crush X reader- forgotten

46 0 0
                                    

Y/n's pov

Andito kami ngayon sa mall, kasama ko mga tropa ko. Nag gagaguhan as usual. Humahanap kami ng mga pang regalo para sa party na gaganapin sa classroom namin.

"Hoy Y/n bilisan mo mag aabang ako dito o!" Tawag sakin ng kaibigan ko habang inaantay ako.

Tumango naman ako at ngumisi. Hinagis ko yung bag ko sa kanya papasok ng isang store sa mall. May sumpa ata kasi bag ko kaya sa bawat store na mapupuntahan namin eh tumutunog alarm. Wala namang makita. Muntanga pero wala na kaming pake HAHAHAHAH.

"Ano na may nahanap ka na bang pang regalo?" Tanong sakin ni f/n habang nasa tabi niya si C/f/n. Napailing naman ako kasi, wala pa akong nakikita. Ang alam nila, isa lang ang reregaluhan ko. Pero ang totoo, dalawa.

I'm planning on giving C/n a gift too. Sabihin na nating, parehas naming gusto isa't isa. Nagka aminan tapos ngayon puro ka sweetan. Pero bago yon dapat label muna HAHAHAHAHAH.

Arot lang. Syempre jowa ko na yon noh. Niligawan niya ako ng isang taon hanggang sa sinagot ko siya. Masaya kami. May away pero syempre nag kakabati. Sinasabayan ko pa nga yon mag laro eh.

Lumabas na kami ng store na yon at nag palakad-lakad sa mall. Pumasok kami sa isang store at doon ako nakahanap ng pang regalo na magugustuhan ng nabunot ko. Pero para kay C/n? Wala pa talaga akong mahanap.

Meron akong nabili para sa kanya nung last month. Isang black coral bracelet. Simple but, it means something for me. Ibibigay ko dapat sa kanya yon. Tig-isa kami. But, hindi niya tinanggap. And until now nasakin parin.

Ngayon nag kekwentuhan yung dalawa sa tabi ko at para bang thridwheel lang ako pota. Habang tumitingin sa paligid napahinto ako sa nakita ko. Yung pinaka gusto ni C/n na (yung bagay na gusto ng crush niyo mga neng). Tinignan ko yung price at, sakto sa budget na binigay sakin!

"Oy mga gago saglit lang may bibilin lang ako," sabi ko sa dalawa.

"Siguraduhin mo ha at baka mamaya eh nang hahanting ka lang ng mga gwapo diyan." Nag tawanan sila. Mga gago talaga.

"Mga gago alam niyo namang si C/n lang ang gusto ko," sambit ko at napangiti naman sila. Tumango nalang sila at sabi skain na mag kita-kita nalang daw sa food court.

Pumasok ako sa shop na kaninang nakita ko at binili yung pinaka nagugustuhan ni C/n. Pinabalot ko sa isang magandang gift bag yun at nag intay.

"Miss mukhang espesyal na tao tong pag bibigyan niyo ah?" Sabi ng sales lady at napangiti. Ngumiti ako at sumang-ayon sa sinabi niya.

"Opo ate, sobraaaaaa!" Sambit ko at natawa naman ng bahagya yung sales lady.

"Eto na o,"sabi niya at inabot na sakin yung binili ko.

"Salamat po," pag papasalamat ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tuluyan na akong lumabas. Chineck ko yung phone ko kung nag text or chat si C/n. And hanggang ngayon wala parin. Napabuntong hininga nalang ako at nag chat sa kanya.

"C/n? Hey I miss you :( please reply as soon as you read this." sinend ko yung text kasi bakit hindi? Miss ko na siya eh.

Naisipan kong bumili muna ng milktea at dumeretso sa food court. Habang bumibili pinag masdan ko ang paligid ko.

"Miss eto na po yung order niyo," nabaling ulit yung atensyon ko sa worker ng milktea shop. In fairness cute ha. Pero wala eh, C/n talaga eh.

"Salamat po," napangiti ako at inabot na yung bayad. Kinuha ko na sa kamay niya yung milktea at umalis na. Hay nako miss ko na si C/n. Ano ba yan. Sumakay ako elevator papuntang thurd floor kasi andoon yung food court. At pag dating ko sa third floor, sinumulan ko nang pumunta sa food court. Habang nag lalakad at tinitignan yung pinamili ko. Napahinto ako. Napatingin ako sa dinadaan ko na siyang nag pahinto sakin.

Nasa harap ko si C/n, at yung tropa niya. May kasama siyang babae at sakto ng pag lingon ko ulit, hinalikan niya yung babae at kinantyawan naman siya ng tropa niya. Ngumiti pa yung babae at humalik ulit sa kanya.

Para bang dinudurog yung puso ko at nararamdaman ko yung namumuong luha sa mga mata ko. Nabitawan ko yung binili ko at at napalingon naman sila sakin. Nanlaki ang mga mata nila ng makita akong lumuluha sa harap nila.

"Y-Y/n s-sandali-" hindi ko na hinintay ang mga sasabihin niya dahil pinulot ko yung mga nalaglag na gamit, tumalikod at tumakbo na. Wala na akong paki kung ilang beses pa akong maka bunggo ng tao. Masyado na akong nasasaktan. Nakalayo na ako sa kanila. Pero ang sakit parin. Sobrang sakit. Natatanaw pa nila ako at wala na akong pake.

"Y/n ayan ka na pala- holy shit what the fuck happend to you!?" Bigla akong hinawakan ni F/n sa balikat at niyakap. Nag aalala din si C/f/n pero wala na akong pake. Tinulak ko sila parehas at nag dere-deretso pa hanggang sa mabunggo ulit ako.

"Woah miss ok ka lang ba?" Habang lumuluha, napatingin ako sa nabangga ko. Siya pala yung worker sa milktea shop kanina. Sobrang nanghihina na ako. Naramdaman ko namang nanlambot yung buong katawan ko. Biglang sumakit yung ulo ko ng sobra. Parang dinidrill tapos pinupukpok pa ng martilyo. Napa hawak ako sa ulo ko at nanlalabo na paningin ko.

"M-miss namumutla ka po. Gusto niyo po bang- M-miss!" Yun ang huling narinig ko ng tuluyan na akong bumagsak.

F/n's pov

Habang papalayo si Y/n nag aalala kong tinignan si C/f/n. Ano ba nangyari. Maya-maya pa nabunggo siya sa isang lalaki at parang nabigla pa ito. Biglang bumagsak si y/n kaya dali-dali kaming lumapit ni c/f/n.

"Y-y/n! K-kuya ano ginawa niyo sa kanya!?" Tanong ko at tinapunan ng matalim na tingin yung lalami.

"M-miss wala po akong ginawa. Tinanong ko siya kung ayos lang siya pero bigla nalang siyang nawalan ng malay. Mabuti pa po at madala na siya sa ospital." Binuhat niya si y/n at akmang nag mamadaling umalis pero pinigilan ko.

"Gago ka ba baka kung ano gawin mo sa kaibigan ko. Ni hindi ka namin kilala." Galit kong tugon at napatango si c/f/n.

"Miss mamaya na po tayo mag talo dahil yung kaibigan niyo kailangan nang madala sa ospital. Mukhang hidni na maayos yung lagay niya o, sumama nalang kayong dalawa," sabi niya kaya wala na akong nagawa at umoo nalang.

"Sandali, f/n mauna na kayo doon. Itext niyo nalang ako kung saang ospital, may kailangan lang akong gawin." Sambit sakin ni c/f/n. Umoo nalang ako at umalis na kami at dinala na si y/n sa pinaka malapit na ospital.

C/f/n's pov

Alam ko na kung ano nangyari. Panigurado may kinalaman siya dito. Tinawagan ko si c/n at sumagot naman siya.

"Pre asaan ka?" Tanong ko.

"Sa mall pre, bakit?" Tanong naman niya. Agad kong pinatay yung tawag. Sinasabi ko na nga ba. Hinanap ko siya sa loob ng mall at doon ko siya natagpuan sa 4th floor. Kung saan may playground ng mga bata. Kasama niya yung ibang mga kaibigan namin at isang babaeng nakapalupot ang kamay sa bewang niya.

Lumapit ako sa kanila at napatingin naman silang lahat sakin.

"O c/f/n bakit? May proble-" bigla ko siyang sinapak sa mukha at napahakbang siya ng kaunti.

"Gago ka! Ano ba problema mo-" isa pang sapak at binigay ko sa kanya.

"Eh kung hindi ka nga naman ba gago. Habang yung girlfriend mo sinugod na sa ospital ikaw naman tong nakikipag landian sa ibang babae. At kayo? Hinayaan niyo tong mangyari?" Napalingon naman sa iba na nakayuko na at kanina pa wlaang imik.

"S-sinugod si y/n sa ospital?" Nauutal na tugon ni c/n. Habang yung babae naman niya mataray na tinitignan yung mga kuko niya at talagang nagawa pang umirap. Sarap kalbuhin.

"Tss. Mga walang utak," bulong ko at umalis na. Tinawagan ko si f/n para tanungin kung saang ospital sila naroon.

"C/f/n andito kami sa ********* general hospital. Bilisan mo," sabi niya mula sa kabilang linya.

"Sige papunta na ako." At pinatay ko na yung cellphone. Gago talaga, alam na nga niya ang sitwasyon ni y/n gagatungan pa niya ng sama ng loob.

Crush ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon