Amie's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng room hinihintay ko si kately cleaners kasi yung abnong yun hahaha napatapat ang tingin ko dun sa may gate medyo malapit lang kasi yung room namin sa gate
Ayy teka ayun yung lalaking nakabangga sakin ah hmm ang gwapo pala niya takte ayy wait sino yung mga kasama niya umatras ako ng unti para makita ko at ayun nagtama ang paningin namin nung
*tug dug tug dug tug dug* takte ano ba yan ayan nanaman yung puso ko pag nakikita ko siya! Hmm mas gwapo yung nakabangga ko kanina kaysa sa kanya pero siya yung type ko (isip: hoy amie ang landi mo anong type type na nalalaman tsk tsk) ayy putek bat nga ba ako napunta diyan sa type type na yan takte pwe pwe . So ayun Lima silang magkakasama ang cu-cute nila hihihi"Amie!!" Sigaw ni kately
"Ano!? Makasigaw to akala mo naman napakalayo ko tch kainis ka!" Sabi ko
"Para kang tangang nakangiti diyan kanina pa kita tinatawag di moko pinapansin at saka sino ba yang mga lalaking yan nako amie wag mong sabihing mga crush mo yan" sabi niya putek crush amp
"Anong crush lol ka ,Tara na nga baka maiwan pako ng service ko" sabi ko sa kanya tapos hinigit ko yung kamay niya para makaalis na kami
Rei's POV
Hay,malapit ng magbakasyon San kaya ako
magbabakasyon ,maganda sana kung kasama si denee eh kaso kainis bawal siya. Nandito ako ngayon sa loob ng classroom.Nakaupo, cleaners kasi kami kaso tinatamad akong maglinis" mga tol Tara na pabayaan na natin sila diyan magbabasketball pa tayo" sabi ni rick kahit kailan talaga to ang tamad makapagsalita no hahaha akala mo di tamad
"Sige tara" sabi ni Ryan
" teka mga tol tapon ko lang tong basura^_^" sabi ni valentino at lumabas ng room
"Anyare Kay val ansipag ata ngayon ah tapos kanina pa ngiti ng ngiti parang tanga e"sabi ni Ronald ,haha yeah tama siya parang tanga ngayon si val short for valentino pangiti ngiti siya pagkatapos naming magrecess
"May alam ba kayo sa nangyari kung bakit siya naging ganyan?" sabi ni ron short for ronald
" nalaman niya na kasi name nung gusto niyang babae, tanda niyo yung cute na babae?" Sabi ni Ryan
"Sino yun?" Sabi ko kasi wala naman akong natatandaang may gustong babae si val e
"Ayy oo nga pala wala ka nun tol kaya di mo alam" sabi ni Ryan
"Ahh "sagot ko nalang
" ano rick at ron tanda niyo?" Sabi ni Ryan
" ahh oo ,pano niya nalaman yung name?" Sagot ni ron
" ano pa ba syempre gumawa ng moves *smirk*" sabi ni Ryan
"Anong moves ba ang ginawa haha" sabat ko
"Binangga niya then di alam nung babae na nahulog yung ID niya haha swerte ni val kasi nahulog tas kinuha niya ayun dun niya nalaman at dahil nga ibibigay niya dun sa babae yung ID ay nakausap niya pa ahahaha " sabi ni Ryan
"Ow hahaha nice" sabi ni ron
"Oy bakit niyo ko pinaguusapan" sabat ni val pagkapasok sa room
" anong name nung babae tol" sabi ko
"Bat ko sasabihin" sabi niya
" para malaman namin kung sino yang babaeng gusto mo" sabi ko
" nako wag na baka pormahan mo pa yun ,akin lang siya dude" sabi ni val tsk diko aagawin yun may denee ako
" ASA ka val haha alam mo namang mahal na mahal nya yung babae nya" sabi ni rick
" hahaha oo nga pala
Musta na pala kayo nun tol" sabi ni val" ganun pa din" sabi ko
" Tss mahina ka tol" sabi niya
" anong mahina suntukan nalang oh" sabi ko
"O tama na yan ,Tara na magbabasketball pa tayo" sabat ni Ryan at nagayos na kami ng gamit namin at naglakad na kami
Habang naglalakad kami napatingin ako sa gilid namin at nagtama ang paningin namin nung babae ayy wait parang kilala ko to"Uy val ayun yung cute na babae oh" biglang sabi ni ron at napatingin ako sa kanya at tiningnan ko din yung tinitingnan nya at kung Hindi ako nagkakamali nakatingin siya dun sa babaeng inaalala ko kung San ko nakita ,na may kausap na isang babae na mukang nagsisigawan pa ata sila
"Ayy shet mga tol nababakla ako tara na nga baka makita niya pa tayong nakatingin sa kanila baka isipin nun na may gusto ako sa kanya nako di na ako makakadamoves niyan,tara na"sabi ni val na ngiting ngiti tss bakla amp
" hahaha tara na baka maihi pa si val dito sa sobrang kilig,nakita lang yung babaeng gusto niya" sabi ni Ryan
"Ulo ka tol! Di naman ako ganon kalala tsk Tara na nga!" Sabi ni val at nauna ng maglakad
" hahahaha pikon e "sabi ni Ron
" hahaha Tara na nga"sabi ko at umalis na kami
A/N
Hiiiiiiiiii reaaaaadeeeeeerss soooorrry guuuuuysss ngaaaayoooon laaaaang naaakaaapaaaagUD aaaang maaagaaliing niyooooong ooootooor so ayon hahahaha sana basahin niyo parin story ko hihihi wag kakalimutang ivote hakhakhak Laaaaabbb kaaayoooo ni miemie^_^ <3<3<3
YOU ARE READING
ONE MONTH ONLY
Novela JuvenilBakit kung sino pa yung mahal ko eh meron ding mahal na iba? Why so daya? Pwede ko bang turuan yang puso mo na ako nalang ang mahalin nya? Sana pwede para akin ka nalang. Bakit pa kasi ikaw yung laman nitong puso ko? Bakit ba kasi baliw na bali...