Chapter 6

5 0 0
                                    


| Shadow |


Chanyeol's POV

Uwian na namin. Hinihintay pa namin yung iba, may practice pa kami para sa comeback bukas.

" Tagal! Gutom na ko! " reklamo ni Chen hyung.


Nandito kasi kami sa gazebo garden ng school. Dito kami madalas maghintayan. Ilang oras na kami naghihintay? 2 hrs palang naman. P*ta! San na ba yung mga yun?!


" Ooooyy! " napalingon naman lahat kami sa tumawag. Sila Lay, Kai, Tao, at Kris na tumatakbo papunta samin.

Nung nakarating sila samin tig-iisang batok ang natanggap nila kay gramps.


" Ano bang ginawa niyo?! Dalawang oras na namin kayong hinihintay! Halos mamuti na mga buhok namin dito! " daing ni Gramps.


" Sorry na hyung. Maawa ka. Di na mauulit. Kasi inutusan kami nung teacher dun, kami pinagturo ng sayaw sa PE class nila " pagmamakaawa ni Kai. Natatawa nalang kami. Para kasi silang nanay na pinapagalitan yung anak.


" Tinatawa-tawa niyo?! Sakay na! Lagot tayo kay Coach Vayne. Tch " ayan tuloy, nagsimula ng magutos si tanda. Hahaha.


Papasakay na sana ko ng van, when I heard someone shouted my name. Pamilyar yung boses kaya napalingon agad ako sa likod ko. Nakita ko siyang tumatakbo papunta sakin.


" Chanyeol! Wait lang! " it took a bit of seconds ng maabutan niya na ko. She took a few breathes before siya magsalita.



" Anlayo nung tinakbo ko ah, buti nalang naabutan ko pa siya. Ahm, gusto ko lang magthank you. Tinulungan mo kasi ako kaninang umaga, sa mga upuan? Kung hindi siguro matagal pa'ko natapos maglinis " may mga binulong siya nung una pero di ko maintindihan. Medyo hinihingal pa siya. Mukhang anlayo ng tinakbo niya.



" You're welcome Crysa. Besides, sabay naman tayong pumasok ng maaga. Might as well tulungan narin kita " I said and chuckled.


" A-ahm. Y-yun lang naman. Sige, mauna na ko mukhang may lakad din kayo eh. Bye! " her cheeks are really turning red. Nagmamadali rin siyang umalis. Tumakbo siya paalis at tinatanaw ko lang siya ng biglang natapilok habang tumatakbo. Pfft.


" Tapos na ba kayo Chanyeol? Tapos na?! Pwede na ba tayong umalis?! Ha?! Pwede na?! " sigaw ni Suho hyung. Ba't ba init ng ulo nito? Tinawanan lang ako nung iba. Sumakay narin ako ng van. Baka iwanan pa ko ni gramps.



Crysa's POV

" Alex, turuan mo naman ako. Di ko talaga gets yung sayaw eh. Bat kasi may papresentation pa silang nalalaman. Di naman lahat nabiyayaang magaling sumayaw! " kanina pa pumuputak dito si Gail. Nandito kami sa practice room ng school. Pwede pa kami magstay dito sa school kahit tapos na ang klase namin.


" Gail, you just need to learn the dance. Hindi mo kailangan maging magaling or pro or whatever. Marunong ka naman sumayaw ah? At yun ang mas importante " sabi ni Alex at pinlayback yung music.


Nagpapractice kami ng sayaw. Presentation for tomorrow, each year has one group to perform. Sadly, napili kaming tatlo para sa grupong binuo. Marunong akong sumayaw, oo. Pero hindi ako magaling. Besides, di ko kayang matuto ng sayaw na tinititigan mo lang sa phone. Kailangan may nagtuturo talaga sakin.


Kumpara mo kay Alex, isang titig lang sa phone niya gets na niya bawat step. Alam niyo bang kanina lang namin kinuha yung sayaw? We left her for an hour dahil nagutom kami ni Gail. Nung bumalik kami, kabisado na niya lahat as in buong 3 minutes. From steps to flaws and facial expression. Nganga nalang talaga kami ni Gail.


Almost dalawang oras na kaming nagpapractice. Makakalahati na namin yung sayaw, dahil kay Alex.



" 5-minute break guys " sabi ni Alex at agad kinuha yung water bottle niya.


After another hour, medyo nasasayaw na namin ng buo ni Gail. But not enough to present, may mga times kasi na di ko alam kung anong paa ang uunahin. Pareho ata na kaliwa yung paa ko.



We tried for another round.

[ Shape of you - tune ]


Matatapos na namin yung sayaw, ng biglang may pumalakpak.


" Renz? " pero nginitian niya lang kami.


Renz Kyle Alvarez. Boy bestfriend ni Gail. Isa rin sa mga popular dito sa univ, kasali rin kasi yan sa varisty team. Plus, isa rin siya sa mga pumasa sa National Examination. So yeah, matalino rin talaga siya.


" Sumasayaw ka na pala Gail? " pangaasar nito. Binatukan naman agad siya ni Gail.


Nagtatawanan kami ng biglang may naaninag akong anino sa may puno. Pero nung lumingon ako biglang nawala.


" Crysa? Okay ka lang? " tanong ni Alex. Nakatingin silang tatlo sakin.


" Ha? Oo naman, may nakita lang ako. Kaso di ko sure kung sino eh "


" Guni-guni mo lang yun " sabi ni Gail at kumain ng sandwich.

Someone's POV

Muntik na ko dun ah! Tsk.

Umalis na ko sa puno at pumasok sa kotse ko. I called her, it rang for a few times then sinagot na niya.


" Ma'am?  You're right, she's alive " sabi ko at hinintay ang sagot ng kabilang linya.


" Very well. I'll meet her...very soon. Also, bantayan mo ng maigi si Park Chanyeol. He'll be your new assignment " sabi niya at ibinaba na ang linya.


I took two pictures out. One girl, and one boy. Just my age.


Mourine Crysanne Cortez

Chanyeol Park


Let's meet soon shall we? *smirk*


I walked through the Dean's Office and gave him an envelope. Inilabas niya ang mga papeles.


" And you are?... " tanong nito na nagtataka.


" A transferree ... "

She's Into HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon