RESET

55 9 31
                                    

"Hi! I'm Atatsukie. And you are?"

Bigla akong napaangat ng paningin mula sa pagbubukas ng bottled water na mahigit kinse minutos ko ng binubuksan. 'Bat ba ang lampa ng mga kamay ko. Kaasar.

"Uhm..." lumingon muna ako sa paligid para siguraduhin kung ako nga ba ang kinakausap nito, na bahagyang nagpatawa dito at biglang naupo sa tabi ko.

"Ikaw ang kinakausap ko, anong pangalan mo? Hindi kasi tayo nagiging magkakaklase kaya hindi ko alam." nakangiti nitong patuloy, at ako, di ko maiwasan mailang at mahiya. Una, ito palang ang tanging kumausap sa'kin sa buong taon ng pag-aaral ko dito sa unibersidad na ito.

Mula ng lumipat ako, katulad ng sa huli kong pinasukan, kung anu-anong tsismis at kababalaghan ang kinakabit sa pangalan ko. Naging kakambal ko na ata ang iwasan ng mga tao. Kesyo, hindi daw ako tao at may sa engkanto.

Wala naman silang pruweba, pero ewan ko ba. Gustong-gusto nila ang may mapag-usapan at mapagkatuwaan. At malas ko lang, dahil ako 'yun.

"H-hindi mo pa din alam kung sino ako?" nagtataka kong tanong dito, imposibleng hindi n'ya alam kung sino ako. Lalo na't sikat na sikat ako sa bansag ng mga estudyante dito sa'kin. Janice, the Maligz o Mali for short.

Umiling ito at matiim na tumititig sa akin. Nakikita ko sa mga mata nito na sensiro ito sa sagot nito.

"J-janice... Ako si Janice." at isang malapad na ngiti ang binungad nito kasunod ng paglahad nito ng kanyang kamay. Matiim ko itong sinundan ng tingnin at t'saka muling tumingin sa kanya, at buong puso kong tinanggap ang pakikipagkamay nito sa'kin kasunod ng pagmutawi ng isang kakaibang damdamin.

"It was nice meeting you. Finally, Janice."

»«»«»«»«

["Jani, where the hell are you?"]

Muli kong narinig ang boses nito. Lihim akong nangingiti sa nahihimigan kong pagkabugnot nito. Hindi kasi ako kaagad nakapag-out ng maaga sa trabaho dahil sa tambak ang mga projects na meron ang kompanya, kaya kailangan mag-OT para makahabol sa deadline.

"Ito na, palabas na. Mainipin ka talaga, Atat." tugon ko dito, habang lakad takbo na ang ginagawa ko sa lobby ng kompanyang pinagtatrabahoan ko.

It was exactly ten years ago ng makilala ko sa school ground ng unibersidad na pinapasukan ko si Atatsukie o Suki pag nasa mood ako o kaya naman Atat pag plano ko itong inisin. Sampong taon ng pagkakaibigan, at di ko maitatanggi na, naging higit duon ang pagtingin ko sa kanya.

Tanging s'ya lang ang naging kaibigan ko. Mula kasi pagkabata palipat-lipat na kami ng tirahan ng aking ina, dahil nga sa di ko pangkaraniwang kakayahan. Hanggang sa, mapadpad kami sa Bervendes at tuluyan na ngang manatili dun, gawa ng hindi na rin kaya ni Mama ang magpalipat-lipat pa.

["For sure, I am. Aba, trenta minutos na naghihintay itong gwapong kausap mo 'no!"]

Napatawa at naiiling ako sa turan nito. Kahit kelan, ang hilig talaga n'yang magbuhat ng bangko.

"Oo na, hiyang hiya ako sa'yo." tugon ko dito.

Natawa lang ito at t'saka nagpaalam na i-cut na ang tawag at hihintayin nalang n'ya ako sa sasakyan nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon