Chapter 12

1.1K 32 0
                                    

"So, kailan mo balak magpropose sa kanya? Ngayon ay magkakaroon ulit kayo ng anak." Sabi ni Seb. Bigla na lang siya tumawag sa akin kaya naikwento ko sa kanya ang lahat.

"Soon. Hindi ko pa masabi kung kailan. Kayo ba ni Loisa, wala ba kayong balak sundan si Varis?"

"Isang taon pa lang si Varis. Kaya wala pa sa plano namin ni Loisa na sundan siya. Isa pa nga lang hirap na kami magalaga, susundan pa." Tumawa ako sa reaksyon ni Seb. Nahiya lang sabihin sa akin pero alam kong hindi iyan ang dahilan. "Basta wag mo ko kalimutang imbitahin sa kasal niyong dalawa ni Sierra ah. Kung kinalimutan mo ko, sermon ang matatanggap mo sa akin."

Geez. Yung totoo, Seb lalaki ka ba talaga? Para kang si Sierra. Kung hindi ko alam na may kakambal ka baka isipin ko si Sierra ang kapatid mo dahil pareho kayo ng ugali na dalawa.

"Hinding hindi kita kakalimutang imbitahin sa kasal. Ikaw unang ilalagay ko sa listahan."

"Okay na iyan. Saan niyo ba balak?"

"Wala pa ngang proposal, lugar ng kasal agad."

"Sorry, excited na kasi ako makitang ikakasal ka, Liam."

Hindi ko pa kasi alam kung kailan ko yayain magpakasal si Sierra. Kailangan sa isang romantic na lugar ko siyang dalhin.

Pero hindi pala namin pwede iiwan si Scott sa bahay. At mas lalong hindi ko namin siya isama dahil date namin ni Sierra ito at sa gabing iyon ay yayain ko na siya.

"Bukas yayain ko na siya magpakasal sa akin. Tutuparin ko ang dream wedding niya."

"Bukas? May singsing ka na ba?"

Oo nga pala, kailangan ng singsing para sa pagpropose. Bakit ko iyon nakalimutan?

"Bukas na rin ako bibili ng singsing. Sarado na yung jewelry shop sa mall."

"Geez, Liam, wag mong sabihin nakalimutan mo tungkol sa singsing. Mabuti na lang nabanggit mo."

"Sorry na. Halo-halo na kasi ang iniisip ko ngayon."

"Huwag mo na muna iyan isipin ang mga iyon ngayon. Ang isipin mo kung paano ka magpropose kay Sierra."

Tama si Seb dapat ang isipin ko ang pagpropose kay Sierra, hindi yung ibang bagay. Gusto ko memorable sa amin ang mangyayari bukas

-----

"Ano ang ginagawa natin dito?"

"I'm going to ask you out. You and me. Kaya ipapaiwan na muna natin si Scott sa bahay ng kapatid ko." Pinindot ko na yung doorbell at agad naman binuksan ni ate Catherine. "Hi, sis."

"Unexpected visitor. May kailangan ka, Liam?"

"Dito na muna si Scott, ate."

"May pupuntahan ba kayo magasawa?" Tumango ako sa kanya. "Sige, dito na muna ang anak niyo."

"Thank you, sis. Susunduin namin siya mamaya pagkauwi."

Sumakay na kami sa kotse, dahil medyo malayo yung restaurant sa bahay ni ate Catherine.

"Ano ba ang gagawin natin?"

"Date." Sagot ko. Sa daanan pa rin ang tingin ko.

Hinawakan ko ang isang kamay ni Sierra.

"Nagugutom na ba kayo ni baby? Mukha kasing maiipit pa tayo sa traffic."

"We're fine. Hindi pa naman kami gutom."

Damn. Nawala siya sa isip ko Friday pala ngayon

Kalahating minuto rin kami naipit sa traffic, mabuti nga nakarating kami agad. Dahil masasayang lang ang reservation ko.

My Grouchy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon