3rd person's pov"Ayan na naman sila, kailan kaya sila titigil?" Bulong ng isang kaklase na napa buntong hininga nalang habang pinag mamasdan ang dalawang nag aaway na kaklase.
"Pwede ba tumahimik ka!?" Sigaw ng dalaga sa kaaway.
"Eh pano kung ayaw ko? Sarap mong asarin y/n," sagot ng binata habang naka ngiti kay y/n.
"Che! Ewan ko sayo!" Sagot ng dalaga at pumunta sa canteen kasama ang mga kaibigan.
"Alam mo y/n, hindi ko gets kung bakit ka ganon kay c/n, gwapo naman sya gentleman," ani ng isa nyang kaibigan.
"Gentleman ba yung aasarin ka tapos tatalisurin ka?" Sambit ng dalaga sa kaibigan.
"Alam mo lagi kayong ganyan, LQ kasi eh," tuwang wika ni f/n sa kaibigan.
Umiling nalang si y/n at sinapok ang kaibigan.
"Manahimik ka na nga lang at kumain," utos ni y/n.
Y/n's pov
Hay nako talaga mga kaibigan ko.
Nakakabwisit na eh. Minsan di mo nalang alam kung naka drugs sila o sadyang may maluwag na tunrilyo sila sa utak.
Anak ng tupa tapos na pala break!
Pumunta na kami sa room at alam mo kung sino bumati sakin papasok?
Walang iba kung hindi yung bugok na yon!
Dumeretso nalang ako sa upuan ko at nag drawing.
Ilang minuto pa ay naramdaman ko na may tumutusok sa giliran ko.
Tumingin ako sa gilid at si c/n ang katabi ko. Punyeta naman oo sa lahat ng tao itong gago na to pa natabi sakin.
Hindi ko nalang pinansin si bugok at nakinig nalang ako sa teacher. Habang nag lelesson kami, di man lang tumigil si gago sa pang gugulo.
"Ano ba pumirmi ka nga!" Sabi ko kay c/n at sinipa ang tuhod.
"Hehe ayoko nga, napaka kill joy mo namn," sagot neto habang namamalipit sa sakit.
Sa pag aaway namin di namin naramdaman na nasa harap na namin si sir.
"Ano na naman meron at LQ na naman kayo?" Sabi nya habang nakangiti.
Nakatingin na ang lahat samin habang naka smirk.
'Pati ba naman si sir', sabi ko sa isip ko.
"Hay nako sir wala naman po, eto lang pong sutil na to eh," wika ni c/n.
Nagulat ako.
Di nya tinanggi ang sinabi ni sir.
Ang sinasabi nya lagi ay " ano ba yan sir LQ!? Hindi no, panget kaya neto" o kaya "sir, alam mo namng hindi LQ toh," pero iba ngayon eh.
"Hindi ko nalang sinagot si sir at nanahimik sa buong lesson.
Lunch na! Yehey.
Kukuhanin ko sa yung lunch ko sa canteen. Ng makuha ko na, biglang may tumawag sakin, tumingin nalang ako sa tumawag at umalis kasama ang mga kaibigan ko.
Pag dating namin sa tamabayan namin sa campus, don na nag simula ang pag aasar nila.
"Y/n, bakit ba napaka tsundere mo kay c/n? Gusto mo naman sya pero bakit inaaway mo pa rin?" Tanong ng isa kong kaibigan.
"Bro alam mo naman ako, ganon lang talaga ako mag tago ng feelings ko sa taong mahal ko," sagot ko sa kanila.
"Tsaka pak boy din si gago eh," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Crush Imagines
Short Storytungkol lang naman ito sa crush mo at sayo. Translation: It's all about you and your crush. Note: Most of the scenarios/imagines are based of the author's real life experiences.