Fangirling 2- The Concert 1

64 5 5
                                    

***

Nagising ako dahil sa katok ni Mommy sa pintuan ko. Linggo na linggo aga aga akong ginigising.

"Jeya bangon ka na jan! Pupunta tayo sa Manaog Church tapos sa Baguio" sabi ni mommy sa labas.

Tignan ko ung orasan sa cp ko. 3:00 am?! Wtf!

"My naman ang aga aga pa oh! Mamaya na!" Sabi ko na inaantok pa.

"Jeya di pwede! Babyahe pa tayo! Bumangon ka na jan at gumayak!" Okaaaaaay galit na si mommy. Hays.

Gumayak na ako. At nagsout ng combat boots, denim skirt at off shoulder na puti. Kinulot ko ung buhok ko sa baba. At nagdala nalang ako ng Shorts para mamaya sa baguio.

Nagpunta na kami sa byahe habang ako naman inopen muna ung Data ko para di maboring sa byahe. Kakain nalang daw kami sa Baguio sabi ni mama pagkatapos ng Misa sa Manaog.

Habang nagsscroll ako sa twitter gulat ako dahil andaming notification? Bat kaya?

Tapos napatili ako ng makita ko kung bakit? Sheeeeet.

*@clydeeesuk replied to your tweet "Goodnight also sweet dreams ;)"* wtf? No i must be dreaming. Damn first time niya magreply ng tweet niya? Omggggggggg.

"Jeya ano ba yan? Para kang umiire jan! Pumirmis ka nga jan! Sakit sa tenga ng boses mo!" Ayan galit na si Mommy.

"Sorry mommy, kinikilig lang ako niretweet kasi ni Clyde ung tweet ko sakanya." Sabi ko nalang habang pigil ung kilig ko.

"Pero di mo kelangan sumigaw jan!" Sabi ni mommy. Okay okay galit na talaga siya.

"Hon, hayaan mo na si Jeya. Matataas naman grades niya e. Minsan lang kung mag gadgets yan. Alam na niya alin ung tama at mali." Sabi ni papa habang diretso tingin niya sa daan.

Yup, si Daddy ang driver. Sabi kanina ni mommy si Mang Berto na daw mag drive ayaw ni dad kasi family bonding daw un. So ayun siya ung boss kaya si nasunod.

And Yes! Daddy is the winner. Haha di pumalag si Mommy. And Sobrang love na love ko si Daddy. Lagi niya ako pinagtatanggol kay mommy. Hihi.

So ayun sumabog notification ko sa Twitter dahil sa reply ni Clyde sa good night ko. And syempre di mawawala ung ibang fangirl na inggitera! Grrrr.

"Lucky naman this girl" sabi ni @sukwife duh! Suk wife? E di pa nga sila kasal! Ako ung asawa ni duh. Hahaha ambisyosa din ako hahaha.

"Sana lahat" sabi ni @francissukfiancé fiancé daw e wala naman patunay na engaged sila ni Clyde ko. Duh! Mga kagaya ko sila mga ambisyosa. Hahahahhaa

At marami pang iba na mga parehas lang katulad ng iba. Hays.

Nakarating na kami sa Manaog. 2nd mass ung naabutan namin. So ayun nagtirik muna kami ng kandila bago kami pumasok sa loob. Nag pray ako na sana maging asawa ko si Clyde. Hahaha. okaya kahit di na po maging asawa kahit mapansin niya lang po ako sa parating na Concert niya dito sa pilipinas.

Pagkatapos ng Misa ni Father. Umalis na kami at dumeretso dito sa Baguio. May rest house kasi kami dito. Kaya dun kami tumuloy. Nagpahinga lang kami tapos kumain ng take out namin. At later pupunta kami ng SM Baguio.

A Letter of A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon