Stolen Shots

1.6K 28 6
                                    

His Side-Gio

Matagal ko na siyang pinagmamasdan sa malayo,kating kati na nga akong magtapat sakaniya kaso,torpe eh.Torpe ako.Kaya anong magagawa natin?Hayys.

Nung nasa bus kami ni Jenny,biglang nagsudden break yung bus,kaya napasandal siya saakin,ang bango niya.Gusto ko pa sana kaming manatili sa ganung posisyon nang bigla siyang humiwalay saakin.Konting oras lang pala si Tadhana magbibigay ng moment.

Kinabukasan,nagjojogging siya palibot sa subdivision,kaya nagkasalubong kami.Hindi ko alam kung anong nangyari saakin,pero,gusto kong mapansin niya ako kaya nagpapansin ako.Hindi ako nakapag isip ng maayos kaya,kusang gumalaw ang katawan ko,dumuko ako para isintas ang sapatos ko.Pero napansin kong naka tsinelas pala ako.What the F?!

Ang tanga ko!!Bakit ko naisipang magsintas ng sapatos?!Pwede namang magkuwaring nahulog ko yung ballpen ko,kaya pasimple ko itong kunin,di ba?!Haist.Mag mumukha ako nitong tanga sa harap niya eh.Baka sabihin niya baliw ako.Tsk.

The other next day,naisipan kong pumunta sa rooftop.Nakita ko siyang nagce-cellphone sa dulo ng rooftop,naisipan kong pumunta sa kabilang dulo ng rooftop,yung malayo sakaniya,nakakahiya naman kasi kung tatabi ako sakaniya.Baka sabihin niya FC ako.

Pasimple ko siyang pinipicture-an gamit ang camera ko,habang nagtetext siya.Kaso busy na busy siya sa pagtext kaya naisipan kong tingnan yung papel na sinusulatan ko ng kanta.Nung tiningnan ko ang gawi niya,nakatingin siya saakin pero iniwas niya naman kaagad.Mukhang may kausap siya sa phone kaya pinicture-an ko siya ulit.Haha.Mga Stolen Shots.
Ilang sandali,ay dumating si Ana.Psh.Panira si Ana ng moment.Sinabihan ako ni Ana na may pool party daw siya next next week.Habang nag uusap kami ni Ana,nakita ko si Jenny na lumabas na sa rooftop.

After Three days,nagkita kami sa elevator,siksikan dito sa elevator dahil maraming tao,sinadya kong magkatabi kami para pag nasaktan siya dahil sa sobrang sikip,handa akong protektahan siya.Kaso..
Pwede bang kiligin?Sumandal siya saakin,bro!Hindi man halata pero sumandal siya saakin!Kaso..biglang bumukas yung elevator,kaya lumabas na siya.Psh.Sayang...

After a week,pumunta na ako sa pool party ni Ana.Hindi ko inaasahan na inimbitahan rin pala nila si Jenny.Masaya ako dahil nandito si Jenny.pNapagod ako kaya sumandal muna ako sa mahabang sofa sa loob,lahat sila nasa labas,kaya mag isa lang ako dito.Nakita ko si Jenny,papalapit sakin kaya pumikit ako,nagkumwari akong tulog.Nilapag niya yung phone niya sa tabi ng phone ko na nakalapag rin sa table dito sa sala.Umupo siya sa tabi ko at pinagmasadan ako.Nung mapansin niya ang papel na nasa table,kinuha niya ito atsaka binasa.Nakita kong sinulatan at tinapos niya ang kanta.Pagkatapos 'non ay kinuha niya ang phone niya at umalis na siya.Kinuha ko yung papel na sinulatan niya.Binasa ko ito.Haha.Ang galing niya pala magsulat ng kanta.Kinuha ko yung phone ko at umuwi na.





After a month,sumikat ako dahil sa kantang isinulat namin ni Jenny.Ilang beses ko rin hinanap si Jenny kaso 'di ko na siya nakita pa simula nung umalis siya nung nagpool party kina Ana.Halata namang iniiwasan ako ni Jenny eh.Psh.
Hinihintay ko na magbukas ang elevator.Sa wakas!Nagbukas rin ang elevator.
Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng elevator,bumungad saakin si Jenny.Nagulat ako.Saan kaya siya galing?Nung nagpunta kasi ako sa bahay nila,wala naman siya.Pumasok ako sa elevator,nung pumasok ako sa elevator isinuot niya ang earphones niya sa kaniyang tenga.Kumakanta kanta pa siya ng mahina na parang sumasabay sa beat ng kanta.Pero,alam kong nagpapanggap lang siya na nakikinig siya ng music.Paano ko nalaman?Simple Lang.

Hindi kasi nakakabit yung earphones sa cellphone niya.-_-

Paano ka makakapag soundtrip kung yung earphones hindi nakasaksak sa phone mo?Hay nako.

"Iniiwasan mo ba ako?"tanong ko.Pero nagpanggap siya na hindi niya ko naririnig.Bumukas ang elevator,pero,bago pa siya makalabas hinawakan ko siya sa braso at ihinarap saakin.Tiningnan ko ang mata niya,halatang nagtataka siya.

"Halatang iniiwasan mo ako,at halata ring hindi ka nakikinig ng music."Sabi ko sabay kuha ng dulo ng earphones na hindi nakakabit sa phone niya.Napayuko naman siya dahil don.

Nagtaka siya nung kinuha ko yun nakafold na paper mula sa bulsa ko.In-open ko yung nakafold na paper saka ko ipinakita sakaniya.

"Ikaw nagsulat nung last part,'di ba?"tanong ko.Sabay turo sa last part ng kanta na isinulat niya gamit ang pink ballpen.

"H-hindi ako nagsulat niyan."depensa niya.

"Nakita kitang isinulat mo 'yan."sabi ko.Kinuha ko yung Vivo phone na nasa bag ko.Ipinakita ko sakaniya ang wallpaper ng phone na Vivo.At nagtaka siya ng makita niya ang wallpaper.

Ang wallpaper kasi ng phone na ito ay picture ko habang naggigitara,halata namang stolen shot ito.Nagtaka siya dahil alam niyang ganito ang wallpaper niya.

Kinuha niya ang Vivo na cellphone sa bag niya.Tiningnan niya ang wallpaper,at nagulat siya nung makita niya ang picture niya habang may kausap sa telepono,halatang stolen shot rin.

Naguguluhan ba kayo?

Nung nagpool party kasi si Ana,nagkapalitan kami ng phone dahil pareho Vivo ang phone namin.Itinabi niya kasi yung phone niya sa phone ko kaya ang nakuha niya ay yung phone ko at nakuha ko naman yung phone niya.Nung umuwi ako 'nong gabing iyon,naguluhan ako dahil iba yung wallpaper kaya binuksan ko yung gallery.Nakita ko puro pictures ko ang nandun.Meron na selfie dun si Jenny kaya naisip kong baka nagkapalitan kami ng phone.

Back to Reality..

"Nagkapalitan tayo ng phone?"tanong niya.Ilang months ba siyang hindi nakapagbukas ng phone?

"Ilang months ka bang hindi nakapagbukas ng phone?"tanong ko.Isang katahimikan ang bumalot saamin.Lumipas ang sampung minuto ng pareho kaming nagsalita.



.

.

.

"I Love You."sabay naming sabi.Sabay kaming napatawa dahil sa sagot namin.Halatang mahal namin ang isa't isa.









**********End******





Thank you,very much for supporting my One Shot Story.Please don't forget to Vote and Comment.Thanks.

<3

Stolen ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon