Kabanata 1

10 1 0
                                    

Umihip ang malakas na hangin mula sa kanluran. Ang mga tao ay patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng maalinsangan na panahon. Lahat ay abala para sa darating na kapistahan ng pagdating ng itinakda.

Ang lahat ay nagagalak dahil minsan lang dumating ang ganitong oras kung saan magkakaroon ng kasiyahan. At higit sa lahat ay dahil muli na namang napanatili ang kapayapaan at kasaganaan sa kanilang bayan dahil sa babaeng itinakda ng pulang ibon.

Sa kabilang banda, habang abala ang mga alipin sa paggagayak sa palasyo para sa pagdiriwang, tumatakbo ang itinakda sa pasilyo habang hinahabol ng mga tagapagbantay nito.

"Chesa! Bumalik ka dito! Bawal kang lumabas bago ang pagtitipon!" sigaw ni Tala sa akin. Isa ito sa tagapagbantay ng itinakda ngunit hindi ito basta tagapagbantay lamang.

Mula si Tala sa bayan ng Sugbu kung saan kilala ang mga ito sa pagiging pala-kaibigan at magalang. Maamo ang mukha ni Tala kaya madali kaming nagkasundo dahil magaan ang presensya nya at pakiramdam ko ay may kasama akong kapamilya sa tabi ko pag andyan sya.

Malamlam ang kanyang mga mata at maging ang kanyang mga pilikmata ay mahahaba. Matangos ang ilong at hugis puso ang labi na pag ngumiti ay parang lumiliwanag ang kanyang mukha. Maikukumpara ko ang kanyang itsura sa isang anghel.

"Dito lang naman ako tsaka mamaya pa naman ang pagtitipon. Naiinip na ko sa kwarto ko tapos ayaw mo pang makipag kwentuhan sa akin." inis kong sagot.

Ang itinakda ay may limang tagapagbantay na may kanya kanyang naiibang kakayahan. Ito ang tutulong sa sagisag na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. Pero hindi ko alam bakit kailangan ng sagisag para magkaroon ng kapayapaan sa apat na sulok ng aming bansa. Sila ay hinanap sa bawat bayan at dinadala sa palasyo para hasain pa ang kanilang kakayahan.

May pagtitipon na magaganap para sa itinakda bilang pormal na pagpapakilala sa taong bayan. Ito rin ang simula ng paghahanap ng mga tagapagbantay ng itinakda.

"Iyon ang utos sa akin ng hari. Ayoko nang mapatawan na naman ng parusa sa hindi ko pagsunod sa kanya." inis nitong sagot.

Naalala ko na naparusahan na naman sya ng hari. Ewan ko ba doon. Ako naman ang may kasalanan pero ibang tao lagi ang sinisisi sa mga ginagawa ko.

Si Tala pa lang ang nahahanap ng palasyo sa limang mandirigma na itinakdang kasama ko sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar na ito, kahit na hindi ko naman kailangan non dahil hindi naman ako natatakot sa magiging kapalaran ko.

Ang kakayahan nya ay ang makapasok sa memorya ng isang tao. Sa ngayon iyon pa lang ang na didiskubre nyang kakayahan pero naniniwala ako na may iba pa syang kakayahan na hindi nya alam.

Tumigil na ko sa pagtakbo at humarap kay Tala. Nagulat sya sa aking biglaang pagharap kaya bumangga sya sa akin dahilan para matumba kami pareho.

"Aray naman, Tala. Hindi pa rin ba nagbubunga ang pagsasanay nyo at ang bagal pa din ng paggalaw mo!" sigaw ko sa kanya. Agad naman syang bumangon.

"Pasensya ha! Hindi ko naman sinasadya, kung di ka kasi laging tumatakas edi sana nakakapagsanay ako ng maayos!" sigaw nya pabalik sa akin.

"Bakit ka ba kasi biglang tumigil, Chesa?" tanong nito sakin.

Naalala ko nung nalaman ko na ako pala ang itinakda ng pulang ibon. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang napili eh wala naman akong espesyal na kakayahan o hindi rin ako nagmula sa may nasasabing angkan. Pero dahil lang sa isang balat na tila hugis ibon ay nagbago ang buhay ko. Sa totoo lang hindi ko napapansin ang balat na yon nung bata pa ko tila bigla na lang itong lumabas ng hinahanap nila ang itinakda. 

Ang hari mismo ang pumunta sa aming tahanan at sinabi nyang sumama lamang ako ay ibibigay nya anuman ang gusto ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon tila nawalan ako ng kalayaan na gawin ang naisin ko. Binibigay man nila ang mga bagay higit sa kailangan ko ay hindi naman ito ang gusto ko.

The Legend of PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon