"Kringggggggg"
"Palakang higad!"
Gulat akong napabalikwas sa pagkakahiga at tinignan ang walang hiyang nagtapat sa tenga ko ng alarm clock. Nakita ko ang walang modong pinsan ko na tuwang tuwa at nakahawak pa sa tiyan nya.
"HAHA!.palakang higad ka dyan. Bumangon kana malate nanaman tayo. Bilisan mo at may kasalanan kapa sakin" sabay labas at tawa parin ng tawa ang gago
Pumunta na ako sa cr at naligo na, nakakahiya naman sa pinsan kong yun.
Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ay pumunta na ako sa kusina para kumain.
Nakita ko naman ang gwapo kong pinsan na naka uniform na at kumakain na kasama ang lola ko.
Wala bang breakfast sa kanila at parang tigre kung kumain ng hotdog at bacon. Ay oo nga pala no cards no car at no house. Kaya pala dito sya umuwi kahapon kawawang pinsan. Ang hilig kasing suwayin ang mommy nya.
"Manang bakit po kayo nagpapasok ng hayop dito sa mansyon" nakangisi akong tumingin sa pinsan ko na punong puno ang bibig
"Gsabe ko nemyen tesyo- - " pinutol ko muna ang sasabihin nya at binigyan sya ng tubig.
"Nguyain mo muna ng nguyain yan wala akong maintindihan sa sinasabi mo"
Nagsimula na akong kumain habang sya ay ngumunguya at iinom ng tubig buti ay hindi sya nabibilaukan sa dami ng isinuksok nya sa bibig nya. Nagpunas na sya ng bibig nya at tumingin na sa akin.
"Grabe ka naman seryo muka na ba akong hayop ngayon? Eh marami ngang nabihag dito" swabeng sabi ng siraulo kung pinsan .at talagang seryo ang itatawag nya sakin.
"Sirius not seryo. Nabulag clyde not nabihag" pagtatama ko
"Ow harvey harvey crush ka nitong pinsan ko hindi mo ba napapansin na lagi ka nyang - -" hinablot ko ang cellphone na hawak nya i-text ba naman daw si harvey. Bakit hindi din kinuha ni tita itong phone ni clyde.
"Clyde nagbibiro lang naman ako. Ang totoo nga nyan may gusto sayo yung mga kaibigan ko eh pati si kyra hehe" paglalambing ko. Ngumisi naman ang loko alam ko ang ngisi neto may gagawin 'tong hindi maganda
"Gusto ako ng mga kaibigan mo?wow ang dami na palang nagkakandarapa sa pinsan mo sirius dapat sumama ka sakin palagi para may magkandarapa din sayo" utas sa kakatawa ang hayop kung pinsan habang ako nganga sa sinabi nya ang kapal grabe ang kapal talaga.
"Ang kapal ng kalyo mo sa muka clyde grabe. Kahit hindi ako dumikit o sumama sayo alam mo bang naglalakad palang ako eh humihinto na ang mga lalaki at mapa babae sa ganda ko. Feeling ko nga para akong watawat eh" sya naman ang ngumanga sa sinabi ko ako naman ang utas na tumawa. Marunong akong makipaglaro clyde.
"12:00 pm na sirius tara na malalate nanaman tayo napaka yabang mo sirius" tumatawa akong sinusundan sya papunta sa garahe.
"Talo inis talo inis" sinisigaw ko sabay tatawa. Inis syang hinarap ako na kunot na kunot ang noo
"Tumigil ka nga seryo napaka ingay mo nakaka irita kana. Nasaan ba yung sasakyan mo" tumigil na ako sa pagtawa at nakaisip nanaman ng kalokohan
"Bakit clyde nasaan ang sasakyan mo? Binenta mo ba o kinuha ni tita kase may kalokohan ka nanamang ginawa" pinikit pikit ko pa ang mata ko na parang naaawa sa kanya at ngumuso.

YOU ARE READING
End of Life ( zombies )
AkčníMasaya. Mga ngiting abot hanggang tenga Mga halakhak na ang sarap pakinggan Mga mukang parang walang problema Makikita mo sa bawat sulok ng pa-aralang ito May nagsusuntukan. Naghahabulan. Nagsisigawan. Nagkukuwitan. Nag- iinisan. May PDA. May bully...