CHAPTER 1.2
Sheena’s POV
Nasa room na kami ngayon ni Andi. At room97 pala kami. Haha. Di ko na talaga kakalimutan ang room number namin. ^__^
At dun naman sa lalaking mayabang na bumato sakin ng bola na hindi man lang nagsorry, syempre galit pa rin ako sa kanya! Tuturuan ko talaga sya ng leksyon pag nagkita pa kami. At sisisguraduhin kong magsisisi sya sa ginawa at sinabi nya. Grrr!
“Good morning class. I guess your new classmates are here now.”
Nandyan na pala yung teacher namin. Hmm.. Parang mabait naman sya. Sana di terror. :)
“Miss Bañez and Miss Reyes, please come here in front and introduce yourself to the class.”
Pumunta naman kami ni Andi sa unahan at nagpakilala.
“Hello po. My name’s Andi Bañez.”
“Hello. I’m Sheena Mae Reyes.”
“Thank you Ms. Reyes, Ms. Bañez. You may now take your seats.”
At nakapag introduce na nga kami. Napansin ko rin na lahat ng boys nakatingin samin. Haha. Syempre naman. Sino ba namang hindi napapatingin samin? Sa ganda naming to? Ehem. Lakas ng hangin. Haha :D
“So, Mr. Suoh is excused today. And Ms. Reyes will be his new seatmate now.”
Hmm.. sino naman kaya yung Mr. Suoh? Unique na apelyido ah. Ngayon ko lang narinig. Sana gwapo. Hahaha :D
Naglesson na si Ma’am. Blah blah blah. And after 3hours na pagpapasyon ng mga teachers, sa wakas! Breaktime na. :3
Pumunta kami ni Andi sa canteen para bumili ng snacks tapos dumiretso na kami sa garden para dun kainin yung mga pagkain namin. Maganda kasi ang view dun at fresh ang hangin. :)
Nakaupo kami sa bench ng biglang nagtanong si Andi. . .
“So Sheen, pwede mo na bang ikwento sakin yung nangyari kanina? Bakit ka ba nabato ng bola? Tsaka sino ba yung bumato sayo ng bola? Hmm..”
Nako naman Andi, pinaalala mo pa yan. Mas lalo lang akong naiinis pag naaalala ko yung lalaking yun. >.<
“Ganito kasi yun, hinanap kita sa soccer field kanina kasi nakalimutan ko yung room number natin. Naglalakad na ako nun sa field nang may tumama saking bola. Ok lang sakin yun eh, kaso lang . . . grr! Nakakainis yung lalaking yun!”
“Bakit? Ano bang ginawa nya?”
“Ipinamukha nya lang naman sakin yung katangahan ko daw! At kasalanan ko pa raw na natamaan ako ng bola! Isa pang kinaiinisan ko sa kanya is, di man lang sya nagsorry!! Grr!”
“Nako best, chill ka lang. Baka sumabog ka sa galit. Eto oh, juice. Para naman huminahon yang mga nerves mo.” Sabay abot sakin ng juice.
Haayy. Buti nalang talaga at nandito yung bestfriend ko. Dahil kung hindi, napamurder ko na yung lalaking yun!! Pero syempre joke lang yun. ^___^V Di naman ako brutal. :)
FASTFORWARD
Tapos na yung class namin ni Andi at nandito kami ngayon sa tapat ng bulletin board kung saan naka-post lahat ng mga announcements at adds sa school.
*poke*
.
.
*poke*
.
.
*poke*
“Ano??” -> Andi
BINABASA MO ANG
Sakura Kiss
Teen FictionA bitter past erased by time. Wounds covered with lies. Will her prince bring back the memory that was lost? Or will it all be gone forever?