".... hindi mo naman siya kilala ee.."tingin ulit sa langit.
"Chim? Chim ano?" tanong niya sa'kin. Parang may pagkagulat sa boses niya nung tinanong niya yon.
"Bakit gusto mo malaman?" natatawa kong tanong. Ayoko lang pagusapan si Chim.
"Uhhmm. Wala lang, maykakilala kasi ako na Chim pangalan." sabi nito at tumingin ulit sa langit. Ano daw may kakilala din siyang 'Chim' ang pangalan? Baka si Chim nga yun? Hindi imposible.
"Ahh..."sabi ko. "Oo nga pala. Dahil ba dun sa 'Chim' na sinasabi mo, kaya ka umiyak?" sabi naman niya. Ano bang meron dito sa lalaking 'toh? Bat ba siya tanong ng tanong tungkol kay Chim? Naiiyak na tuloy ako....
"Ahh... Ok lang kung ayaw mo." sabi niya with sweet smile pa. Ang bait naman ng lalaling 'toh. Sana mas nauna ko siyang nakilala at sakanya na lang ako nain-love.
"Umm... Sige bukas na lang, gabi na kasi eh. Kita na lang tayo. Bye." sabi ko sa kanya. Tumayo na ako sa swing na inuupuan ko.
"Sige bye Claire." sabi nya. Nakaupo pa rin siya sa swing. Mga nakakailang hakbang pa lang ako ay tinawag nya ako.
"Claire!" sigaw niya. Humarap ako sa kanya."Hmm? Why?".
"Uhmm... wala ka bang nakakalimutan?" sabi niya. Huh? Nakalimutan? Ang alin ang nakalimutan ko? "Huh? Ang alin...?"
"Hay... magkapit bahay lang tayo ng condo. Hahaha! Ang bilis mong makalimot" sabi niya na natatawa siya. Ayy. Shunga ka Claire, Oo nga naman magkapit bahay lang kayo! Tss. Makakalimutin nga... pero mukhang hindi ko makakalimutan ang pangya-yaring yun.
"Ayy. Oo nga pala sorry. Hehe... tara sabay na tayo." aniya ko sa kanya. "Haha. Tara."
Magkasabay kaming naglalakad pauwi. Shunga ka ba Claire natural naglalakad kayo alangan namang lumilipad kayo. Ang dami na naming napagkwentuhan tungkol sa paglipat nila ng bahay, kung san sila nakatira dati, at pati sa namatay na aso niya.
"Grabe iyak talaga ako ng iyak nun. Ang dami naming pinagsamahan ni Mitty tapos namatay lang siya nang ganun. Huhu." parang bata niyang sabi. Hahaha! Ang cute ni Lewis pag ganun boses niya.
Nakarating na kami sa may condo at bago pa ako makapasok sa loob, nagpaalam muna ako sa kanya.
Ganun din siya sakin....
Hindi talaga maalis sa isip ko yung Star na nasa damit niya buti nakita ko siya kung hindi, hindi matutupad wish ko.
Baliw man kung sabihin na design lang yun na Star sa damit niya, Star pa rin yun.
End of Flashback~
"Claire!" San kaya mag-aaral si Lewis?
"Claire!" may simigaw sa tenga ko ng pangalan ko. "Ayy!! Panget na Kalabaw!" sumigaw ako ng pagkalakas-lakas. Bumalik na ako sa mundong ibabaw nun."Kanina pa kita tinatawag na babae ka. Hindi ka pa rin sumasagot. Ano ba kasi yang iniisip mo?" tanong ni Key. Sasabihin ko ba? Ayy. Shunga! Edi nalaman niya mag-isip ka nga Claire. "Ini-isip ko? Alam mo kung ano? Kung pano kita tatanggalan ng eardrum at ipapalit ko sa eardrum ko na nabasag sa kasisigaw mo!"
"Oo na, Oo na." sabi niya with make face, make face pa siya. "Bakit mo ba bga ako tinatawag?" tanong ko kay Key. "Pinapa-punta na tayo sa New Gym. Lahat sila naka-alis na ikaw na lang hindi, buti nga naalala pa kita ee." sambit nitong babaeng tuh. Loka-loka talaga. Siya si Keyline Marasigan ang madaldal at bungangera kong bestfriend. Pshh. Kahit kelan talaga 'tong babaeng 'to.
Papunta na kaming New Gym mukang lahat talaga ng Students nanduon na as in lahat ng students wala kaming makitang istudyante dito sa labas ee. Nung malapit na kami ni Key sa New Gym rinig na rinig mo yung mga hiyawan nila.
Papasok na kami at ang dami talagang istudyante na nandito, palibhasa kasi ngayon yung mga pakilalahan sa mga New Students. Balita ko marami daw sikat na New Student na pumasok ngayon dito sa campus.
Nandito na kami ngayon sa loob, nakikipagsiksikan sa mga malalanding istudyante na kung makapag-react sa mga new student na lalaki. Hayz. Hinahanap namin kung saan nakapwesto section namin, ang dami kasing tao ee, ang hirap tuloy mahanap yung mga panget kong kaklase. Ang harsh ko naman masyado, sorry.
Sa wakas nakita na namin ni Key. Kaso ang layo ee, ang laki kasi ng New Gym at dun pa kami napwesto. Oo malaki na nga yung new gym, siksikan pa rin. Papunta na kami sa pwesto namin sa may bandang gitna ee. Madadaanan namin yung harap ng stage kung saan isa-isa magpapakilala yung mga new students, hindi naman kami kita na dadaan dun ee. Mataas yung stage, mga 4 feet yung taas ng Stage.
Padaan na kami nung mapatigil ako sa paglalakad at nakita ko ang isang pamilyar na mukha at pangalan niya......
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
siya si.......
~•~•~•~•~•~•
Sorry natagalan po sa pag update medyo naging busy po ako sa school ee. See Next Chapter... Thanks for Reading. Vote and Comment po pls..... Arigatou minna-san!! ;D Yung pronounsation po ng KEY ay (Ke-yi) hindi po (Ki). Thank po sa pagbasa.
BINABASA MO ANG
Nine Stars 2
Teen FictionKahapon lang nung magtapat si Chim kay Karen. Kagabi lang din nung nakita ko yung Libro ko. At kagabi ko lang din nakita ang ika-nine na Star sa ika-nine na gabi ko. Siya na kaya? Siya na kaya ang STAR ng buhay ko? Natupad na ba ang hiling ko? Sana...