Chapter 11

442 17 11
                                    

Btw, join our group if you have time. Click the external link there ----->

And yeah, it's a DOG. HAHAHA! ---->

                                                                                                                -Secondary Jazz ♥

--------♥--------

Naiwan na lang kaming dalawa ni Chase doon. Naglakad na ako papunta sa maliit na tambakan kung saan maraming pusakal.

“Mingming. Swii-swii-swii.”

Pakshet. Walang nalabas na pusa. Naubusan na ata talaga kami.  -_______-‘’

“Ming ming ming. Lumabas na kayo, may pagkain ako oh. Ang daming bacon dito tapos may isang buong lechon pa oh. Lumabas na kasi kayo, please? Swii-swii-swii-swii.” nagbubuklat-buklat ako ng mga nakatambak dun nang biglang may humawak sa bewang ko.

“Hoy!”

“Ay paring nakaluhod!” nilingon ko yung nanggulat sakin.

Alam nyo na kung sino yon. -______-

“Ano ba ka?!”

“Gwapong nilalang, ano pa ba?”

“Kapal mo. Pakamatay ka na lang.” ipinagpatuloy ko ulit yung paghahanap. “Mga mingming, friends naman tayo, diba? Labas na kayo oh. Paggagawa ko pa kayo ng shake at pasta.”

“May nakapagsabi na ba sayo na mas prefer ng mga pusa ang malalansang isda kesa jan sa mga pagkaing ini-ooffer mo sa kanila?”

Lumingon uli ako sa kanya. Leche. Nakangisi nanaman sya at nakatingin sakin na parang napakatanga kong tao.

Sabagay, medyo natanga din ako dun ah.

Sorry naman, desperada na akong makakuha ng pusa eh. Tsk. Si Chase ang may kasalanan ng lahat!

Sinugod ko sya at pinagsusuntok.

“Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit wala na akong naabutang test subject! You crazy maniac, I’m going to kill you!”

“A-aray! Ano… ano ka ba?! Stop it! Aray ko!” hinuli nya yung kamay ko at inilagay sa likod nya. Ang awkward tuloy.

Alam nyo yun?

Parang nakayakap ako sa kanya tapos ang lapit-lapit namin sa isa’t-isa. Ang awkward tologo. >_____>

“Sabi kong tigil eh.” sabi nya habang nakatitig sakin.

I tried looking away pero hindi pa rin sapat yon para maalis yung presence nya.

“You’re blushing…”

Mas lalo ata akong namula nung sinabi nya yon.

Naman eeh. Bakit kelangan nya pang punahin yon? >////<

*sigh*

Binitiwan na nya yong kamay ko at naglakad papunta dun sa mga nakatambak na sirang upuan. Naiwan ako dung nakatayo at hindi makatingin ng derecho.

“Napakaboba mo. Simpleng pagtawag lang sa mga pusa, hindi mo pa alam kung pano.” bumalik nanaman sya sa pang-iinsulto.

Lord! Bakit mo ako binigyan ng partner na ganto? =____=++

“Ngiyaw. Meow-meow.”

Huh??? May pusa? O________O

Tumingin ako sa side ni Chase para lang magulat and at the same time, humagalpak ng tawa.

Hide-And-SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon