Thalia's POV
"Girls pwede na kayong bumalik sa room nyo" sabi ng adviser namin na si ma'am Julia
Naglalakad na kami ng biglang....
May HUMUGOT?!
"Ganyan naman kayo eh! Lagi kaming iniiwan..." sabi nung classmate kong lalaki, na si Ace
"whooooooa" sabi naming lahat at nag tawanan.
And oh BTW ako nga pala si Thalia Marie Fuentes 17 years old at nag aaral sa school hahahaha k ang corny ko, so ayun nga nag aaral ako sa isang prestigious na paaralan sa buong Pilipinas, ang Middleton University well hindi ko afford tong school na 'to dahil average lang ang pamumuhay namin.
Isa akong hamak na scholar pero hindi ako nerd, hindi rin ako tulad nang nasa ibang istorya na kapag scholar ka lang sa isang prestihiyosong paaralan ay aapi-apihin ka. Sa eskwelahang to lahat pantay-pantay lahat ay disiplinado.
Second sem na ngayon at second year college na rin ako ang kinukuha kong course ay engineering well hindi sa pagmamayabang magaling naman ako sa math 2nd ako sa pinakamagaling dito sa school, at kung itinatanong nyo kung sinong una sa pinakamagaling iyon ang hinahangaan ko I mean ng lahat si Ace Cato Remington.
Lahat ng subjects ay kaklase ko siya I was one of those girls na laging nakaabang sa tuwing dumadating siya. Hindi rin siya tulad nang iba na cold and snobber porker famous ang isang to ay napakafriendly, pinapansin niya ang lahat.
*flashback*
"Thalia"
"o-oh?"
"you know what? You're so cute" nakangiting sabi niya at syempre ako tong si gaga nagblush agad
"a-ah h-hindi naman ako cute ah? "
"yes you are, naaalala ko tuloy ung kapatid ko sayo" nakangiting sabi niya
Naspeechless ako akala ko yon na eh akala ko magkakagusto na eh
"....."
"Thalia? "
"hmmmm? "
"can you be my---? "
"yes I can your girlfr---"
"Babe! " tawag ng isang diyosa sa kanya
"Hi babe how are you? Bat ka nandito wala ka bang class?"
"Actually meron napadaan lang ako dito BTW got a go babe see you later *mwaah*"
"See you, I love you! " nakangiting sagot naman niya sabay naming ng tingin sa akin na nakatulala lang
"As I was saying Thalia can you be my little sister? Alam mo naman sabik ako sa kapatid pagktapos niyang mawala"
"AKO?! Kapatid?! S-sure hehe"
"From now on I'll call you princess and you can call me as your prince"
"owwwkey? "
*end of flashback*
Doon nagsimula ang friendship namin ni Prince or should I say Cato, hindi niya alam na may feelings ako sa kanya and seeing him happy with someone damn bitch! It hurts!
Sa lahat ng bagay makasama kami well should I say sila at third wheel ako. Wala naman akong magagawa eh, isa lamang akong hamak na kaibigan/kapatid para sa kanya.
Hanggang dumating yung point na nakipaghiwalay sa kanya si gurl dahil nabuntis ito ng iba at nung nakita ko siyang umiyak parang gumuho na din ang mundo ko fvck ano swerte na niya kay Cato pero sinaktan niya pa.
At nung mga oras na yon napagdesisyonan kong gagawin ko ang lahat para sumaya ulit siya para bumalik ang prince ko, ang Cato ko and I'll make sure that he will fall for me.
Araw-araw kaming sabay pumasok at umuwi, lagi kaming tumatambay sa paborito naming lugar habang kumakain ng kung ano-ano he's not the other type of guy na maarte porke mayaman at ang tingin niya sa lahat ay pantay-pantay isa iyon Sa mga ugaling hinangaan ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa isang bench dito sa park na paborito naming tinatambayan nagkekwentuhan at nagtatawanan. Natutuwa ako kasi sa loob ng limang taon ay nagawa na niyang ulit tumawa at ngumiti ng totoo hindi tulad noon na pekeng ngiti lang lagi. At sa tingin ko din naman ay nahuhulog na siya sa akin dahil mas naging sweet at caring siya.
"Hmm princess? "
"hmm? "
"May sasabihin ako sayo" nakangiting sabi niya
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, ito na
finally....
Nangingilid na ang mga luha ko
"Binalikan na niya ako.... "
And with that unti-unting tumulo ang luha ko
I knew it! Kaya pala nakakatawa at nakakangiti na ulit siya hindi pala dahil sakinDAHIL PA RIN PALA SA KANYA
Ang assuming ko naman kasi masyado porket ang sweet sakin ay may malisya na yan tuloy nasasaktan ako ng sobra. Tsaka ko lang naisip na kaya siguro ang caring niya sa akin dahil nga pala KAIBIGAN AT KAPATID na rin ang turing niya sa akin.
Ngumiti siya ulit sabay sabing
"Magpapakasal na rin kami bukas na bukas" masayang sabi niya
Nag-uunahan na namang lumabas ang mga luha ko at unti-unti niya itong pinupunasan habang nakangiti pa rin
"I'm happy for you"
"I know kaya ka nga umiiyak di ba? " masayang sabi niya na tila expected niya ang magiging reaksiyon ko
Niyakap ko siya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit at sinabi kong "My prince you deserve to be happy....But please let me to fall for you...K-ka-kahit *sob* kahit sa malayo lang, please let me okay?"
He was shocked but then he just nod ngumiti naman ako at sinabing
"I love you my prince, my Cato and I fell for you since then
GOODBYE.... " umiiyak kong sabi sabay takbo
Doon ko natutunan na dito pala sa mundo ay hindi laging happy ending sa kwento ko masaya naman ako masaya akong makita siyang masaya sa iba.
Sabi nga
IF YOU LOVE SOMEONE, LET THEM GO
IF IT COMES BACK TO YOU, THEN IT'S YOURS FOREVER, AND IF DOESN'T THEN IT WAS NEVER MEANT TO BE-
THE END-
