Chapter 3

1.4K 43 0
                                    

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"The reason why I broke up with you because of your father."

"Ano naman kinalaman ni papa rito?"

"He talked to me before na hiwalayan kita kung hindi ko daw gawin ay masisira ang pangalan namin. Ayaw ko naman mangyari iyon dahil kung malaman ni papa ang tungkol doon, ako ang malalagot. Bilang kakaisang anak na lalaki kaya sa akin umaasa si papa."

Tatlo kami magkakapatid, ako lang ang lalaki at bunso pa ako. Ang kinaiinisan ko lang ginagawa akong manika ng dalawa kong ate noong maliliit pa kami.

"Kaya mas pinili mo ang makipaghiwalay sa akin? Mas pinili mong ako ang magalit sayo kaysa ang papa mo?"

Tumango ako sa kanya.

"Kahit masakit sa akin ang magdesisyon. Kahit hiwalay na tayo ay sinusuportahan pa rin kita sa mga pangarap mo. Kung ano ang desisyon mo rerespetuhin ko."

"Ano ba ang sinabi ni papa sayo?"

"Magiging sagabal ako sayo kung hindi kita hiwalayan. Masisira lahat na mga pangarap mo." Ngumingiti na lang ako. Mukha akong tanga na ngumingiti na walang dahilan. "Kung hindi tayo naghiwalay wala ka kung ano meron ka ngayon, Sie. Kahit alam kong galit ka sa akin. Hindi ko hilingin na patawarin mo ko sa ginawa ko. Alam kong ang tanga ko dahil winasak ko ang puso ng isang mabait na babae na katulad mo. Naging masungit ka lang ng dahil sa akin. Ako ang dahilan kung bakit ka ganyan ngayon. Ayaw ko na rin ang umasa, Sie."

Akala ko matatag akong tao dahil ni minsan ay hindi ako umiyak. Sa buong buhay ko ngayon lang ako umiyak.

Ngayon ko lang napansin na mahina pala akong tao. Mali ako nakilala sa sarili ko, siguro tao pa rin ako pag nasaktan iiyak. Hindi naman ako robot na walang pakiramdam.

"Sa tagal na natin magkakilala, ngayon pa lang kitang nakitang umiyak, Liam."

"Hindi ako manhid, Sie. Kahit pa paano ay tao pa rin ako. May pakiramdam kaya pag nasasaktan na ako ay umiiyak na rin."

"You told me you still love me."

"Yes, totoo iyon. Kung mahal kita noon, mas minahal kita ngayon. Kahit anong limot ko sayo ikaw pa rin ang nakikita ko. Naiisip ko baka may dahilan kung bakit hindi kita makalimutan. Tama nga ang hinala ko dahil may anak pala ako sayo." Pinunasan ko na ang luhang tumutulo sa mga mata ko. "Kung may pagasa pa ako diyan sa puso mo, lalaban ako para makuha ulit ang tiwala mo sa akin. Kung wala na talaga at kung may mahal ka ng iba, hindi ko na pipilitin ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin."

"Simulang naghiwalay tayo hindi na ako naniniwala sa love-love na iyan. Dahil ayaw ko na ang masaktan pang muli. Tama na ang isang beses na masaktan."

"If you give me a second chance. Magsimula ulit tayo sa simula, Sie. Let's be friends."

"L-Let me think about it."

"Okay, take your time. Hindi naman ako nagmamadali."

-----

"Ano ang nangyari sayo? Problemado ka ngayon, Liam."

"May aaminin ako sayo, Seb."

"Ano iyon? Bakla ka?! Ayos lang iyon. Tanggap pa rin naman kita."

"Gago. Hindi iyon."

Ganyan ba talaga kung kasal na? Nagiging sira ulo. Hindi naman ganyan si Seb bago niya nakilala si Loisa.

"Pinapatawa lang kita. Kaibigan kita, Liam kaya nasasaktan na rin ako pagnakikita kitang nasasaktan." Ngumiti ako sa sinabi ni Seb. Alam ko naman naiinis na rin sa akin noon si Seb dahil ang kulit kong tao pero mukhang nasanay na rin sa kakulitan ko. "Ano ba iyon?"

"Naalala mo yung sinabi ko sayo na may naging girlfriend ako noon?"

"Oo, naalala ko pa rin. Ano meron sa kanya?"

"Nagkita kami. I mean, siya yung bago kong boss."

"Wow. Tadhana nga naman. Musta naman ang pakikita niyong dalawa?"

"Hindi maayos. Galit siya sa akin at palagi niya akong pinapahirapan. Kahit nga day off ko ay kailangan ko pang pumasok para hindi siya magalit sa akin. Kaso may problema."

"Ano ang problema?"

"May anak kaming dalawa. May nangyari kasi sa amin bago kami naghiwalay. Wala akong ideya na may bunga pala. Kanina ko lang nalaman na may anak kami."

"Nakausap mo na ba siya? Kailangan niyo magusap na dalawa. May responsibilidad ka sa anak niyo."

"Yup, nakausap ko na siya at kilala na rin ako ng anak namin bilang ama niya."

"Good for you. Kaya dapat magbagong buhay ka na."

Nagustuhan ng naging kliyente namin dinesign namin sa pinagawa niyang bahay. Kaya ito ngayon ay nagyaya yung ibang kasamahan namin ang magdiriwang. Pumayag na rin ako dahil wala rin naman ako gagawin sa bahay.

"Ma'am, join with us." Pag alok ni Bry kay Sierra. Hindi ba siya natatakot kay Sierra?

Nakita kong tumango si Sierra. Pumayag siya? Himala.

Pumunta na kami ngayon sa club. Nagkasiyahan na kami, yung iba nga sumasayaw sa dance floor. Pero naiwan kami ni Sierra sa table namin.

"Bakit hindi sumasali sa kanila?" Tanong ni Sierra sa akin. Tuloy pa rin ako sa paginom.

"Hindi naman ako party pooper pero alam mo namang hindi ako mahilig sa mga parties. Pumayag ako na sumama sa kanila dahil ayaw kong tatawaging Kill Joy." Tumingin ako sa kanya kahit madilim ang paligid namin. "Eh, ikaw?"

"Alam mo rin naman hindi rin ako mahilig sa mga parties lalo na sa katulad nito. Pumayag lang ako kanina para tigilan na nila ako."

Sinungaling talaga itong si Sierra.

"Gusto rin kitang makausap."

"Tungkol saan naman?"

"Pumayag na akong bigyan ka ng pangalawang pagkakataon. Pero sana ngayon hindi na maulit ang nangyari noon."

"Pangako hindi mauulit ang nangyari noon."

"Sorry for being so rude. I'm Sierra Chua." Nilahad niya ang kamay niya. Hinawakan ko naman iyon para makipag handshake.

"Liam Cruz."

"Nice to meet you, Liam."

"Likewise." Binitawan ko na ang kamay niya. Baka kasi magalit pa siya sa akin pag hindi ko binitawan.

"Maraming babae diyan. Bakit hindi ka kumuha? Hindi katulad noon may kasama ka."

"Hindi ako interesado sa kanila. Kaya lang naman ako may kasamang babae noon dahil ang kukulit nila kahit sabihin kong ayaw ko na may kasamang babae dahil isa lang ang gusto ko makasama. At ikaw iyon, Sie."

"W-Wag mo nga ako lolokohin, Liam. Kung ayaw mo bawiin ko ang pagpayag kong bigyan ka ng pangalawang pagkataon." Tugon niya sa akin. Kahit malakas ang music dito ay narinig ko ang sinabi niya.

"Hindi kita niloloko. Totoo ang sinabi sayo dahil hanggang ngayon ikaw talaga ang mahal ko. Siguro naalala mo naman dahil ito ang pangatlong beses na sinabi ko sayo na mahal kita." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, ni hindi nga siya lumayo sa akin. Sa tingin ko gusto niya rin ang gagawin ko. Ngumiti ako sa kanya bago ko siyang hinalikan. Gusto ko nga ulit ngumiti noong tumugon siya sa halik ko.

Isa lang ang masasabi ko.. hanggang ngayon ay mahal pa rin ako ni Sierra. Ayaw lang niyang sabihin sa akin dahil ayaw niyang masaktan ulit. Hindi ko rin naman siya masisi.

"W-What's that for?" Namula na ang pisngi niya.

"A kiss. Apat na taon ako nagtiis na halikan ka ulit.. But I won't say sorry for what I did."

"Idiot! Wala tayong relasyon kaya wag mo ko hahalikan diyan!"

Ngumiti ako sa kanya.

"Sabi ko nga sayo kung binigyan mo ko ng pagkakataon gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako. Hindi ko ito ginagawa para kay Scott, kundi para sa ating dalawa."

My Grouchy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon