Chapter 3

16 0 0
                                    

"Hmmmm" ungol nya.

" uminom ka muna ng gamot, teka lang kukuha ako ng tubig at gamot"

   Pumunta ako sa kusina at nagdala ng tubig sa kwarto ko.

"Ito na oh, uminom ka muna, leche ka ginagawa mo na akong alipin ah! "

    Inalalayan ko sya umupo saka ko pinainom ng gamot at tubig.

"A-aray hwag mong hahawakan sugat ko sa likod"

"Ow sorry, oh bakit dumudugo?"

" Tanga ka ba o nagtatangatangahan lang? Kita mo nang sugat syempre dudugo yan magtaka ka kung tubig ang lumabas dyan malamang faucet 'yan"

"Pilosopo ka rin noh? Pasalamat ka may sakit ka, DAPA!"

"HA? Bakit? Gagahasain mo na ako nyan?" This punk! Napipikon na ta laga ako, babasagin ko na tlaga ang mapula,kissable at nakakatakam na lab--  HAISH PWE LECHENG ISIP ito.

"Gago! Kapag di ka tumigil sa pagsasalita dyan at sa mga kalaswaan mo hindi ko na talaga gagamotin ang sugat mo, may sakit ka nga lakas pa rin ng sapok mo sa utak,  Dadapa ka o hindi ko na gagamotin sugat mo at lalayas ka sa kwartong ito."

"Aba syempre dadapa na lang"

"Hep hep bakit naghuhubad ka?"

"Para hindi ka na mahirapang hubaran ako o baka gusto mo ikaw humubad sa akin?" Lumapit sya sa akin at itinaas ang dalawa nyang kamay, nagpapahiwatig na itaas ang t-shirt nya.

"Tss eww yuck, ikaw na"
"Maka yuck 'to, pero sa isip mo natatakam ka na eh"
"WHAT? KADIRI KA, MAKALAYAS NA NGA..."Bigla nya akong pinigilan.
"ITO naman di na mabiro hehehe, joke lang, gamutin mo na ako". Eeeeh bakit ang pogi nya pagnakangiti? Hihi OH the hell on earth, erase that sucks thought!
      
" Susunod rin lang naman pala dami pang sinasabi" Usal ko habang sya naman ay nakadapa na sa kama. Kita ko ang namamaga nyang sugat sa likod,mamula-mula at may namilog na dugo sa loob. Lumapit ako sa kanya at kumuha ng panlinis sa sugat. Ang kinis ng likod, maputi, kalalaking tao parang coca-cola body, matikas, mahaba ang pangangatawan. WAIT WAIT lagi na lang ako tinatrahidor ng isip ko, bwisit kang isip ka. Remember kaaway sya, hindi kakampi.

"Aray dahan-dahan naman! "

"Ow sarreh" naduklit ko kasi yung laman nya.

"May namuong dugo sa gilid ng sugat mo kaya hihiwain ko ng kunti para makalabas ang dugo"

"T-teka lang masakit yan! Aray sabing masakit eh!" Bigla ko kasing hiniwa, papalag pa eh.

"Wag ka ngang naninigaw dyan, tapos na oh"

"Tss, pakitakpan na ang sugat ko, nilalamig na ako" Nakabukas pala kasi yong aircon.

"Leche ka, ginawa mo akong muchacha, bwisit!" Nakangiti syang nakatingin sa akin, may sapak talaga sa utang ang lalaki ito.

"Problema mo?"
"May namomroblema bang tao na nakangiti?"

"Oo ikaw, baliw"
"Sayo 😉" sabay kindat

"Omoo ! Kadiri ah, lumayas ka na nga sa kwarto ko matutulog na ako"

"Ayaw ko, dito ako matutulog"
" punyeta ka lumayas ka na sa kabilang kwarto ka matulog"

"Ayaw ko don may bakla don"
Ay oo nya pala nandon pala si stefan hahaha natatawa ako kapag naiisip ko  yong nangyari kanina.

"Kapatid ko iyon, kayo na ang magtabi, wala naman mawawala saiyo kung magtabi kayo sa pagtulog, dali na kasi inaantok na ako may pasok pa ako bukas sa trabaho" Hinila ko sya palabas ng kwarto, medyo nanghihina na sya kasi maysakit nga sya.

Bizarre Devoted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon