The Farmer's Son

1.4K 28 4
                                    

Ako nga pala si Edgar Porte isang anak ng magsasaka. Ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Ed.

Alamin niyo ang buhay ko noon at ngayon...

Alamin niyo kung gaano ka importante ang responsibilidad niyo at ang pag aaral.

Mahalaga ang edukasyon at dapat pangalagaan.

Simulan natin ito ng ako'y bata pa.

12 years ago.....

Ako ay Grade 5 student, 10 years old. Nag aaral sa isang public school dito sa aming bayan.

Dito sa lugar namin pag dumating ka sa edad na 12 o kaya nakatapos ka ng elementary pwede ka ng magtrabaho.

Marami akong kilala na mga naka graduate ng elementary na ngayon ay nagtatrabaho na.

Ang ama ko ay isang magsasaka at kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay.

Ang ina ko ay namatay sa pagbubuntis niya sa aking bunsong kapatid. Sa kasamaang palad namatay sila parehas kaya kaming dalawa lang ni ama ang magkasama.

Ang pangalan ni ama ay Pedro Porte. Bata palang siya ay nagtatrabaho na siya dahil ang tatay niya ay walang paki alam sa kanila at nagawa pa nitong magkameron ng kabit.

Meron na nga siyang 13 na anak nagawa niya pang mag kakabit.

Pero ibahin niyo ang aking ama. Napaka alagain niya at mahal na mahal niya ako.

Kaunti lang ang sweldo ni ama kaya ang pagbabayad man lang ng kuryente ay hindi namin afford.

Ang bahay namin ay gawa sa bamboo. At palapa ng niyog. Sa loob ng bahay namin ay may maliit na mesa at 3 upuan na gawa sa kahoy. At dalawang unan. Wala kasi kaming kama ehh.

Di ganon kadali ang buhay namin. May araw panga na wala kaming pagkain ehh. Pero naiintindi ko naman, alam kong mahirap kami.

Minsan nga naiisip ko buti pa yung mga mayayaman o kahit man lang may kaya maayos pa ang buhay di tulad namin.

Pero di minsan sumagi sa isip kong sisihin ang Diyos sa nang yayari.

Pumapasok ako na walang baon tapos ang notebook ko ay 2 lang. Hinahati ko ang 8 kong subject sa dalwang notebook.

Tapos ang bag ko ay gawa sa sako pero para sa akin ayun ang pinaka mahal na bag dahil gawa to ng aking ama.

Ngayon ay lunes (Monday) pupunta ako ng eskwelahan. Nakatira kami sa bukid, malayo sa bayan.

Kaya naglalakad ako papunta sa school. 3:00 nagising na ako tapos sisindihan ang kandila para may ilaw ako.

Tapos minsan wala akong kinakain sa umaga. Naliligo ako sa ilog malapit sa bukid.

Tapos iisa lang aking uniform para sa buong lingo.

4 o'clock ako makakaalis sa bahay at makakarating ako sa school mga 7 o'clock kaya nagsisimula na akong maglakad ng maaga.

Dumadating ako sa school na pagod at pawisan tapos maraming mga bully doon sa school tapos yung mga teacher matataray at nakakatakot.

May isa akong kaibigan na si Elpidio Mento. Makulit siya at madalas napapagalitan ng guro.

Pero para sa akin mabait siya at matulungin.

Nakarating ako sa school na putik putik ang paa. Wala kasi akong sapatos kaya naka tsinelas lang ako.

Pag dumating ang bakanteng oras o recess ay inom lang ako ng inom ng tubig para mabusog.

Yun lang ang ginagawa ko palagi.

Lumipas ang panahon ng mabilis. At nakatung tong ako sa grade 6.

Isa naman akong matalinong bata kaya nakatapos ako ng elementary with honors at valedictorian ng grade 6 students.

Ng awardan na, yon sobrang saya ni ama sa aking nakamit.

Dahil sa aking pagsisikap naging valedictorian ako.

Ng bakasyon na naisipan kong maghanap ng trabaho.

Ng pinaalam ko ito kay ama nagalit siya at hindi ko maintindihan kung bakit.

Ilang araw na ang nakalipas at hindi kami ni ama nag iimikan.

At ng dumating ang isang araw na nabuo na ang loob ko tinanong ko si ama habang nakain kami ng hapunan.

"Tay sorry po kung ano man po yung ginawa kong masama patawad po" sabi ko kay ama.

Napatingin naman si ama sa akin at ngumiti ng mapait.

"Wala kang kailangan i hingi ng tawad. Ako dapat yung humingi ng tawad. Kasi dahil sakin nahihirapan ka. At minsan di nakaka kain at nakakatulog ng ayos. Wag kang gumaya sa ibang tao. Wag tayong gumaya sa mga pamilya dito. Anak gusto kong makatapos ka ng pagaaral mo. Anak gusto kong maging maganda ang kinabukasan mo. Responsibilidad ko ang algaan, mahalin, protektahan, at pag aralin ka. Ang gusto ko lang sanang gawin mo ay magsikap, mag aral ka ng mabuti. At wag na wag kang susuko dahil may Diyos. Mahal niya tayo. Kaya wag ka munang mag trabaho dahil hindi reponsabilidad ng anak ang magtrabaho para sa ama dapat ang ama ang nag tatrabaho. Ayokong gayahin ang aking tatay. Gusto kong maging mas maging mabuting ama sa kanya. Anak ito lang ang gusto kong lagi mong tatandaan. Mahal kita, mahal ka ng Diyos di ka niya papabayaan" sabi ni ama.

Sa sinabing iyon ng aking tatay ay nabuhayan ako ng loob.

Habang lumalaki ako ay lagi kong naiisip ang sinabi ni ama.

Nagpatuloy ako sa pagaaral. Nakatapos ako ng pagaaral ng Doctoral. Naging matagumpay ako katulad ng gusto ni amang makamit ko.

Nag kameron ako ng pamilya  at naging mas maayos ang pamumuhay ko.

At ang aking ama ngayon ay nagpapahinga na sa langit.

Present

Gusto ko lang sanang malaman niyo na pag naging porsigido ka makakamit mo ang iyong pangarap.

At gawin niyo ang inyong responsibilidad.

Iba ang responsabilidad sa sakripisyo.

Mahal tayo ng Diyos at di niya tayo papabayaan.......













-Hailey_41

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon