Chapter 1

13 1 0
                                    

"Nahihibang ka na ba?"

"Ma, mahal ko s'ya!" Ate Jen.

"Isa kang malaking kahihiyan sa pamilyang ito! Hindi mo na inisip ang kapakanan ng pamilya mo! May mga anak ka at asawa tapos sisirain mo lang ang sarili mong pamilya dahil sa demonyong babae na iyon?! Ano bang pumasok dyan sa kukote mo at nakipagrelasyon ka sa kapareho mong kasarian? Ha!!?" Halos mapatid ang mga ugat ni papa sa leeg dahil sa galit.

"Pa intindihin n'yo naman sana ako, hindi ko na mahal si Jay at saka mayaman naman ang girlfriend ko, nangako sya na tutulongan nya ako dito sa abroad, hirap na hirap na ako. Apat na taon na akong OFW dito sa Jordan, hindi ko na matiis ang mga panlalait ng mga amo ko" Tuloy- tuloy ang pag-agos ng luha ni Ate Jen at wari'y nagsusumamo na pakinggan at tanggapin ang kanyang desisyon na makipagrelasyon sa isang Lesbian.

"At anong mangyayari sa mga anak nyo? Lalaki silang walang pamilya?" tiim bagang sabi ni papa.

"Kukunin ko sila..."

" Tigilan mo nga ang kahibangan mo Jenny!! Sa tingin mo papayag si Jay sa gusto mo?" Pabulyaw na tugon ni Mama.

"Ma, kukunin ko ang mga anak ko sa ayaw't sa gusto nya"

"Sa tingin mo hahayaan namin ang gusto mong mangyari!?"

"Ma! Anak ko sila, may karapatan ako sa mga anak ko!"

"Wala akong pakialam sa karapatan mo, may karapatan rin naman ang asawa mo. Si Jay ang halos nagtustus ng pangangailangan ng anak nyo, linggo- linggo sya nagpapadala at bukod pa dyan umuuwi sya kapag may importanteng okasyon sa school"

" Nagpapadala rin naman ako ah, mas malaki pa ang pinapadala ko"

"Czedric, e-end call mo na yan, walang magandang patutunguhan ang usapan na ito" Mariing utos ni Papa sa akin.

"Uuwi ako diyan, kukunin ko ang mga anak ko" Mangiyak-ngiyak na usal ni ate.

"Czedric e-end call mo na sabi 'yan!" Pabulyaw na sabi ni papa sa 'kin.
"O-opo pa..." clinick ko ang end call button ng skype.

" H'wag na h'wag mo ng kukontakin ang ate mo ha? Hinding-hindi s'ya makakapasok sa bahay na ito hangga't di tumino ang babaeng 'yan'" sabay alis ni papa.

Aaminin ko, kinasusuklaman ko ang mga taong nakikipagrelasyon sa kapareho nilang kasarian. Biglang nag-iba ang pananaw ko kay ate dahil sa ginagawa n'ya. Pero hindi ko sya matiis na pabayaan dahil simula't sapol pa lang, kami na ni ate ang magkasundo sa aming magkakapatid.

Maganda, matangkad, maputi at higit sa lahat napakalambing ni ate sa akin. No'ng nandito pa s'ya, lagi n'ya akong kasama kapag gumagala sya sa mall. Minsan nga napapagkamalan kaming mag syota dahil sobrang malapit kami sa isa't isa.

‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡

Bandang alas kwatro ng hapon, nag-chat sa akin si ate:
: "Ken, tulungan mo naman ako please, uuwi ako bukas kasama ang GF ko para makita ang mga anak ko" 'yan ang chat nya sa akin. Nakita ko na active now ang status ng messeger n'ya.

"Ate, galit na galit sina papa at mama sa'yo, ayaw nga nila akong nakikipag-usap sa'yo, ano ba kasi ang nangyayari sa'yo?" reply ko sa kaniya.

"Ken, pati ba naman ikaw magagalit sa akin?"

"Ate, may mga anak kayo, di ba parang napakaselfish mo naman kung pagkakaitan mo ng kumpletong pamilya ang mga anak mo?"

"Gusto kitang makausap para humingi ng pabor hindi para humingi o pangaralan mo ako, kung ayaw mo akong tulungan, sa iba na lang ako hihingi ng tulong"

Bizarre Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon