooftop.

Three days had passed,nagkita ulit kami,pero sa elevator naman kami nagkita.Siksikan sa elevator,marami kasing tao.Lalo na yung nasa tabi ko,tatlong matataba.Family of matataba.
At dahil tinamaan ako ng suwerte,katabi ko siya ngayon.Pasimple akong sumandal sa balikat niya.Mukhang hindi naman niya napansin dahil hindi siya nagreklamo.

Napangiti ako.Pero dahil ang sama ni tadhana saakin,biglang bumukas ang elevator,nasa floor 13 na pala kami.Galing kasi ako sa ground floor eh.At dahil doon ay kailangan ko ng lumabas ng elevator.Kaya lumabas na ako at pasimpleng tiningnan siya.

Hayy.

A week had passed,nagkita ulit kami sa party ng friend ko.Nagpa pool party kasi si Ana eh.Si Ana yung friend ko.Nakita ko natutulog sa mahabang sofa si Gio,walang tao,lahat sila nasa labas kaya lumapit ako kay Gio,pinagmasdan ko siya habang natutulog.Ang guwapo niya talaga.Inilagay ko ang phone ko katabi sa phone niya,pareho pala kami na Vivo na phone.Napansin ko ang papel na nasa table.Nagsulat siya ng kanta,ang title ay Stolen Shots.Napansin kong hindi niya natapos yung kanta,nasa Chorus pa lang yung kantang isinulat niya kaya tinapos ko ito.Meron rin akong alam sa music kahit papaano.

Pero,I should stop this feeling.Kaya umalis na ako sa party.Pagkauwi ko sa bahay ay natulog na ako.Dapat layuan ko na siya.Alam kong sa huli,ako lang naman ang masasaktan.


*****
Note:

Next is Him.

Stolen ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon