Chapter 2

22 1 0
                                    



"Agape Salazar, KNHS' SSG President, late sa first day of school, ipaparevise ko kay Tope yan, magandang headline to para sa school paper!" bungad sakin ni Jason, na kinorteng parisukat pa ang kanyang mga daliri habang binabanggit iyon

Hindi ko siya pinansin at nanatili na lamang na walang kibo habang nakatingin sa flagpole. Andito kami ngayon sa harap ng Principal's office dahil lahat ng mga late ay dito tinitipon

Agad na binatukan ni Earl si Jason "Gago! Bibinggo ka diyan sige kapag di ka tumigil!" banta niya rito

Bihira lamang akong mainis at sa tingin ko ngayong araw na to ang isa sa mga "bihirang" tinutukoy ko. Simple lang naman yung gusto ko, makatawid sa pesteng kalsadang puno ng mga sasakyan na yun pero di ko pa magawa! Pagkatapos dagdagan mo pa ng lalaking iyon na ni bahid ng pagkagentleman sa katawan e wala yata!

Naiinis ako sa sarili ko pero naiinis din ako sa lalaking iyon! Wag ko lang talaga siyang makita sa school na ito ngayon nako mamasamain sakin iyon!

"Tignan mo nga naman kung sinong nandito" natatawa-tawang sabi ni Sir Sofronio sa harapan.

Kasama ko ay halos benteng mag-aaral ng KNHS na late din at hindi ako maaring magkamali na ako ang tinutukoy ni Sir sa sinabi niya kanina. Tinignan ko siya eye to eye ngunit ako rin ang agad na nagbawi dahil lalo lang akong nairita nang mapansing halos parehas sila ng mata nung lalaking walang bahid ng pagkagentleman kanina.

Humalkhak si Jason mula sa aking gilid "Agape Salazar sir!" at sabay silang tumawa ni Sir Sofronio. Ambaho talaga ng pangalan niya!

Si Sir Sofronio ang SSG Adviser ng school na ito at ako naman ang Presidente nun at bilang Presidente ay nakakahiya na ako mismo ay late at ibig sabihin nun ay hindi ako functional na Presidente

Hinayaan ko silang magtawanan dahil may mali rin naman ako, pero hayaan nilang matapos itong araw na ito!

Matapos ang ilang mga paalala ay pinapunta na kami sa aming mga silid-aralan. Kasabay kong naglalakad ang dalawa kong kaibigang tukmol, sa kanan ay si Jason na umaakbay-akbay sakin habang tumatawa-tawa at sa kaliwa naman ay si Earl na iritableng tinatanggal ang pagkakakbay sakin ni Jason

"Hindi ka makatawid kaya ka late noh?" asar ni Jason sa akin. Nanatili akong tahimik. Paakyat na kami sa hagdan ng building A. Sa second floor pa ang room namin at mula rito'y naririnig ko na ang hiyaw ni Missy

"2 minutes nalang andito na si Ma'am!"

"Tanggalin mo nga pagkakaakbay mo kay Agape!" asar na bulyaw ni Earl kaya napatakip ako ng aking tenga at saka ko sila parehas na siniko sa tiyan

"Bahala nga kayo sa buhay nyo!"

"Lagot ka tol!"

"Ulul! Ikaw yun!"

Nagpamauna akong umakyat at iniwan na silang dalawang hanggang ngayon ay nagsisihan. Ang iingay nakakabwisit!

Ang buong akala ko'y magiging maganda ang araw ko. Ang ganda na nung simula eh. All smiles na! Nakakainis! Dahil dun sa lalaking yun nabura yung ngiti ko at hindi ko alam kung makakangiti pa ba ako ngayong araw na ito!

"Andito na si Agape!" hiyaw ni Missy nang makatapak ako sa bungad ng aming room. Nakapigtail siyang tali na pinuno ng makukulay na san rio ang nakalaylay na buhok. Pumorma rin siya na parang isang cheerdancer na naka "L" ang braso at nagsheshake ang mga kamay nang pumasok ako.

My favorite person

"Good morning Missy" bati ko sa kanya nang nakangiti at agad ko rin siyang niyakap

Blame it on the RainWhere stories live. Discover now