Kabanata 3

7 1 0
                                    

Nabobored ako ngayon ano kaya ang pwedeng gawin? Hindi kasi pwede sila pwede dahil may gagawin siya. Si Elijah naman kahit nanliligaw na siya sa akin nahihiya akong yayain siya lumabas.

1 new message...

Elijah Fuentabella

Maine may ginagawa ka ba? Pwede mo ko samahan?

Yes! Buti naman siya na ang nagyaya.

Maine Catalan

Wala naman. Sige samahan kita.

Sinundo niya ako sa bahay at may pinuntahan kaming restaurant. Pero mukhang bago pa ito. May mga tables and chairs na pero wala pa itong mga decorations.

"Kaninong restaurant to?" tanong ko kay Elijah.

"Sa kaibigan ko. Next week na kasi opening nito. As you can see wala pang decorations kaya papasama ako sayo mamili."

"Asan ba yung may-ari nito? Tsaka okay lang ba sa kanya na tayo ang pumili ng decorations dito?"

"Ayos lang nanghingi siya ng tulong sakin."

Tapos ayon pumunta kami sa mall. Habang naglalakad kami papunta sa department store. Ang daming tumitingin na babae sa kanya. Syempre gwapo, matangkad, matangos ilong at maganda ang katawan.

Hay nako! Kapag naging boyfriend ko to nga nga kayo. Hahahaha. Hay nako! Bakit di ko pa kasi sagutin. Ay ewan!

Mga dalawang oras din kaming namili. Hindi kami nagtatalo sa pamimili kasi halos parehas kami ng taste tsaka syempre dapat bagay doon sa restaurant.

"Pagod ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa naman. Why?"

"Di nga? Kasi if pagod ka na pwede kita ihatid na kasi pupunta ako sa store para ilagay na to."

"Sige samahan na kita tapos tutulong na din ako."

Tapos ayon pumunta kami sa store. Then inarrange na namin yung mga decors nagkaroon lalo ng buhay yung restaurant.

"Ang ganda na lalo. Pwede na to magopen agad." mangha na sabi ko.

"Oo nga. Thank you sa tulong mo."

"Hmm. Libre mo ko ah." pabiro kong sabi,

"Pwede bang pagmamahal na lang?" nang-aasar niyang sabi.

"Ay nako! Sino ba yang friend mo? Para sabihin ko sa kanya na ako naman talaga pumili at nagdecor dito."

"Sige next week papakilala kita."

Gabi na kami natapos kaya hinatid niya na ako sa bahay.

"Thank you sa pagsama at pagtulong sa akin."

"Thank you din. Ingat ka."

------------------------------

1 new message...

Ellie Abellana

Charmaine! Busy ka? Pwede mo ko samahan?

Maine Catalan

Nope. Why?

Ellie Abellana

Yeheeeey! Samahan mo ko. I'll pick you up at 5:00pm. See yah!

Tignan mo to di pa nga ako nagyes. Pero okay na din wala naman akong magawa. Hindi nagrereply si Elijah kahapon pa ano na kaya nangyari doon.

So ayon na nga nagsuot lang ako ng dress lang dahil hindi ko alam if saan kami pupunta. Palabas na ako ng bahay dahil andun na daw si Ellie.

Love is...Where stories live. Discover now