Chapter 4: Silverland Company

15 1 0
                                    

Jumin POV

Nagising ako ng maaga kasi ngayon ang simula ng OJT ko. 5am pa lang ng umaga gising na ako. Ginising ko na rin si yaya nel para mag luto ng almusal ko.

Pagbukas ko ng pintuan ko ang sya ring pagbukas ng katabi kong kwarto.

"Good morning " Nakangiti nyang bati. Ang pogi nya kahit magulo ang buhok nya.

"Tsss " inirapan ko lang sya.

"Sungit mo naman, ako nanga itong nagmamagandang loob"

"Wala akong pakialam"

"E di wala rin akong pakialam sa iyo, tabi nga sa daanan, haharang harang pa"

"Hoy! Loko ka ah sayo itong bahay ha? Sayo? Kapal ng mukha nito" tuloy-tuloy lang sya pababa, arrrrgh nasira na ang araw ko, ki aga-aga pa naman leche!

"Jumin bakit ang ingay mo?" Tanong ni Justine ang magaling kong ate. Kakagising lang rin nya.

"Bhe, anong meron" ew yuck, bhe daw? Tawagan nila yon ng ate ni... Czedric ken daw?
"Ah wala naman" tugon ko
"Ma'am Jumin luto na po, gising na rin po pala kayo maam este sir justine, baba na po kayo para mag almusal" Usal ni yaya Nel.

"Sige po yaya susunod kami, maghihilamus lang po muna kami" pumasok na sila sa loob at ako naman humayo na sa kusina. Padating ko sa kusina may kumakain na. Guess who? Syempre yung feeling na may ari ng bahay na ito, kapal din ng mukha nito.

"Wow, nauna ka pa talaga sa amin"
"...." No response. Seryoso sya sa pagkain.
" Takaw naman" saad ko pa.
"... ..." Again no response. Aba inisnob ang beauty ko.

"Hoy sabi ko takaw mo naman" tinapik ko sya nainis na ako.

"Jumin anong ginagawa mo sa kanya"Biglang nagsalita si Justine kaya agad kami napatingin sa kanya.

"Ms.justine sya kasi ayaw ako pakainin, patay gutom daw ako at matakaw tapos pinapaalis nya pa ako dito sa bahay nyo. Lagi nya akong sinusungitan at sinisigawan. " NAKA NGANGA LANG AKO, Diridiritso nyang sabi para di ako makasingit.

"Totoo ba iyon jumin? Bahay ko ito kaya ako ang masusunod dito, bakit mo naman pinagsabihan ng masasamang salita si Czedric? Kala ko ba ayos kayo?"

"Of course not! Hoy bwisit ka nag imbento ka na naman ng storya, napakasinungaling mong tao bwisit ka!" Pasigaw kong sabi sa bwisit na lalaking ito. Sa lahat ng sinabi nya, ang totoo lang doon ay yung matakaw na salita the rest imbento nya punyetang lalaki nato, pahamak kahit kailan.

"Jumin shut up, mag usap tayo mamaya, humingi ka ng sorry sa kanya"

"What? No! Wala akong ginawa sa kanya"

"Magsosory ka o wala kang allowance at higit sa lahat di ka makakapag OJT sa company na nais mo" nang threatened pa tss .Di na ako nagsalita pa kasi galit na si ate, ate ko pa rin sya at saka nasa kanya lahat ang responsibilidad pagdating sa mga ari-arian namin dito sa pilipinas kasi ang mga magulang namin nasa Australia due to business.
"Sorry.." Usal ko ng wala sa loob ko. Kumag naman walang pakialam,buti naman kung ganon.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan.

"Ate, saan ba pwedeng mag OJT dito sa manila? Wala pa kasi akong pwedeng mapasukan" tanong ng mokong na ito sa ate nya.

"Nga pala bhe pwedeng sa pag o-OJT-han na lang rin ni Jumin mag OJT si Czedric?" Sabi ni Jenny

"What?No!" Sigaw ko

"Jumin! Why the hell are you shouting, I said shut up!" Sigaw nya kaya ako naman parang pagong at maamong tuta na yumuko sa pagkain.

"No problem, pwedeng pwede sya doon since naghahanap pa sila ng mga employee but still they are accepting intern"
"Great, so pwede ka nang sumabay kay Jumin ngayon" Suggest ni Jenny.

Bizarre Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon