Chapter 1: Siya na kaya? Ang STAR ko? (Part 1)

12K 350 10
                                    

Grabe hindi talaga ako makapaniwala na yung Lewis na yun kagabi ay hindi ko namukaan. Sila pala yung bagong lipat na binigyan namin ng Tiramisu Cake. Kahit na kaga-galing lang namin nung isang araw sa kanila para ihatid ang Cake.

Kagabi nung makita ko siya naghahanap ako ng pang last Star ko…at nakita ko Siya.

~~~

Flashback~

"One..." tumatakbo ako papalayo sa kinaroroonan nila Chim.  at habang tumatakbo ako nagbibilang ako. "Two..."

"Three..."

Dapat din ang hihilingin ko sana ngayong gabi ay maging kami ni Chim.

"Four..."

"Five..."

Pero mukang magbabago na ang wish ko.

"Six..."

"Seven..."

Sana.... sana.... dumating na yung lalaking para sakin.

"Eight..."

Mas lalo akong napa-iyak habang nakatingin sa kalangitan pero hindi na ako makahanap ng bituin. Isa na lang please. Isa na lang.

*Thud*

May bumunggo sakin hindi ko alm kung lalaki o babae basta may bumunggo sakin.

"Ah!" sabi ko.

"Ah- sorry" sabi niya. Mukang boses lalaki.

"Uy. Ok ka lang ba?" tanong niya sakin. "Kilala kita ha" pagpapatuloy niya.

"Ha?" pagtataka ko. Ano dw kilala niya ako? Baka naman nagkaka-mali lang siya.

"Ikaw si Claire di'ba? Sayo 'to diba?" tuloy-tuloy nyang pagta-tanong. Sabay taas din ng Libro ko na The Fault in Our Stars. Ayan yung librong nagpalapit samin ni Chim. :'((

"Nakita ko yan sa corridor ng condo natin. Nahulog mo ata. Ako yung bago niyong kapit bahay" sabi niya sabay ngiti niya sakin. ^_^

"Salamat nga pala sa Tiramisu Cake, Ah." pahabol niya.

Doon sa t-shirt niya hindi naman kalakihan ay nakita pa rin ito ng mata ko.Ang STAR sa damit niya.....

"Nakalimutan kong magpakilala...."

"Lewis nga pala."

Nine.

Ngumiti ako sakanya at kinuha na ang libro ko sakanya. Pag ka kuha ko sa libro inabot ko naman ang kamay ko.

"Thank you." sabi ko. Inabot naman niya ang kamay kong nakalahad.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Tapos niyaya nya ako sa Park kung pwede daw ba ipasyal-pasyal ko siya dito kasi bagong lipat pa nga lang sila. Yung Park pa lang daw ang alam nyang puntahan dito.

Nang makarating kami sa Park umupo kami sa Swing. Sa Park kitang kita mo ang buong kalangitan. Ang ganda ng buwan maliwanag.

"Ang ganda ng buwan 'no?" tanong niya sakin habang nakatingin sa buwan.

"Oo nga ee. Pero mas gusto ko pa rin ang mga stars..." hambay ko sakanya. Nakatingin din ako sa buwan nun chaka sa mga bituin.

"Huh? Bakit?"

"Kasi ang cute nila. Hahaha. Chaka kahit maliit sila ang kinang-kinang nila. Nakikita mo ba yung pinaka-makinang sakanila *point sa star* parang siya yon (tinutukoy ko si Chim) at nakikita mo din ba yung pinakamahina ang kinang sakanila ako yun. Diba ang layo ng agwat nila. Kasi hindi sila para sa isa't-isa." mahaba ko'ng paliwanag sakanya.

Tiningnan ko naman siya. Nakatingin pala siya kanina pa sa'kin. Ngumiti ako sakanya. Hindi sya ngumiti sa'kin.

"Sinong siya?" sabi niya sa'kin ng seryoso ang mukha.

"^_^. Si Chim. Haha. Hindi mo naman siya kilala ee." tingin ulit sa kalangitan.

-----

~•~•~•


Sorry po kung medyo maikli lang aa. Sana po i-Vote niyo parin po at Comment. Need ko din po ng 4 readers and 2 vote. This is very first Story. Tinray ko din po gumawa ng Story bago ko po isipang gumawa nitong Nine Stars.

Thank you po!! ^_^

•-ariz28

Nine Stars 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon