Capitulus III: More Than Meets The Eye

6 0 0
                                    

Dire-diretcho syang lumabas ng classroom. Hala, saan pupunta to? Ni hindi lang ba muna kami mag-uusap? Nakikinig ba kay maam to?

Ang bilis nya maglakad, kakalabas pa lang ako ng classroom sya nasa dulo na ng hallway. Great, napartner up ako sa isang hollow, yung uri ng kagrupo sa laging nawawala (o pinipiling mawala) pag gawaan na ng project tapos hahanapin nya yung pangalan nya sa ilalim ng submitted by pag pasahan na. Madalas nagkakahollow groupmate ako nung highschool at pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ulit itotolerate yun. Peksman.

Sinigawan ko sya pero mukhang hindi ata marinig. Pangalawang sigaw ko at nakatingin na si Trix kasama yung mga kaibigan nya. Di ko na ‘to papaabutin ng pangatlo. Wala akong magawa, tinakbo ko na yung hallway maabutan ko lang si Quicksilver. Nang mahabol ko tinapik ko sya sa balikat. Bigla syang nanginig, parang natakot ata na nabigla, ewan.

Ang weird, nung nabigla sya feeling ko tinulak nya ako palayo. Ng hindi hinahawakan.

Muntik na ako mapatumba kaya medyo lumakad ako patalikod para makakuha ulit ng balanse. Pagtingala ko nakatingin na sakin si Levi, katulad ng pagtitig nya sakin nung nahuli ko syang nag-do-drawing. Tinatanggal na din nya yung earphones nya. Kaya pala di nya ako naririnig.

“Bakit?”

“Yu-yung project.” Goddamnit Matt, don’t stammer! “Hindi pa ba natin pag-uusapan? I-I mean, mahirap hirap din yun.”

“You sure you want to do this now?”

“Uh, yeah? Bakit?”

“I was gonna approach you a while ago kaso naisip ko baka ayaw mo pa munang pag-usapan.”

“Hindi, okay lang. The earlier the better.”

Ginala muna nya yung tingin nya tapos tumingin sya sa relo nya, bago binalik yung baling sa akin.

“Mamaya na lang. Mga 12:30. May pupuntahan kasi ako.”

12:30?! Lunch break yun, classmate. Hindi ka ba kumakain? Pwes yung mga tao dito kumakain kaya kailangan nila yung 12:30. Pero anong magagawa ko? Sabi nga, ‘Babae yan, dapat pagbigayan’.

“Sige. Sa classroom.”

Without a reply, she turned her back and continued walking. Akala ko tapos na ng bigla ulit sya lumingon.

“And next time, wag mo ko gugulatin. I don’t like that.”

Tumango na lang ako. Gusto ko nga sanang mag Nazi salute e. Hail Hitler bitch, ang bossy ng dating nya. At patay yung boses. Well hindi nga hollow yung kagrupo ko, parang commander in chief lang naman sa pagbibigay ng orders. ‘Mamaya na lang. Mga 12:30. May pupuntahan kasi ako.’ Jeez, ni hindi man lang tinanong kung okay ako sa oras.

Someone pat may back. Kurt. Kasama nya yung ibang mga boys.

“Tara. Dota na.” Nakangiti mula A to Z si tukmol. Nakakapagsaya na sya kasi wala na si Professor Godzilla.

Makakatanggi ba ako? Gusto ko mag-relax by playing basketball kaso walang may dalang bola at lahat kami naka-uniform kaya sa Dota na lang. 10:30 pa lang kasi, maaga pa para sa lunch.

“Kaso brad wag tayo magtatagal ha? Siguro isang game lang. Mag-uusap kami mamaya ni Laurea e. Para dun sa buena manong requirements natin.”

“Ang aga nyo naman mag-prepare. Galawang GC.”

“Hindi. Mahirap lang talaga yung pinapagawa. Tsaka ayoko na mag-rush kaya mas maaga, mas okay.”

“Basta yung sa amin, bahala na si Trix.”

“Tricia? Sasalo ng project? Nako.” Di ko pa pala ata nakukwento sa kanya na si Tricia ang pinaka-unang hollow na nakilala ko sa college.

Di ko namalayan nasa harap na kami ng computer shop. Finally, a sanctuary. Kung saan walang edukadong halimaw, kaklaseng GC lord o kagrupong hollow.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CursesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon