Chapter 4: My Seatmate Is A Nuisance

15 0 0
                                    

CHAPTER 4 : My Seatmate Is A Nuisance

Sheena’s POV

Ako? May gusto kay Anthony?? Nakow! Wala noh! Sino ba ang magkakagusto sa lalaking tulad nyang arogante at mayabang? Isa pa, hinding hindi talaga ako magkakagusto sa kanya dahil. . . . haha nevermind ^^,

Papunta na kami ni Andi sa room namin pero di pa rin maalis sa isipan ko yung nakita ko kanina. Sino ba yung babaeng kasama ni Anthony kanina? Hindi naman sa nagseselos ako. Eww! Ako, magseselos? Never! Curious lang talaga ako kasi sa tingin ko, si Anthony yung tipo ng lalaki na hindi nakikipagHHWW. Mukha kasi syang . . . hmm. . . monster? Haha. Joke lang. Basta. Parang may kakaiba lang talaga. At isa pa, bakit parang feeling ko matagal ko nang kilala si Anthony? Weird.

KRRIIINNGGG !!!

Sakto namang nasa loob na kami ng room nang nagbell. Math na ang next subject namin. My favorite subject ! ^^,

“Good morning class”

“Good morning sir”

“Be seated”

So umupo na kami. Alangan namang nakatayo pa kami. Be seated na nga daw diba. Napansin ko naman na wala pa yung nakakainis kong seatmate. Di naman sa concern ako ha, napansin ko lang na wala sya. Yun lang. Period.

Nagsimula nang magdiscuss si Mr. Bayola sa lesson namin nang biglang dumating si you-know-who. Anthony.

“Oh uhmm.. Good morning sir”

“Mr. Suoh you are 15 minutes late”

“Yes sir. I know”

Whoah! O_O sumasagot pa sa teacher oh. Late na nga.

Nakita ko naman na inilagay ni sir yung isang kamay nya sa may noo nya at parang hinihilot ito at nag-sigh. Get the picture?

“Ok Mr. Suoh. Take your seat. And next time, don’t be late”

Huh? Bat ganun? Diba usually kapag late na ang isang istudyante, 3 minute sermon ang matatanggap nya or pinapaupo sa may front seat katabi yung teacher o minsan nga, di na pinapapasok sa classroom at mina-mark nang absent? Diba? Dibaaa? Ganun yung patakaran sa dati naming school eh. Eh bakit si Anthony hindi man lang napagsabihan? Unfaiiirrr! Sermonan mo sya sir! !

Tinitingnan ko si Anthony habang papunta na sya sa seat nya na katabi ko naman. Seatmate nga kami diba? BTW hindi lang naman ako yung nakatingin sa kanya huh. Lahat kaya ng classmates ko nakatingin sa kanya. Late kasi diba? Kaya all eyes sa kanya.

Nakaupo na sya pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ko pa sya tinitingnan. He caught me staring at him and . . . he flashed me a killer smile!

Wait. What did I say? Killer smile? Mali pala. Hindi yun killer smile. Eh labas yung 32 nyang ngipin eh! Di, joke lang ^^ Di naman talaga killer smile. Smile lang. Gets?

So much for the smile thingy, I just rolled my eyes at him. Syempre! Alangan namang magdrool ako. Yuck! Eh nakakasulasok yang mukha nya. At isa pa, parang artificial lang naman yung ngipin nya eh. Pustiso. Hahaha :D

A/N:

 Sheena, kung makalait ka naman, WAGAS!

Nagbigay naman ng short quiz si sir after nyang magdiscuss. The test was easy as pie. Infact, in 5 minutes natapos ko kaagad yung test.

“Pst”

“Hey”

“What?!!” -> Ako

“Number 8. Anong answer?”

“Solve it by yourself!” :P

Huh. Ano sya, sinuswerte? Eh ang dali dali lang naman ng test eh.

Sakura KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon