"Pasok mga suki presyong divisoria sampo sampo bente trenta at iba pa"
"Oy pakopya ako ng assignment"
"Ruth bakit ang pangit mo?sarap mong tirisin"
"Gag* ka mahuli lang kita babaun kita sa lupa"
"May quiz daw sabi ni ma'am"
"Hoy kuwitin mo yung sayo wag yung akin"
"Oy may nag aaway pustahan ulit tayo mark"
"Hoy chismosa"
"Wag nga kayo dito maglambingan"
"Wala namang poreber eh mag hihiwalay din kayo"
"HAHAHAHA tan*a dito mo ilagay lagot ka dyan"
"Dorie saan mo dadalhin yan? Tulungan kita"
"Mali yan. Kopyahin mo 'to"
"Tapos kana sa lecture?hanggang ngayon nalang daw yan may score. Mangopya kana"
Yan ang naririnig ko sa bawat building na nadadaanan ko
Hindi na bago 'to para sakin lalo na ang bayanihan para sa grades ng bawat isa. Hindi narin bago sakin ang mga walang hiyang basag ulo na mga lalaki at mapa babae. Hindi narin bago sakin ang malulutong na mura hindi ko na itatanggi na katulad din nila ako pero hindi ako basag ulo, wala pa akong nakakaaway na napupunta sa pakikipagbasagan ng muka.
Takot lang nila sakin.
Ako si sirius vega seryoso ako kaya wag kang ano. 15 years old. Moody. Pero madalas talaga baliw ako hindi natugma sa name ko. Grade 9 student ng JEAG MHS o Justice Emilio Angeles Gangcayco Memorial High School. Ang paaralang inimulat ang aking mata ang paaralang bumago sa'king pagkatao
"Ok class meron tayong gagawing activity igu-grupo ko kayo sa apat. Count one to four"-teacher
"One"
"Two"
"Three"
"Four"
"Five" nagtawanan naman ang mga kaklase ko"Sabi ko one to four lang"-teacher.
Sa klase syempre hindi mawawala ang tanga, ewan ko ba kung nagtatanga-tangahan lang para matuwa ang mga kaklase kong pabibo
Natapos ang klase na puro lokohan, plastikan, katangahan, tawanan, sermon, murahan, walang kwentang discusion ng teacher at may nag grupo pa samin isa lang naman ang gagawa. Sabi nga o sabihin na nating panata ng mga member na 'pahirapan si leader' syempre kung matalino pa ang leader nyo eh hindi kana mangangamba kung meron mali o tama. Sa awa ng teacher ko sakin pinunta nya ako sa matalino. Si Rhaymie sya ang nangunguna sa klase.
Syempre hindi mawawala ang kaklase mo na sipsip nangunguna na dyan si Kyra na lagi nalang kumukulo ang dugo sakin palibhasa ampon ng tita ko like mother like daughter kahit hindi sila magkadugo nagkakaintindihan sila.
Nandito na kami sa bench at hinihintay nalang ang maarteng baklang yun. Nasa cr kase nag salamin pa daw.
"Tara na mga bakla" maarteng sigaw ni Rammeou. Tumakbo naman kami papunta na sa kanya
"Buti naka balik ka pa?"sabi ko sabay tapik sa balikat nya.
"Oo naman. Bakit?"sya na parang nagtataka.
"Akala ko kasi nabaun na yang muka mo sa salamin"
"Grabe ah. Bakit ba kasi wala kayong dalang salamin para kayong hindi mga babae."
"Paki alam mo ba ikaw nga hindi ka na namin pinapakialamanan sa pagsasalamin mo tapos kami papakialamanan mo"sabat ni Janneth
"Oo nga. Tsaka maganda na kasi kami kaya hindi na namin kailangan i check sa salamin kung ok lang yung pes namin" sabat din ni Madonna

YOU ARE READING
End of Life ( zombies )
Hành độngMasaya. Mga ngiting abot hanggang tenga Mga halakhak na ang sarap pakinggan Mga mukang parang walang problema Makikita mo sa bawat sulok ng pa-aralang ito May nagsusuntukan. Naghahabulan. Nagsisigawan. Nagkukuwitan. Nag- iinisan. May PDA. May bully...