"Tay! Bilisan mo na diyan!" Natatarantang sigaw ni Mamagurl habang pabalik-balik na naglalakad mula sa kusina papunta dito sa sala.
Ako nama'y kasalukuyang nag-aayos ng aking sapatos. Medyo luma na rin pala itong black shoes ko pero mapagtiyatiyagaan pa naman. Isang school year nalang naman ang nalalabi at magmu-moving up na.
Agad akong tumayo nang matapos kong idiin ang strap ng aking sapatos. Tinupi ko rin ang isa sa tatlong bahagi ng foam naming nanakalatag sa gitna ng sala. Nakahiga pa kasi ang dalawa kong kapatid at mahimbing na natutulog kahit na...
"TAAAAY ano ba! Whooo!" Sigaw nanaman ni Mamagurl na tila nagzuzumba dahil sa tumatagaktak niyang pawis.
Napahagalpak ako ng tawa dahil sa nakita dahilan kung bakit nilingon ako ni Mamagurl nang may nanlilisik na mga mata "Pinagtatawanan mo ba ako bebegurl huh?"
Sakto namang lumabas mula sa nag-iisang kwarto ng aming bahay ang aking matipunong tatay, na nauuna ang tiyan. Agad ko siyang tinuro gamit ang aking hintuturo "Hindi Mamagurl! Si Papaboy yun!" Turo ko sa nagkukusot-kusot pa ng kanyang mata na aking ama.
Binalewala na lamang iyon ni Mamagurl. Siguro'y sobra nang nahihirapan sa pagpipigil ng kanyang tae.
Nahawi ang kurtinang tabing ng aming banyo at lumabas mula rito ang aking lolo nang nakatapis at nanggigigil na bumaling kay Mamagurl. Madugo-dugong sermon at bulyawan nanaman ito. Bulong ko sa aking sarili "Punyetang to akala mo naman katapusan na ng mundo kung makasigaw diyan!"
Napailing-iling na lamang ako nang makitang nagmamadaling pumasok si Mamagurl sa loob ng aming banyo. Maya-maya pa'y bigl itong sumigaw "Yuck! Tay ang baho!" may halong pandidiri sa kanyang tono
"Ikaw Epifania tigil-tigilan mo ako ha! Tatay mo pa rin ako! Saka may tae bang mabango ha?"
Normal sa pamilya namin na maagang-maaga ay nagsisigawan na. "It runs in the blood" ika nga. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ito ang pamilyang pinagkaloob sa akin ng Diyos. Pasalamat na lamang ako at buo ang pamilya ko, may ina, ama, kapatid at may bonus pang lolo! Hindi lahat nabibiyayaan ng pamilya kung kaya't napakaswerte ko.
Hinawi ko ang mahaba kong buhok patungo sa kaliwa kong balikat at inayos ko rin ang aking uniporme, maging ang pink na ribbon nito at belt. Huling taon ko na lamang itong susuutin, malungkot pero sa kabilang banda ay masaya rin
Malapit ko nang matapos ang isang kabanata ng aking buhay
Bumuntong hininga ako at lumapit sa mesa upang ubusin ang kapeng tinimpla ko kanina.
Pinagmasdan ko ang mga kapatid kong nakahiga at magkayakap pa! Kung ganito lang sana sila kahit gising hays...
Kinalabit ko si Papaboy na nasa aking tabi ngayon sa lamesa at sumisimsim sa aking 3in1 na kape "Papaboy! Tignan mo si Bernard at Carina, mukhang mga nagmamahalang tunay" saka ako humagalpak ng tawa.Natawa rin si Papaboy at bahagya akong binatukan pa. Brutal talaga nto!
Tapos na rin naman akong maghanda para sa pagpasok at medyo nagpapalipas na lamang ng oras dahil masyado pa akong maaga para sa aming unang klase.
5:30 AM
Maaga pa nga talaga
Pinanood ko si Ka Tunying mula sa aming flatsreen TV habang nagkukumento siya tungkol sa traffic sa EDSA. Grabe! Ang cute talaga nitong si Ka Tunying! Sana makatrabaho ko siya kapag naging reporter na rin ako. Pangarap ko kasi iyon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at napagpasyahang umalis na para makapasok na rin. Maglalakad na lamang siguro ako para exercise na rin.
Pumunta ako sa harap ng banyo upang kausapin si Mamagurl at humingi na rin ng baon "Mamagurl pahingi na ng baon"
YOU ARE READING
Blame it on the Rain
RomanceAgape- "Divine love" and "The Highest form of Love" There were different types of love one could offer, a love for your family, for you friends, for your enemy and for that special "one". But how could someone differentiate your love for someone? H...